Miss World 2011 1st Princess Gwendolyn Ruais enters the world of show business

Gwendolyn Ruais on Miss Universe organizers’ decision to allow transgenders to enter the pageant: “Ang sa akin is every beauty pageant has their own purpose. There are pageants to find the most beautiful in the Philippines, most beautiful woman in the world. Basta sasabihin lang po ’yan sa requirements, kung anong purpose ng pageant. Kung ’yon ang gusto ng Miss Universe, okay lang sa akin. Basta sabihin lang nila na papalitan ni


Susubukan na ni Miss World 2011 1stPrincess Gwendolyn Ruais ang showbiz.

Pumirma siya ng five-year exclusive management contract sa Viva Entertainment kahapon, Mayo 2, na naganap sa Viva office, sa 7thfloor ng Tektite Building, Mandaluyong City.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gwendolyn at aming inalam kung paano nagbago ang isip niya tungkol sa pagpasok sa showbiz.

“A, never naman po ako nag-change ng mind,” paglilinaw ng beauty queen.

“’Yong sa akin, ever since I came back, open naman po ako sa lahat.

“Ang nag-change lang po ngayon is na-release na ako ng Miss World Philippines, so legally allowed po ako mag-sign wth proper management.

“So, kaya super grateful po ako and honored na gusto ako i-sign ng Viva.

“So, Miss World Philippines pa rin po ako, pero I’m allowed to sign other management, like Viva.

“Grateful po ako na they are here to offer me with the workshops that I want, to push me and help me with my career, very happy po ako.”

WORKSHOPS. Bago sumabak sa anumang proyekto si Gwendolyn ay magwo-workshop muna raw siya—’tulad sa acting, singing, dancing, at hosting.

Pero sa lahat ng mga workshops na kanyang gagawin, pinakasabik daw siyang dumaan sa acting workshop.

“Kasi palagi nilang tinatanong kung papasok ako ng showbiz, hindi ko talaga alam!” natatawang sabi ng Filipina-French beauty queen.

“So, interested ako para malaman talaga kung babagay ba ako diyan o hindi, kung magaling ba ako mag-act o hindi.

“Pero ang gusto ko talaga for sure is hosting.”

HOSTING EXPERIENCE. Nabanggit na rin lang ni Gwendolyn ang hosting, aktuwal na niya itong nasubukan nang maimbitahan siya sa ilang programa ng GMA-7, ’tulad ng Unang Hirit at Eat Bulaga!.

Kumusta naman ang kanyang first hosting experience?

“Super fun po talaga!” bulalas ng 22-year-old beauty queen.

“I get to enjoy it kasi I get to be myself, hindi siya serious na ano... puwede siya kahit ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You’re just enjoying yourself, making chika which is what I love about it.”

Dahil isang news program at noontime show ang nasubukan niya, sinabi ni Gwendolyn na mas na-enjoy niyang i-host ang isang entertainment-oriented show.

Kuwento niya, “Sa Eat Bulaga! nag-perform po ako, nag-dance.

“Siyempre, one of my all-time partners is si Sir Wally [Bayola].

"He’s super-mabait, super funny, a great person talaga, walang ere, walang kahit ano.

“Working with him is so much fun.”

TRANSGENDER ISSUE. Samantala, dahil siya’y isang beauty queen, hindi naiwasang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa pagsali ng transgender contestants sa Miss Universe ngayong taon.

Matatandaan na nitong Abril, pinayagan ng mga namamahala ng Miss Universe pageant ang transgender si Jenna Talackova ng Canada na ipagpatuloy ang paglaban sa Miss Universe 2012.

Ayon kay Gwendolyn, nagulat siya noong una niyang nabalitaan ito.

“Siyempre po, it’s surprising kasi everybody knows that Miss Universe is for women.

“It’s in the requirements, it’s in the forms, so everybody knows that.

“Ngayon, kung gustong palitan ni Sir Donald Trump, it’s up to him na.”

Ngunit kung siya raw ang tatanungin, hindi naman daw niya minamasama ang naging desisyon na ito ng mga opisyales ng Miss Universe.

Aniya, “Ang sa akin is every beauty pageant has their own purpose.

"There are pageants to find the most beautiful in the Philippines, most beautiful woman in the world.

“Basta sasabihin lang po ’yan sa requirements, kung anong purpose ng pageant.

“Kung ’yon ang gusto ng Miss Universe, okay lang sa akin. Basta sabihin lang nila na papalitan nila ’yong requirements and papalitan din nila ’yong name [ng pageant.]”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN