Pokwang on identity of the person who gave her a diamond-studded ring: "’Wag ninyong itanong. Baka magulat pa kayo."

Pokwang on doing a noontime show: “Sino ba ang hindi nakaka-miss noon? Pero okay lang naman kasi ang ganda ng plano sa akin ng ABS—bongga ang mga shows na ibinigay nila sa akin."


Nakaka-relate daw si Pokwang sa role niya sa bagong fantaserye ng ABS-CBN, ang Aryana, na magsisimula ngayong Lunes, May 7.

“Sobrang lapit sa buhay ko ang role ko sa Aryana.

“Medyo naka-relate nga ako, kaya hindi maiwasan minsan na medyo mapaiyak na lang ako dahil sobrang lapit ng role ko rito sa tunay na buhay.

“Yung isang nanay na nahiwalay sa isang anak, di ba?

“Pero nakatulong naman para mas gumanda lalo ang acting ko na hinihingi nila,”ssabi ni Pokwang nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Aryana noong May 1.

Dagdag pa ng comedienne, “Minsan nga may mga linya akong binabasa pa lang na parang dinudurog na ako.

“Kumbaga, parang sinasabi ko ito sa totoong buhay."

RELATES TO THE STORY. May isang eksenang hindi raw kinaya ni Pokwang ang ending at biglang napahinto siya sa gitna ng taping.

“Ito yung eksena na hindi kinikilala ni Tonton [Gutierrez] na anak talaga namin si Aryana.

“Hindi siya maniwala na nagkaroon kami ng anak. Kumbaga, sobrang sakit talaga.

“Anak n’yo yun, ‘tapos itatanggi ng isang tao na sa pagkakaalam mo ay isa sa ipagtatanggol ka, pero instead, dinurog lalo ang pagkatao mo.”

Aminado si Pokwang na nahirapan siyang mag-deliver sa naturang eksena.

Pero sa tulong ng mga naging kaeksena niya, naitawid niya nang maganda ang kanyang role.

“Siyempre, hindi naman tayo pinabayaan ng mga kaeskena kagaya nina Tonton, Direk Laurice [Guillen], at iba pa.

“Kumbaga, naging maganda ang pag-deliver dahil magagaling din naman ang mga kaeksena ko.”

DRAMA VS. COMEDY. Dito sa Aryana ay seryosong aktres si Pokwang at mukhang dito siya nalilinya.

“Dito sa Aryana, kung may comedy man ako, e, papitik-pitik lang.

“Pero masasabi ko seryoso ako rito at dramang drama ako rito,” pailing-iling na banggit ni Pokwang.

Saan ba mas kumportable si Pokwang—sa drama, o sa comedy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung una, e, masasabi kong sa comedy talaga.

“Kumbaga, noon kasi parang ang dali kong magpatawa.

“Pero sa ngayon, after nag-MMK [Maalaala Mo Kaya] ako, nag-Mother’s Story, e, mas gusto ko ngayon drama na talaga.

“Pero siguro naman, e, hindi naman puwedeng drama na rin tayo parati…

“Dahil nakilala naman tayo bilang nagpapatawa, e, bahala na ang ABS-CBN sa akin.

“Anyway, sila naman ang nakakalaalam kung ano talaga ang dapat na role para sa akin.

“Basta tayo, tanggap lang nang tanggap, trabaho yun, di ba?” balik tanong sa amin ni Pokwang.

IN LOVE? Marami ang nakakapuna na “blooming” ngayon si Pokwang.

May balita pa ngang “in love” daw ngayon ang komedyana.

May nagpapaganda ba sa kanya ngayon?

“Well, wala, a!” natatawang sagot agad ni Pokwang.

“Kung blooming ako ngayon, e, masaya kasi ako at walang intriga.

“Tuluy-tuloy ang mga magagandang blessings.

"Kung may mga nawawala man, e, meron namang kapalit agad.

“Sa akin naman, sanay ako na mawalan at alam ko namang may darating na kapalit.

“Ako naman ‘pag walang trabaho, e, [sa] bahay lang talaga ako.”

Hindi ba siya nalulungkot na wala siyang matatawag na “papa”?

“No! At isang malaking hindi.

“Happy po ako sa buhay ko at walang problema sa akin ang mga sinasabi ninyong ’yan.

“Mas masaya ako sa ganitong buhay," saad niya.

ON BEING SINGLE. So, tanggap na niyang maaaring "forever single" na siya?

“Okey lang. Matagal ko nang pinaghandaan ang bagay na ‘yan,” pag-amin ni Pokwang.

Aminado rin si Pokwang na medyo nami-miss na niya ang paghu-host ng variety show o game show, lalung-lalo na yung ginagawa niya noon sa Happy Yippe Yehey!.

“Sino ba ang hindi nakaka-miss noon?

“Pero okay lang naman kasi ang ganda ng plano sa akin ng ABS—bongga ang mga shows na ibinigay nila sa akin.

“Lahat ng mga projects na ibinigay sa akin ng management, e, gustung-gusto ko at siyempre, dapat lang na pagbubutihin ko ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE OFFERING? Isang mamahaling singsing na punung-puno ng diyamante ang suot ni Pokwang noong presscon ng Aryana.

Kanino kaya nanggaling o sino ang nagbigay sa kanya nito?

“Naku, ‘wag ninyong itanong. Baka magulat pa kayo!

“Basta, regalo ko ito sa sarili ko,” natatawang sabi ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN