Paul Salas shares father’s advice about being a celebrity: “Sabi niya sa akin na maging gentleman lagi, ‘wag lumaki ang ulo."

Paul Salas says his biggest break so far is Aryana, where he is paired with the female lead Ella Cruz.

When asked about the "rivalry" between him and friend Daniel Padilla, the Starstruck Kids alumnus just brushed off the issue, "Magkaibigan po kami."


Pilit na pinagsasabong ngayon ang Kapamilya teen stars na sina Paul Salas at Daniel Padilla.

Napapanood ngayon ang huli bilang isa sa leading men ni Kathryn Bernardo sa Princess And I, samantalang ang una naman ay kasama sa Aryana bilang love interest ng bidang si Ella Cruz.

Kahit ang tingin ng iba ay mas nabibigyan ng break si Daniel, hindi naman ito ikinalungkot ni Paul.

Aniya, “Kasi po, matanda po naman sa akin si Daniel—mga three years ang tanda niya sa akin.

“Magkaibigan po kami at hindi naman masama ang loob ko na mas nauna siyang nabigyan ng starring role kaysa akin.”

Malaking break para sa binatilyo ang bago niyang project.

At ngayong mas magiging visible na siya, handa na ba itong harapin ang anumang mabibigat pang intriga na darating?

“Opo. Kasi simula pa ng five years old, pinaghandaan ko ito,” pagmamalaki ni Paul.

“Masaya na ako noon sa ibinigay nila sa aking Oka Tokat in the afternoon, [’tapos] isang primetime show na ito, di ba?

“So, sobrang nagpapasalamat po talaga ako kay Lord, sa ABS-CBN, kay Sir Deo Endrinal at sa lahat lahat na talagang nagtiwala at tumulong sa akin.”

ADVICE FROM DAD. Ano naman ang payo sa kanya ng amang si Jim Salas na dating kasali sa sikat na Universal Motion Dancers?

“Sabi niya sa akin na maging gentleman lagi, ‘wag lumaki ang ulo.

“Laging palabati sa press at sa lahat ng mga taong nakakasalubong ko, lalong-lalo na sa mga fans.

“Dapat daw akong mabait sa lahat,” ang kuwento ni Paul.

In about three years, magiging binata na ito at maaari nang maging leading man.Pangarap ba talaga niya ang maging isang sikat na artista?

“Well, opo, pangarap ko po,” ang sagot agad ni Paul.

“Pero sa totoo lang, e, hindi ko pa rin naman nakikita ang sarili ko na malalampasan ko ang narating ng ama ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, ang yabang ko naman siguro kung sasabihin kong pangarap kong lampasan ang kasikatan ni Daddy.

“Ito kasi, e, dream ko talagang mag-showbiz.

“So, gawin ko rin naman ang lahat ng makakaya ko para sa dream kong ito.

“Hindi lang naman ito kagustuhan ng Daddy ko kundi ako mismo, pangarap ko talaga ito.”

Pero kahit maging busy pa siya sa career, hindi mawawala sa priorities ni Paul ang pag-aaral.

Regular third year high school ito sa The Master’s Academy, isang home school na nagpapadala ng mga learning modules sa mag-aaral nito.

Ang sabi ng dating child star, “Iba na kasi ang makatapos ng pag-aaral.

“Kumbaga, kahit maging busy ka sa showbiz, dapat talagang may natapos ka rin.”

STAGE FATHER? Ang kanyang ama ang kanyang kasama sa taping o out of town shows. Okay lang naman daw ito kay Paul.

Paliwanag niya, “Hindi ko rin kasi kayang wala sila sa tabi ko.

“Kasi, sa totoo lang, sa kabataang kagaya ko e, hindi mo talaga basta na lang maiiwasan ang anumang temptation.

“May mga teenagers kasi tayo na kapag wala ang mga magulang nila e, sumasama sa iba’t ibang barkada, kaya ayun napariwara ang buhay nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN