Lotlot de Leon on proposal to elevate Nora Aunor as National Artist: “I think my mom deserves that [as do] the other veteran actors that we have."

Lotlot de Leon on mom Nora Aunor: "Ever since she got back from the States, hindi pa kami talaga nagkakausap at nagkakasama nang matagal. She’s very busy, ako rin may trabaho. Pero once naman na pinapatawag niya kami, nandiyan naman kami. Yung mga isyung samaan ng loob, wala na yun sa amin. Matatanda na kaming mga anak niya para sa isyung iyan.”


Natutuwa si Lotlot de Leon dahil isa siya sa iilang mga artistang malayang nakakapagtrabaho sa tatlong malalaking TV networks sa bansa—ABS-CBN, GMA-7 at TV5.

Advantage daw ito sa kanya dahil bukod sa tuluy-tuloy ang trabaho ay mas may opportunity raw siyang makaganap ng iba’t ibang roles.

“Nakakatuwa, sana mas marami pang channel,” sambit niya.

“I think to be given the chance na nakatrabaho ko na sila lahat before, yun ang pinaka-advantage ko.

“So, pagkatapos ng isa, since I’ve had a good relationship with all the networks, kaya kinukuha nila ako ulit.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Lotlot sa grand presscon ng kinabilalangan niyang bagong primetime fantaserye ng ABS-CBN, ang Aryana, na ginanap sa Sulo Hotel poolside kagabi, May 1.

Ano ang pakiramdam na muli siyang nakabalik sa ABS-CBN?

“Siyempre masaya. ’Pag ganun kasi, alam mo na may tiwala sila sa iyo. Kahit papaano they’re investing on your talent.

"So, I’m very blessed and grateful.”

WORKING WITH THE CAST. Ginagampanan ni Lotlot sa Aryana ang role ni Rosita Salvador, ang kaibigan at kapitbahay nina Pokwang as Ofelia at Ella Cruz as Aryana.

May tatlong anak siya sa magkakaibang lalaki. Siya ang nanay ni Paul Salas as Marlon, ang kaibigan ni Aryana at may lihim na pagtingin sa dalaga.

Kumusta naman katrabaho si Pokwang?

“Okay, very nice lady. Napakagaling umarte, ang galing-galing niya.

"Kahit saan mo siya ilagay, kahit sa comedy o sa drama, kaya niyang gawin. Madaling pakisamahan.

"Actually, lahat naman kami sa set okay ang samahan," sabi niya.

How about sina Ella at Paul?

“Okay din po. Ine-enjoy ni Ella yung blessing na dumating sa kanya ngayon bilang bida. Ganundin si Paul.

"Pareho silang mababait na mga bata at ngayon pa lang makikita mo na may ibubuga sa acting.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat hindi pa naman daw dumating sa puntong hiningan siya ng advice ni Ella pagdating sa acting, willing naman daw siyang tulungan ang young actress.

“Well, when she comes to me, bibigyan ko rin naman siya ng advice.

"She’s a very level-headed girl, so I don’t think she’ll have a problem with that," sabi ni Lotlot.

STILL HOPING TO WORK WITH HER MOM. Aktibo na naman sa showbiz ang ina ni Lotlot at nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Kailan kaya sila magkakasama sa isang proyekto?

“Naku, hindi ko po alam. God-willing, sana magkaroon.

"Pero ngayon nga magkaiba kami ng network. Ako nandito sa ABS, siya naman sa TV5.

"Pero sana magkaroon," asam din niya.

Sigurado naman daw na hindi sila mahihirapan sa pagtatrabaho dahil okay naman daw ang relasyon nilang mag-ina.

Bagamat hindi sila nagkakaroon ng bonding moments, dahil na rin sa parehong busy ang schedules nila, alam naman daw nila sa isa’t isa na wala silang problema.

“Hindi po kami nagkikita ngayon, e. Kasi nasa Tawi-tawi yata siya at nagsu-shooting ng movie.

"Pero one thing is sure okay kami ni Mommy. Mainam naman po.”

Paano niya ilalarawan yung "mainam" na relasyon?

“The usual mother-and-daughter relationship," sabi ni Lotlot.

"Kaya lang, ever since she got back from the States, hindi pa kami talaga nagkakausap at nagkakasama nang matagal.

"She’s very busy, ako rin may trabaho. Pero once naman na pinapatawag niya kami, nandiyan naman kami.

"Yung mga isyung samaan ng loob, wala na yun sa amin. Matatanda na kaming mga anak niya para sa isyung iyan.”

NORA AS NATIONAL ARTIST. Naitanong din kay Lotlot kung ano ang side niya sa usaping may mga nagsusulong sa pangalan ni Nora para maging susunod na National Artist?

“I think my mom deserves that [as do] the other veteran actors that we have.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sana mabigyan siya ng recognition.

"My mom, you know, she has worked all her life and to be given that special kind of recognition is napakalaking bagay para sa kanya.

"So, hopefully, we will be praying for that," sabi ng aktres.

Personally, ano ang mararamdaman niya kung sakaling tanghalin ngang National Artist ang mommy niya?

“Siyempre, napakalaking recognition nun.

"It will be such an honor hindi lang para kay mommy kundi para sa family namin. I will be very happy for my mom.

"Pero knowing my mom, she’s a very humble person, e. Whether makuha niya o hindi, I think she’s already happy with all the achievements she has accomplished.

"And sa dami na ng pinagdaanan ni Mommy dito sa industriya, with or without it, she’s a national artist in her own right.

"So, okay na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN