Carla Abellana on her new soap with Richard Gutierrez: “First taping day namin, first eksena namin, kissing kaagad!”

“Nakakatawa nga dahil frist time ko makatrabaho si Chard, ’tapos first scene sa first taping day namin, kissing scene kaagad. Pero okay naman. Hindi naman kami nailang. Nakailang take kami, pero just to make it beautiful siyempre," says Carla Abellana when asked how her kissing scene with Richard Gutierrez went.


Nakapagsimula nang mag-taping si Carla Abellana para sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Makapiling Kang Muli.

Kasama rin sa cast nito sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, at Jennylyn Mercado.

“Okay katrabaho si Richard,” bungad ni Carla nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas kahapon, May 6.

“Okay naman ang taping namin. Hindi siya mahirap katrabaho. Mabilis kaming naging at ease sa isa’t isa.

“Masarap naman kasama at katrabaho si Chard [palayaw ni Richard]. ‘Tapos… basta masaya.

“Kasi ang ganda ng place ng taping namin. Although mabibigat ‘yong mga eksena, nakakagaan ng loob ‘yong lugar,” paglalarawan niya sa lokasyon nila na isang rancho.

“Ang daming mga kabayo. ‘Tapos makikita mo, ‘yong mga baka nando’n.

“It’s a beautiful place. It helps relax us artists.

“So okay naman.

"Si Chard is very professional. Mabait at gentleman talaga.”

KISSING SCENE? Ano ‘yong pinakamahirap na eksena niyang nakunan na?

“’Yong mga away-away. May away na kami ni Richard do’n.

"‘Tapos sa family ng character ko, medyo mabigat.

“Kasi may mga mangyayari sa family ko na hindi ko naman gusto.

“So, umpisa pa lang ng soap ay mabigat na. Super-bigat talaga na nakakalungkot na.”

May kissing scene sila ni Richard?

“Mero’n!

“First taping day namin, first eksena namin, kissing kaagad!” sabay tawa ng aktres.

Kuwento pa ni Carla, “Nakakatawa nga dahil frist time ko makatrabaho si Chard, ’tapos first scene sa first taping day namin, kissing scene kaagad.

“Pero okay naman. Hindi naman kami nailang.

"Nakailang take kami, pero just to make it beautiful siyempre.

“So, ‘yon! Okay naman.”

GEOFF EIGENMANN. Hindi ipinagselos ng boyfriend niyang si Geoff Eigenman ang kissing scene nilang iyon ni Richard?

Ayon kay Carla, “Hindi naman. Nakita naman niya ‘yon. At hindi naman siya nagselos.

“Gano’n din naman ako kapag may kissing scene siya sa nakakapareha niya. Parang wala na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi hindi naman siya iyon, e, kundi ‘yong character na ginagampanan niya at pinapanood mo.”

ANDI EIGENMANN. Si Geoff ay pinsan ni Andi Eigenman. Hindi maiwasang matanong si Carla kung ano ang naging reaksiyon niya sa balitang pagsasaboy ng alak at pananampal ni Andi kay Albie Casiño na humantong pa sa pambubugbog sa huli.

(CLICK HERE to read related story.)

“Actually, may nag-text lang sa akin kagabi [Sabado]. Nasa bahay na ako.

“Malapit na akong matulog, may nag-text lang sa akin na may gano’ng nangyari daw.

“Hindi ko alam ang detalye ng pangyayari. Basta ang tinanong ko lang, ‘Is Andi okay?’

“Okay naman daw si Andi.

"Sabi ko, ‘O, sige, basta okay si Andi at walang nangyaring masama sa kanya.’

“I really don’t know the details. I don’t know what happened. Siyempre out na ako diyan, di ba?

“Pero ang concern ko is… kay Andi," saad ni Carla.

Close ba silang dalawa ng pinsan ni Geoff?

“Hindi naman. Pero we’ve worked together before.

"‘Tapos kapag may chance, nagkikita naman kami kapag may family gathering.”

TIME FOR EACH OTHER. Pareho silang busy ngayon ni Geoff.

“Yes, mag-uumpisa na siya ng kanyang bagong soap," banggit ni Carla tungkol sa drama series na sisimulan ng kasintahan sa GMA-7.

Paano sila nagkakaroon ng panahon para sa isa’t isa kung pareho silang abala?

“Kapag ano… kasi madalas nagte-taping naman sila, [dito sa] Manila lang.

“So if he’s near the area, he comes to my house kapag may free time siya at wala siyang eksena.”

KAPUSO FOREVER? Kahit nagkaroon daw si Carla ng offer mula sa ABS-CBN, pinili niyang mag-stay pa rin sa bakuran ng GMA-7.

Bakit nga ba?

“’Yong puso ko talaga, nasa GMA. Sinabi ko na ‘yan… it’s really hard.

“Kung pera lang, kung mukha akong pera, lilipat tayo sa ibang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi, e. Dito ako nakilala. Ito ang nagbigay sa akin ng opportunity. Nabuo ang pangalan ko dito.

“So, sabi ko, hindi ko yata kaya. Parang magi-guilty ako eventually.

“Kasi hindi ko kayang iwan ang GMA, kasi nandito lahat ng taong mahal ko.

“Dito na ako nakilala. So, sabi ko, my heart is really here," saad niya.

At saka siguro, ayaw niyang maiwan si Geoff?

“Okay lang naman!” sabay tawa niya.

“Although iisang industriya lang naman ‘yan, siyempre factor ‘yon. But okay naman.

“Kumbaga, Geoff would not stop me from deciding, e.

“Siyempre kinunsider ko rin ‘yon," na maiiwan niya si Geoff kung lilipat siya sa ibang network ang ibig niyang sabihin.

Dagdag pa ni Carla, “Pero dumating din naman sa point na kailangan kong i-accept if ever na lilipat nga ako na… okey lang ‘yan kung magkahiwalay kayo ng network.”

Pinayuhan ba siya ni Geoff na manatili na lang sa GMA-7?

“Hindi. Hindi siya nagpayo. Hindi siya nag-push or anything.

“Sabi lang niya, ‘Pag-isipan mong mabuti. Kung sa’n mo talaga gusto, do’n ka. Hindi kita pipigilan or anything.’”

YOGA AND DIET. Nangiti naman si Carla nang punahin na parang medyo pumayat siya.

“Hindi. Sa damit lang ‘yan. Hindi ako pumapayat.

"Tumataba nga ako, e. Nagpapapayat pa lang.

“Oo, nagda-diet ako. Hangga’t kayang mag-diet, mag-diet.

“So, ano lang… in moderation lang ‘yong pagkain.

"Before kami nakapag-start mag-taping, nakapag-yoga rin ako nang konti.

“Konti lang. Para lang I get back in shape.

“Getting there pa lang. Trying pa lang to lose weight," sabi ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN