Oyo Sotto all praises for wife Kristine Hermosa as hands-on mom

Oyo Sotto on his wife Kristine Hermosa and how she takes care of their four-month-old baby girl: “I give all credits talaga to Tin pagdating sa motherhood. For some reason, hindi ko alam kung bakit hindi ako nagigising sa iyak ni Ondrea kapag umiiyak siya. Palagi lang akong tulog talaga. So, magugulat na lang ako paggising ko ng umaga, fresh na fresh ako. Pagkita ko kay Tin, ang laki na ng eyebags."


Nakuhanan ng The Buzz ang ginawang pictorial ng ng mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa kasama ang dalawa nilang mga anak—ang adopted son nilang si Quiel at ang four-month-old baby girl nila na si Ondrea Bliss.

Ayon sa celebrity couple, nging mahirap ang adjustment nila nang dumating na at ipanganak na ni Kristine ang bunso nilang si Ondrea.

Ayon kay Kristine, “Yung first few months ko, yun kasi ang adjustment… ’tapos puyat.

“Believe it or not, I don’t get eight hours of sleep. Not anymore.”

Pinatotohanan naman ni Oyo ang sinabi ni Kristine.

“Simula nang manganak siya, wala pang diretsong eight hours. Siguro, pinakamahaba niya four.”

Sabi naman ni Kristine, “May gising-gising pa yun in between. Siyempre, kapag kailangan ng milk, kapag iiyak ng konti.”

AL PRAISES FOR HIS WIFE. Todo-papuri naman si Oyo sa kanyang maybahay.

“I give all credit talaga to Tin [palayaw ni Kristine] pagdating sa motherhood.

"For some reason, hindi ko alam kung bakit hindi ako nagigising sa iyak ni Ondrea kapag umiiyak siya. Palagi lang akong tulog talaga.

"So, magugulat na lang ako paggising ko ng umaga, fresh na fresh ako.

“Pagkita ko kay Tin, ang laki na ng eyebags. Noong nabuntis siya, talagang ayaw niyang magpaalaga sa akin.”

Kuwento naman ni Kristine, “Kapag nakikita niya akong hindi pa ako kumakain, kasi ako yung na kay Ondrea, sasabihin niya sa akin, ‘Sige Hon, tapos na ’ko. Patapos na ’ko. Ikaw naman.’

“Magpapalitan kami. Talagang teamwork.

"Tina-try naman niya yung best niya na kapag, ‘O, how can I help you ba?’

“Kapag kunwari… ‘Para makatulog ka.’”

COUPLE TIME. Kahit busy na bilang mga magulang sa dalawang anak, hindi pa rin naman daw nila kinakalimutan ang quality time para sa isa’t isa.

Ayon kay Oyo, “Talagang hindi pa rin namin kinakalimutan ang isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan nga, nalulungkot kami ni Tin, parang, ‘Hindi na tayo nakakapanood ng movie. Hindi na tayo nakakalabas nang walang bata.’

"So, kapag may mga time na maiiwan namin ang mga bata sa bahay, talagang ang saya namin.

“Sinusulit talaga namin ang araw na yun.”

Sinabi naman ni Kristine ang ilang nakakapagpasaya sa kanya ngayon bilang isang hands-on mom.

“Kapag pinapaliguan ko siya [Ondrea], kapag binibihisan ko, ahit naman si Quiel, iba yung feeling na kunwari iiyak siya, ‘tapos.... ang sama ko ‘no—gusto ko yung feeling na hindi siya napapatahan ng iba, ako lang.

“Kasi, di ba, ang sarap ng feeling kapag needed ka? Yung ikaw ang gusto?

"‘Tapos, biglang tatawa siya, mag-i-smile kapag nasa ‘yo na siya.”

NO TO SHOWBIZ YET. Open naman daw silang mag-asawa kung kukuhaning endorsers ang mga anak.

Ayon kay Kristine, “Endorsement siguro, puwede pa. Pero artista, huwag muna. Aral muna.

"Depende rin naman sa interes nila, di ba? Kung hindi rin naman nila gusto yun, bakit mo pipilitin?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN