Erwin Tulfo apologizes for threatening remarks on Raymart Santiago; Mon Tulfo says his brothers are at fault

Erwin Tulfo (right) issued a public apology in behalf of his brothers Ben and Raffy for the statements they made against actor Raymart Santiago on their TV program yesterday, May 7. Mon Tulfo (left), on the other hand, admitted that his brothers were at fault and he castigated them for it.


Humingi ng paumanhin si Erwin Tulfo sa mga manonood at radio listeners ng T3 Kapatid, Sagot Kita! dahil sa mga salita na binitiwan nila kahapon, May 7, ng kanyang mga kapatid na sina Ben at Raffy sa programa nila sa TV5.

(CLICK HERE to read related story.)

Ito ay kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng kuya nilang si Mon Tulfo at ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, noong Linggo, May 6.

(CLICK HERE to read related story.)

Nag-apologize si Erwin ngayong umaga, May 8, sa Punto Asintado—ang radio program nila ni Martin Andanar na napapanood sa AksyonTV at napapakinggan sa Radyo Singko 92.3.

Pahayag ni Erwin, “Kung kayo ho ay... kung hindi ninyo nagustuhan, kahit hindi kayo kasama sa problemang ito, ang amin pong paumanhin.

“Maging ang aming ina ay hindi nagustuhan dahil ito raw ay pagbabanta.

“Ang sagot ho namin sa aming ina, ito ay bugso ng damdamin. Inilabas lamang ho namin yung aming sama ng loob.

“Nevertheless, hindi pa rin karapat-dapat bilang isang broadcaster.

“Kami ho ay humihingi ng paumanhin sa aming mga tagapakinig, sa mga nasaktan po, sa mga natakot.

“Kami ho ay humihingi ng paumanhin—lalo na po yung mga nanood kahapon.

“Anyway, ‘ika nga, e, nasa korte na ang problema na ’yan at isa pa, e, naiparating na namin ang mensahe kaya...

“Ang inyo pong pang-unawa at paumanhin sa mga salitang binitiwan namin kahapon dahil hindi naman po ito tinatangkilik ng aming istasyon, ng TV5 Network, sampu ng management.

“Mula po sa may-ari, sa pangulo, lahat ng mga opisyales ng TV5 ay hindi po sinasang-ayunan ang mga ganoong klase ng matatalas na pananalita kaya po kayo na ang umintindi.

“Kami po ay humihingi ng kapatawaran, sampu ng aking mga kapatid.

“At yun nga, yung sinasabi ng management na nasa korte na ’yan kaya hayaan n’yo nang gumulong ang hustisya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BROTHERS WERE AT FAULT. Pinagsabihan din ni Mon ang kanyang mga kapatid tungkol sa kanilang mga banta na pinakawalan sa T3.

Sa panayam sa kanya nina Alex Santos at Bernadette Sembrano sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN ngayong umaga, ikinuwento ni Mon ang pagkastigo sa mga nakababatang kapatid.

“Maling-mali sila roon. Pinagalitan ko sila kahapon.

“Sabi ko, bakit naman sila ganoon…

“Alam mo, hindi mo sila masisisi, yung bugso ng damdamin.

“They realized their mistakes.

“Sinabi ko nga, ‘Maling-mali ang ginawa ninyo. Hindi ninyo dapat sinabi ’yan.

“’Unang-una, yung public opinion, nasa atin na. Saka yung revenge, e, is the lowest form of retaliation,’ ’yon ang sabi ko..

“Alam nila na nagkamali sila. Nagsisisi sila.

“Ako ang pinakamatanda sa magkakapatid. Nagsilbi nga ako na magulang sa kanila noong sila’y nag-aaral pa.

“Sabi nila, ‘Oo nga, Kuya, talagang nadala lang kami nang makita ka namin na aping-api.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN