Nora Aunor and Grace Ibuna reminisce good old times; vow to be inseparable

In a rare opportunity of being seen together in public, Nora Aunor (left) and Grace Ibuna (right) expressed and described how their friendship blossomed and maintained through the years. Nora says: "Ang sa amin, yung puso namin sa isa’t isa, yung respetohan namin… Yung pagka-loyal namin sa isa’t isa." Grace confirms: "At ‘pag totoong magkaibigan kayo, at hindi superficial yung pinagsamahan ninyo, hindi mawawala yun."


Kabilang ang Superstar na si Nora Aunor sa mga celebrity na na-invite na maging judge sa grand finals ng TV5 talent-reality show Talentadong Pinoy na hinu-host ni Ryan Agoncillo.

Dalawang magkasunod na gabi—Sabado, May 5, at Linggo, May 6—special guest sa live telecast ng show si Ate Guy na ginanap sa Quezon Memorial Circle.

Noong Sabado lang nag-judge si Nora, pero the following day, Sunday, sa finale lumabas ang Superstar na katuwang ni Ryan sa pag-announce ng Talentadong Pinoy grand winner na si Astroboy.

Naging masaya si Nora in the company of old-time friends, ’tulad ng dati niyang talent manager na si Vivian Recio at ang dating konsehal ng San Juan na si Grace Ibuna.

Si Grace ang ina ng ngayo’y bini-build up na young singer-recording artist na si Garrie Concepcion. Si Garie ay anak naman ni Gabby Concepcion kay Grace.

Si Vivian ang tumatayong manager ngayon ng mag-inang Grace at Garrie.

OLD TIMES. Off-camera, naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkukuwentuhan sa loob ng Extreme Makeover van ng TV5 sina Ate Guy at Grace na bihirang makitang magkasama in public.


Marami ang nasorpresa at nagtanong kung gaano nga ba sila ka-close at paano sila naging malapit na magkaibigan.

"Love ko ’yan," sabi ni Ate Guy tungkol kay Grace.

"Since way, way back pa," sabi naman ni Grace.

After a very long time, ngayon lang daw uli sila nagkita at nagkasama ni Ate Guy.

Kuwento ni Grace, "Kasi, di ba, kababalik ko lang din [from London]?

"Siya [Nora] naman, nag-Amerika siya.

"When she was in the States, nagtatawagan kami, but our schedules never met.

“Yung time na aalis siya, puwede kaming magkita, ’tapos no’ng dumating siya from the States, nasa London naman ako.

"Until tonight... paano nga ba niya ako inimbitahan?" tanong din ng dating konsehala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging kontrobersiyal si Grace dahil sa naging involvement nito sa buhay ng yumaong dating Congressman Iggy Arroyo.

Si Nora ang sumagot sa tanong ng kaibigan.

"Sabi ko, ‘pag di siya pumunta ngayon, hindi na rin ako pupunta," panakot daw ni Ate Guy kay Grace.

"Matagal na. Nababalitaan ko nandito siya,” bawi ni Ate Guy.

Dagdag pa ni Grace, “Pero hindi magkatugma ang schedules namin.

"The last time we spoke, siguro mga two years ago, sa L.A. [Los Angeles]."

Nagbalik-tanaw ang dalawa ng masaya nilang pagsasama noon sa New York City, partikular noong early ’90s.

Nag-marathon viewing daw sila ng mga plays at musicals sa Broadway, kabilang ang Les Miserables at Miss Saigon, na tinampukan noon ni Lea Salonga.

Kuwento ni Grace, "Hinabol kasi namin yung Miss Saigon bago umalis sina Lea at Jonathan Pryce [The Engineer].

"Kasama namin sina Kuya Ricky [Lee] at Kuya Ross [Celino]."

HAPPY FRIENDS. Sa backstage, bago i-announce ang winners, muling na-interview ng PEP at ilang media ang magkaibigang Nora at Grace na magkatabi sa upuan.

Sabi ni Ate Guy kay Grace, “Masaya ako… siyempre masayang-masaya ako dahil hindi mo ako hinindian. Pumunta ka rito para makasama ako."

Sa sobrang pagka-busy, ibinibilang ni Ate Guy na leisure time ang ginagawang pagtatrabaho kasama ang mga piling kaibigan na totoong close sa kanya.

Wika ng Superstar, "Oo naman, siyempre naman po.

"Pinuntahan ko nga nung isang gabi ’yan, e. Anong oras na nga ba yun?"

Natatawang pag-alala naman ni Grace, "Nalimutan niya, alas-kuwatro na ng madaling-araw nang pumunta siya sa bahay ko!"

Nakangiting sabi naman ni Nora, "Sa kagustuhan [ko] lang na makita siya."

Ganun na raw talaga sila ka-close na sa puntong ito, ayon kay Ate Guy, "Hindi n’yo na kami mapaghihiwalay."


NORA’S BIRTHDAY. Sa May 21 ang birthday ni Nora Aunor. Pero tulad din ng nabanggit ng Superstar sa isang naunang panayam ng PEP, wala siya sa bansa sa mismong araw na ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Naka-schedule na ako papuntang States.

"May operation, may therapy din [para sa kanyang throat at vocal chords]."

Ano naman ang mensahe o birthday message/wish ni Grace para sa kaibigan?

Si Nora din ang unang sumagot sa naitanong kay Grace.

"Pagmamahal... alam ko yun," masayang banggit ni Nora.

"Alam niya," pagkumpirma ni Grace.

Si Nora uli ang nagsalita, patungkol sa maganda nilang samahan ni Grace: "Alam ko yun. Walang materyal na bagay sa amin.

"Ang sa amin, yung puso namin sa isa’t isa, yung respetohan naming…

“Yung pagka-loyal namin sa isa’t isa. Na ang problema ko, sinasabi ko lahat sa kanya...

"Yun lang ang puwede naming tanggapin."

Tugon naman ni Grace, "Yung material [things], it’s fleeting—nawawala.

"Ang pera, kinikita mo rin lang ulit. Pero ang totoong kaibigan, mahirap…

"At ‘pag totoong magkaibigan kayo, at hindi superficial yung pinagsamahan ninyo, hindi mawawala yun."

Sang-ayon naman ni Nora, "Kahit nasaan ka, hanggang sa kabila ng daigdig, nariyan ang tunay na kaibigan."

TAWI TAWI "NON-EXPERIENCE." Natatawang nai-segue naman nina Grace at Vivian Recio ang usapan tungkol sa bagong indie film na pinagbibidahan ni Nora, ang Thy Womb.

Ani Grace, "Ang hindi lang namin kinaya ni Vivian ay ang pumunta ng Tawi-Tawi...”

"Pero nag-isip tayo, ano?" sabi niya kay Vivian. "Nag-isip kaming sumunod sa Tawi-Tawi..."

‘Tapos, nagpahayag ng saloobin si Nora.

Sabi ng Superstar, "Kasi naman, kung dumating sila doon, hindi ko rin sila maaasikaso.

"Kasi araw-araw, nagsu-shooting kami.

“Ayoko namang iiwanan sila doon kung saan kami nakatira. Dahil pumupunta kami sa gitna ng dagat, e.

"Nasa isla kami ng Sitangkai. Ayoko naman silang dalhin doon.”

MUCH-AWAITED. Otherwise, nagpahayag ng excitement sina Grace at Vivian over Thy Womb, matapos nilang mapanood sa iPad ni Vivian ang teaser ng obrang idinirek ng Cannes Filmfest award-winning director na si Brillante Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Grace, "Excited ako na mapanood, couldn’t wait to see it—Direk Brillante na, Nora Aunor pa?!

"I mean, i-set aside na natin yung mga super-superstar... but she is, for me, ha?

“Kahit hindi ko siya kaibigan... for me, si Nora ang Meryl Streep ng Pilipinas!

"Siya lang yung may kaya talaga ng under-acting, which is Hollywood acting… the real acting!"

Pakumbabang sabi naman ni Ate Guy, "Kaibigan mo lang ako..."

Meron bang balak si Ate Guy na makasama sa alinmang susunod niyang proyekto si Grace upang gumanap?

"Ay, ngayon, niyayaya ko siya," sabi ni Nora.

"Sabi ko, ‘Sa susunod na gagawin ko, kailangan, sumama ka na...’"

Balak naman yayain ni Grace si Ate Guy sa ginagawang charity works sa kanyang lalawigan.

Birong tugon ni Grace, "It’s crossing the bridge at the right time... hindi na nga kami maghihiwalay.

"Marami kaming dapat ayusin, marami kaming dapat tulungan.

"You know naman si Guy, di ba? Matulungin siya ever since."

MOTHER’S DAY. This coming Mother’s Day, paano ise-celebrate ng magkaibigan ang okasyon?

"Tayu-tayo pa rin?" nakangiting tanong ni Ate Guy kay Grace.

"Tayong mga ina... at mga anak [magkasama], surely," pagsang-ayon ni Grace.

Ano naman ang mensahe nila sa mga "karibal" nila, sa personal man o professional na buhay?

"Basta, ipinagdarasal ko na lang… For my friends, I wish them real happiness," ang kay Grace.

For Ate Guy, she didn’t say anything.

Nakinig lang siya, na nakangiti sa sinabi ni Grace.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN