Louise delos Reyes undergoes on-the-job training at the Senate; plans to take up Law after earning degree in Foreign Service

“Gusto ko po talaga makatapos. Kahit po nahihirapan ako sa schedule, pinagkakasya ko talaga, kasi hindi mawawala yun, e. Ang kasikatan, mawawala din naman yun, e. Pero yung talino, hindi mawawala yun, e," says Louise delos Reyes about her desire to finish her studies.


Excited ang buong cast ng pelikulang The Road ng GMA Films sa nalalapit na red-carpet premiere nito sa Hollywood sa May 9.

Pero nanghinayang ang cast member na si Louise delos Reyes dahil hindi siya makakasama.

OJT AT THE SENATE. Gusto man niyang sumama, hindi raw talaga puwede dahil may mga taping pa siya para sa My Beloved.

Kailangan din daw niyang mag-OJT (On-the-Job Training) sa Senado kaugnay sa kursong tinatapos niya sa Lyceum of the Philippines.

Sa pasukan ay huling taon na ni Louise sa kursong Foreign Service at bahagi nga itong OJT niya sa Senado.

Kuwento ni Louise sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sa Protocol po ako sa Senate. Mga office works po dun.

“Nag-apply din ako kay Senator Miriam Defensor-Santiago, pero hinihintay ko pa ang approval.

“Gusto ko pa sana talaga makapag-work sa office ni Senator Miriam, kasi napapanood ko siya sa impeachment.

“Naaaliw ako sa kanya, sobrang talino niya, pati magsalita ang galing niya.

“Saka ako, personally, gusto ko senator na babae ang papasukan ko sa Senate, na gusto ko rin sana may connection sa environment, sa mga kababaihan… ganun.

“Saka yung wit ni Senator Miriam, yun ang gusto ko sa kanya,

“Feeling ko, marami talaga akong matututunan sa kanya,” saad ng young actress.

Kailangang makabuo na raw siya ng 300 hours ng OJT, para hindi na raw siya mangarag kapag malapit na ang graduaton.

“Kasi huling taon na lang, e. Nakakapanghinayang na yung three years na pinaghirapan ko, ‘tapos hindi ko pa tatapusin,” pakli nito.

NO SPECIAL TREATMENT. Natutuwa si Louise dahil hindi naman siya nakakaramdam doon ng special treatment kahit ikinukuwento daw ng ibang staff na napapanood siya sa Alakdana.

Kuwento pa ng Kapuso young actress, “Okay naman ang experience ko, something new.

“Kasi sobrang prim and proper ka pagdating sa Senate.

“Yung mga mini-skirt, hindi puwede dun. Doon, yung mga blazer [ang suot].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala akong ganung damit, nahirapan ako. Ako, balot na balot ako dun, simple lang.

“Naninibago ako, sobrang formal. Natatakot ako minsan.”

Dagdag pa ni Louise, halos nadadaan daw sa pakiusapan ang pag-aaral niya dahil sa mga regular schedule niya sa taping at minsan ay nagsu-shooting pa siya.

Mabuti at naiintindihan naman daw siya kapag nagpapaalam kung a-absent o minsan ay nale-late ng dating.

FUTURE LAWYER? Ang isa pang plano ni Louise ay tumuloy sa Law pagkatapos niya sa Foreign Service.

“Balak ko mag-UP [University of the Philippines] after ko dito.

“Gusto ko talaga, e. Bata pa lang ako yun na ang pangarap ko.

“Kaya ko kinuha ang Foreign Service para preparation na rin ’pag tumuloy ako sa Law.

“Unlike kung mag Legal Management ako, after ko matapos, kung sakali di ako mag-Law, ano ang maging trabaho ko?

“Pero sa Foreign Service, kukuha lang ako ng exam sa Department of Foreign Affairs, puwede na,” saad ni Louise.

Bilib din si Louise sa mga artistang nag-aaral at gustong makapagtapos dahil iba raw talaga kapag may natapos kang kurso.

“Gusto ko po talaga makatapos.

"Kahit po nahihirapan ako sa schedule, pinagkakasya ko talaga, kasi hindi mawawala yun, e.

“Ang kasikatan, mawawala din naman yun, e. Pero yung talino, hindi mawawala yun, e," sabi ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN