Senator Tito Sotto on Sharon Cuneta: “Mahal na mahal namin siya.”

“Wala rin naman kami [problema]. As far as I am concerned, mayroon lang kaming di pagkakaunawaan,” says Senator Tito Sotto about the possibility of communicating with Sharon Cuneta, who had a misunderstanding with his wife and Sharon’s aunt, Helen Gamboa.


“Alam mo naman na kapag tunay na nagmamahalan, in the end, pagmamahalan ang lilitaw, e, at hindi ang di pagkakaunawaan.”

Ganito inilarawan ni Senator Tito Sotto ang muling pag-uusap ng asawa niyang si Helen Gamboa at pamangkin nitong si Sharon Cuneta.

Si Sharon ay anak ng nakatatandang kapatid ni Helen na si Elaine Gamboa-Cuneta.

Matatandaan na nitong mga nakaraang linggo, naging laman ng balita ang tampuhan ng magtiyahin. Ito ay nagsimula noong nakaraang taon nang maghalal ang Senado ng Senate President.

Ninais ng mister ni Sharon na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na maging Senate President. Subalit hindi niya nakuha ang suporta ni Senator Tito dahil ibinigay niya ang boto niya kay Senator Juan Ponce Enrile, na siyang kasalukuyang Senate President.

(CLICK HERE to read related article)

Pero tila unti-unti nang naaayos ang problemang ito sa pagitan nina Sharon at Helen.

Ayon kay Tito Sen (popular na bansag kay Senator Tito), “Okay naman. Sharon and Helen have communicated with each other in the last days yata."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang senador sa inihandang press conference ng Svenson para sa kanya kaninang hapon, May 4.

Patuloy pa niya, “Helen was telling me about it, nag-text daw sa kanya si Sharon.

"Then, nagpalitan sila ng text about what they felt for each other.”

Sa kanyang parte, hindi naman na raw naghihintay pa si Tito Sen ng pagkukusa mula kay Sharon para kausapin siya.

“I’m sure she will. I’m sure she will,” sabi ng TV host-politician.

“Sila naman [ni Helen] ang nagte-text, e. She usually texts naman, e, even before.

“Kami naman, paminsan-minsan lang, kapag may okasyon.”

HELEN NEVER ASKED ABOUT POLITICS. Sa paglaki ng isyung ito, hindi raw niya masisi ang pagsasapubliko ng mga naging hinaing nina Sharon at Helen.

Ani Tito Sen, “Well, she [Helen] could not resist saying something after what she read in a daily.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After that, maraming pumik-ap ng issue. Nagkaroon ng issue sa Twitter, sa Facebook.

“So, lumala nang lumala but Helen never participated in any of these.”

Dagdag pang paliwanag ng senador, “Alam mo sa aming pamilya, sa amin, politics is seldom discussed.

“This is one thing about [Helen], she has never meddled, ’ika nga sa Tagalog, e, nakialam, o kahit nagtanong.

“Pagdating sa pulitika, she leaves me alone. Ayaw na ayaw niya.

“Basta sa pulitika, hindi siya nakikialam.

“Never sa opisina ko, sa partido ko…sa bahay nga namin, di pinag-uusapan unless I bring it up or one of my kids who’s in politics said something about politics.

“We never talked about it at home.”

Dahil sa nangyari, ayon kay Tito Sen, mainam daw na huwag pag-usapan ang pulitika kapag kasama ang pamilya.

Sabi pa niya, “Mas maganda, mas mabuti na huwag muna ‘yong politics pagdating sa pamilya.

“Unless you’re on the same side of defense, puwede ninyong pag-usapan.

“If you’re not on the same side of defense, huwag na dapat.”

Sa huli, hiningan si Senator Tito ng mensahe niya para sa Megastar.

“Alam na niya ‘yon. Mahal na mahal namin siya. Siya ang ‘panganay’ namin, e," tugon niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN