Jewel Mische on rumored breakup with Jason Abalos: “What I could tell you is that I’m not in a relationship with anybody.”

Jewel Mische has almost no reaction when asked about rumored breakup with Jason Abalos. Jewel suggests that Jason be asked about the issue as he was the one interviewed about it. She says: “Out of respect for Jason, ayokong pag-usapan kung ano ang nangyari."


Maliban sa showbiz couples na sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, bali-balita ring nag-break na raw sina Jewel Mische at Jason Abalos.

Matatandaang inamin ni Jason ang relasyon nila ni Jewel sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Bandila noong Enero 2012.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa recent interviews din ni Jason, consistent siya sa pagsasabing si Jewel ang nagturo sa kanya na magkaroon ng higit na malalim na relasyon sa Diyos at higit na maging positibo sa buhay.

Pero wala pa mang tunay na pag-amin na nanggagaling mula kina Jason at Jewel, pumutok na ang balitang nauwi na raw sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito si Jewel, iwas itong magbigay ng anumang pahayag.

Aniya, “Out of respect for Jason, ayokong pag-usapan kung ano ang nangyari.

“What I could tell you is that I’m not in a relationship with anybody.”

NO COMMENT. Tinanong ng PEP ang Kapamilya talent kung paanong wala silang relasyon gayong sinabi ni Jason noon na may espesyal na namamagitan sa kanila?

“You should ask him. Siya na lang ang tanungin niya," matipid na sagot ni Jewel.

Paano niya hina-handle ang lahat at kung masasabi ba niyang she’s moving on.

“I’m very happy and I’m okay.

“I’m great, very focused on my work, busy ako sa mga trabahong ibinibigay sa akin ng ABS CBN and other things," sagot niya.

NEW PROJECT. Isa sa trabahong tinututukan ngayon ni Jewel ay ang pagsasama nila nila Matteo Guidicelli at Jessy Mendiola na mala-Blue Lagoon daw ang magiging tema.

“Hope they gonna watch it and support the show," sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN