Eric Quizon says dad Dolphy hopes people won’t make an issue out of National Artist recommendations

Eric Quizon on proposal to elevate his dad, Dolphy, as National Artist: “His stand is, if he gets it, thank you; if he gets it, thank you for nominating him. Kumbaga, parang ang inaano lang niya, sana ‘wag naman gawan ng issue. ‘Yong parang feeling niya, ‘Hindi naman ako ang nagla-lobby, e, hindi naman ako ang naghahangad niyan,’ sabi niya. Maski naman ang family namin, hindi kami nagla-lobby, e, hindi naman kami ang nagla-lobby for that


Two-year directing contract daw ang pinirmahan ni Eric Quizon sa TV5 noong Pebrero, at freelance siya pagdating sa pagiging aktor at host.

Kaya naman nagawan pa ng puwang ng actor/director/producer na maging co-host ni Atty. Lou Tancinco sa public-service program na Pusong Pinoy Sa Amerika.

Ang naturang show ay umeere sa GMA Pinoy TV, ang flagship international channel ng GMA Network, tuwing Linggo, 6:10 ng gabi (Philippine time).

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Eric kahapon, Mayo 3, sa presscon ng Season 7 ng Pusong Pinoy Sa Amerika, na ginanap sa isang restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

PUSONG MAMON. Bukod sa paghu-host at pagdidirek ng ilang programa, abala rin si Eric sa sequel ng pelikulang Pusong Mamon.

Ito ang pelikulang pinagbidahan mismo ni Eric, kasama sina Albert Martinez at Lorna Tolentino, at idinirek ni Joel Lamangan noong 1998.

Ayon kay Eric"We’re on our third story revision, pangatlong revision na siya.

“Pero this time, mukhang okay na siya. We decided to go with simplicity… ‘yong simplicity no’ng original na Pusong Mamon.

“So, Viva decided na gusto nila na parang gano’n lang din ‘yong takbo ng istorya, ‘wag masyadong complicated, masaya lang siya.

“I think nga that’s the beauty of Pusong Mamon—very simple, heartwarming, and people can relate to it.

"So, gusto namin parang gano’n lang din siya.”

Matatandaang ang Pusong Mamon ay kuwento ng kakaibang pagsasama sa isang bubong ng dalawang bakla na magkarelasyon (Eric at Albert) at ang babaeng nabuntis (Lorna) ng isa sa kanila.

Ikinuwento naman ni Eric ang magiging pagbabago sa sequel ng nasabing pelikula.

Kami pa rin tatlo, may mga twist lang,” pagtukoy niya sa mga kasama niya sa pelikula na sina Albert at Lorna.

“’Tapos siyempre may anak na kami ngayon, ‘yong anak ni Lorna ‘tsaka ni Albert lumaki na, tumanda na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos mayro’n nang nagkakaroon ng girlfriends, so may mga gano’n—being a parent na ‘yong takbo ng istorya.

“Maganda na siya ngayon, so we’re supposed to do it in April pero na-move nga kami kasi nga ‘yong istorya.

“So, ngayon, we’re slated na ipalabas ang movie ng September, so dapat by July tapos kaming mag-shoot.”

DOLPHY’S CONDITION. Nabanggit na rin lang ang tungkol sa magulang, kinumusta ng press kay Eric ang kalagayan ng kanyang ama na si Dolphy.

May mga balita kasi na hindi pa maaaring dalawin si Dolphy dahil nga sensitibo ang lagay nito.

Pero ani Eric, “Puwede siyang dalawin.

“Kung gusto ninyo pumunta do’n, puwede naman siyang puntahan.

"Ang inaano lang namin, we’re avoiding a lot of people [because] he’s very susceptible to virus.

“Maski kasi kami, kapag lumapit kami sa kanya, naka-mask kami.”

NATIONAL ARTIST. Samantala, bilang anak ng Comedy King, hindi rin naiwasang tanungin ang opinyon ni Eric sa proposisyon na iluklok bilang National Artist ang kanyang ama.

Ilan pa sa mga isinusulong na maging National Artist ay sina Nora Aunor, Vilma Santos, at dating Pangulong Joseph Estrada.

Ipinarating ng direktor na masaya ang Comedy King sa naturang rekomendasyon para sa kanya, ngunit hinihiling daw nito na huwag gawing isyu ang pagtanggap ng nasabing parangal.

Ani Eric, “A, like what I said before, he’s been nominated so many times, but this was like what, fifth nomination, and it has been elusive, parating hindi napupunta sa iba.

“His stand is, if he gets it, thank you; if he gets it, thank you for nominating him.

“Kumbaga, parang ang inaano lang niya, sana ‘wag naman gawan ng issue.

"‘Yong parang feeling niya, ‘Hindi naman ako ang nagla-lobby, e, hindi naman ako ang naghahangad niyan,’ sabi niya.

“Maski naman ang family namin, hindi kami nagla-lobby, e, hindi naman kami ang nagla-lobby for that, ‘no.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ibang mga tao ang nagla-lobby niyan and naglalaban para sa kanya.

“Ang ayaw niya lang is magkaro’n ng issue, parang gano’n nga because… I think they’re all deserving.

“Whoever is nominated, they all have given so much for the country in the best way that they can, so not just through their body of work, but also in their contribution.”

Hindi na rin naisip ng sinuman sa kanilang pamilya na personal nang isulong ang pagtatanghal sa kanilang ama bilang National Artist.

“We just feel na parang it might turn against us, if we do it,” paliwanag niya.

“So, let other people… so many people are doing it for us. So, they’re all rallying and we’re all happy for that.

“It’s just that para lang kung kami… like in the States for the Oscars, the actress usually they lobby for them to win.

“Pero Pilipinas kasi, iba ang kultura, so it might turn against us," saad ni Eric.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN