Lovi Poe transforms into a Nora Aunor fan during Thy Womb filming

Lovi Poe admits to being intimidated in her first movie with Superstar Nora Aunor in the indie film Thy Womb. Lovi reveals that there was no script to work on during her first shooting day with Nora, she says: “You know, the thing is… it’s very spontaneous... wala kaming script.”


Katatapos lang ng shooting ng indie film na Thy Womb na pinagbibidahan ni Nora Aunor.

Kasama rin sa pelikulang ito si Lovi Poe na very proud na nakatrabaho ang Superstar.

“Masaya ang pakiramdam na makasama ko siya sa pelikula,” ani Lovi nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) a Party Pilipinas kahapon, May 6.

“Of course, dream come true naman iyon ng kahit sino sa industriya.

“Tapos no’ng nagawa ko yun, parang, wow!

“No’ng kaeksena ko siya, sobrang natural lang niya.

“As in, hindi mo mararamdaman na umaarte siya. Parang gano’n ang mapi-feel mo.

“And hindi niya ipinaramdam sa akin na siya ang kaisa-isang Superstar.

“Super-humble siya and super-mabait.

“Ano… uhm, love na love din siya si Papa,"the late Fernando Poe, Jr].”

COMFORTABLE. Since first time pa lang niya makatrabaho si Nora, hindi ba siya na-intimidate sa aktres?

“Na-intimidate!” nangiting pag-amin ni Lovi.

“Medyo nag-ano pa nga ako, sabi ko, ’Pa-picture naman!’” sabay tawa niya.

“And then no’ng nakapagpa-picture ako… masaya!”

PREPARATIONS. Pinaghandaan ba niya yung pagsasama nila ni Nora sa pelikula?

“You know, the thing is, it’s very spontaneous—wala kaming script.”

Sa Tawi-Tawi pa ang location nila, hindi ba siya natakot dahil sinasabing maraming rebelde o Abu Sayyaf doon?

Mariin naman itong itinanggi ni Lovi.

Dagdag pa niya, “Lahat ng tao sa Tawi-Tawi, sobrang bait nila sa akin, sa aming lahat.

"Actually, alagang-alaga nga kami doon.

“And then, mahal na mahal nila si Papa [FPJ] doon.

"So, do’n pa lang, naramdaman ko nang parang… nakakataba ng puso. Mas nakaka-inspire.

"Talagang sobrang bait ng lahat ng tao doon. Bawat daanan mong mga tao, very respectful.

“Actually, malambing nga sila, e. Very sweet. Oo.”

MOVIE ROLE. Ano ba ang role niya sa Thy Womb?

“Hindi ko kasi siya puwedeng i-reveal, e.

“To the point na doon ko rin lang nalaman pagdating ko doon kung ano talaga yung role na gagawin ko," sabi ng award-winning actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tiyak, hindi lang ang acting ni Nora ang aabangan ng mga manonood sa Thy Womb kundi maging ang performance ni Lovi.

Pero ayon sa Kapuso actress, “Ako, I’m just happy to be part of this film.

"Whether it’s a big or small role, whatever it is, basta nakaeksena ko siya [Nora].

“And I really got good advices and sweet words from her. Sobrang happy na ako do’n.”

WEIGHT LESS. Sunod na naging paksa ay ang nahihilig niyang kumain nang kumain kapag nakakaramdam ng lungkot o stress.

Pero bakit hindi siya tumataba?

“Hindi ko alam, e!” tawa ni Lovi.

“Minsan, tina-try kong tumakbo.

“Siguro maraming beses na kain, pero small portions.”

Nangiti ulit siya nang punahin kung bakit mas paganda pa siya nang paganda ngayon.

“Naks! Parang hindi naman!" tawa niya.

“Hindi... sobrang happy lang ako, especially sa Legacy.

“I’m so happy that I’m working with really good friends—really good people. So, parang nagri-reflect naman yun, e.

"And ang ganda-ganda ng Legacy. It’s doing well.

"Dun pa lang, nai-inspire na ako.”

REAL-LIFE CHARACTER. Madaling maapektuhan at lumilitaw ang kahinaan kapag lovelife ang at stake ang character niya bilang si Natasha sa primetime series ng GMA-7.

Gano’n din kaya siya sa totoong buhay?

“A… hindi. Hindi ako masayadong gano’n… anymore!” sabay tawa na naman niya.

Saang aspeto sila nagkakatulad ng character niya sa Legacy?

“Uhm, siguro yung pagiging palaban, pero nasa posisyon—yung totoong tao lang.

“Hindi sobrang mabait, hindi rin naman masama.”

NO FAKES. Kapag umaarte ba siya lalo sa mga dramatic scenes o highlights niya, may pinaghuhugutan siya?

“Oo, I always make sure.

“Ako, one of the things I make sure when I act is, I never fake it.

“I don’t want to fake it ’coz obvious kasi.

“Ako, kunyari wala akong maibigay, I’d rather stop than pretend that I’m crying.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan talaga, totoo. I never fake it talaga.

“I think a lot of actors do the same thing. They want to give the real thing naman.

“It doesn’t look nice kasi once it’s fake.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN