Ai-Ai delas Alas clarifies walk out during U.S. meet-and-greet after boyfriend Jed Alvin Salang was reportedly asked to leave by American bodyguard

Ai-Ai delas Alas’s (left) boyfriend Jed Alvin Salang (right) was only trying to help control the crowd during a meet-and-greet with Pinoy fans in Atlantic City, U.S.A. But an American bodyguard reportedly told Jed to leave, not realizing he was with the entourage of Ai-Ai, Pops Fernandez, and Martin Nievera.


Nasisira ang araw ni Ai-Ai delas Alas sa tuwing naalaala niya ang naging trato ng isang American bodyguard sa kanyang boyfriend na si Jed Alvin Salang.

Kasama ni Ai-Ai si Jed sa U.S. tour ng Three’s Company, ang concert nila nina Pops Fernandez at Martin Nievera.

Isang insidente na kinasasangkutan ni Jed at ng American bodyguard ang nangyari sa meet-and-greet nina Ai-Ai, Pops at Martin sa successful concert nila sa Taj Majal Casino, Atlantic City.

Dahil sa dami ng fans na gustong magkaroon ng photo op sa tatlong Filipino stars, tumulong si Jed sa pagkontrol ng pila.

Hindi alam ng American bodyguard na kasama si Jed sa entourage kaya pilit na pinaalis niya sa venue ang boyfriend ni Ai-Ai.

Lumabas sa Philippine Daily Inquirer noong Huwebes ang balita na nag-walk out daw si Ai-Ai sa meet-and-greet dahil sa pagmamaltrato ng American bodyguard sa kanyang boyfriend.

Mula sa Las Vegas, nakausap ng PEP.ph (Philippines Entertainment Portal) si Ai-Ai at nagkuwento ito tungkol sa nangyari.

"Nasisira ang araw ko kapag naaalala ko ang nangyari," panimula ni Ai-Ai.

"Matigas ang ulo ng American guard. Kahit sinabi sa kanya ni Pops na kasama namin si Jed, pinaalis pa rin niya.

"Nagdilim ang paningin ko nang makita ko na hindi niya pinakikinggan ang sinasabi namin. Hinampas ko nang malakas ang mesa dahil sa inis.

"Totoo na umalis ako sa meet-and-greet pero mga ten minutes lang, hindi 20 minutes," kwento pa niya.

"Kung hindi sa pagmamahal sa mga kababayan natin na nagpunta sa meet-and-greet, hindi na ako babalik dahil sa pride at sa buwisit ko sa bodyguard na ’yon.

"At hindi siya marunong mag-sorry kahit alam niya na siya ang may mali.

"Nakakaloka siya. Dedma siya porke Kano siya.

"Sumama pa siya sa paghahatid sa hotel room namin as in parang wala lang. Sa inis ko, hindi ako sumakay sa elevator dahil ayoko siya na makasama," sabi ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpalakpakan at sumigaw ng "We love you, Ai-Ai" ang Pinoy fans nang bumalik si Ai-Ai sa meet-and-greet venue.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN