Angelica Panganiban teams up anew with Dingdong Dantes; says she’s "okay"

After starring in the horror-suspense movie Segunda Mano with Kris Aquino, Angelica Panganiban (in photo) will star again opppsite Dingdong Dantes in the upcoming Star Cinema movie, One More Try.


Pagkatapos ng Segunda Mano noong Metro Manila Film Festival 2011, muling magsasama sa isang pelikula ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban at ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Ito ay sa upcoming movie ng Star Cinema na One More Try.

Makakasama ng dalawa rito sina Angel Locsin at Zanjoe Marudo. Ang pelikula ay ididirek ni Ruel Bayani, na siya ring direktor ng blockbuster movie noong isang taon na No Other Woman.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Angelica sa story conference ng One More Try kagabi, May 8, sa opisina ng Star Records sa ABS-CBN compound.

ADULT DRAMA. “Adult drama” ang pangkalahatang deskripsiyon ng Star Cinema sa One More Try. “Mas sexy” rin daw ito sa No Other Woman.

Ayon kay Angelica, “Well, yun ang sabi. Yun din naman ang gusto naming ma-achieve para mas maganda ang kalabasan.”

Wala naman daw problema kay Angelica kung mas sexy man ang tema ng pelikula kumpara sa mga nauna niyang nagawa.

“Wala naman… Kasi, kung yun ang gusto, e, di yun ang ibibigay.

“Trabaho naman kasi talaga yun,” sabi niya.

SECOND TIME WITH DINGDONG. Mag-asawa ang role nina Angelica at Dingdong sa One More Try.

Sabi ng aktres, sa muling pakikipagtrabaho sa Kapuso actor, “Mas nakaka-excite kasi alam mo na mas nakikilala mo siya. Mas marami kang natututunan.

“Ayun... enjoy lang sa work.”

Dagdag ni Angelica, kung may mga sexy scenes man daw sila ni Dingdong ay mas kumportable na siya ngayon dito.

“Nakatrabaho ko na siya, so sa ganoong aspeto, sa pagiging kumportable, konti na lang siguro ang adjustment na mangyayari.”

May magtanong kung gaano ka-daring ang gagawin sila sa pelikula at kung may maghuhubad daw ba kanila rito.

Natatawang biro naman ni Angelica, “Hubad lang kami dito all the way. Hindi kami naka-damit!”

Pero bawi niya, “Hindi...siyempre yung mga eksena naman na mangyayari, hindi pa naman namin yun puwedeng ilatag dahil wala pa naman kami do’n—marami pang changes na puwedeng mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya siya tinawag na sexy kasi napaka-mature ng story at nadadamay na lang din yung sexiness doon sa plot.”

Hindi pa raw nila puwedeng sabihin kung ano talaga ang magiging takbo ng kuwento ng One More Try. Pero ang sigurado, hindi raw ordinaryo ang kuwentong tatalakayin nila sa pelikula.

ONE MORE TRY. Ano ang dating sa kanya ng title ng movie nila na One More Try nang una niya itong marinig?

“Okay naman… tunog One More Chance. Pinalitan lang ang dulo.

“So, yun ang naramdaman ko!” natawang sabi ni Angelica.

Yung mga karakter ba na ginagampanan nila sa pelikula o telebisyon ay nadadala rin nila kung ano ang meron sila sa kani-kanilang personal na buhay?

“Ako, wala kasi akong iniisip,” nakangiting sagot ni Angelica.

“At saka kapag nasa trabaho ka kasi, hindi mo yun dapat gawin. Hindi tama yun.

“Kasi, ibang tao ang pinu-portray mo. Hindi naman ikaw si Angelica kapag narinig mo na ang ‘action,’ e.

“So, kapag narinig mo yun, iba na ang mahal mo... I mean, iba ang ka-love scene mo.

“Hindi mo puwedeng ipasok ang sarili mo.”

May pagkakataon ba na yung nangyayari sa kanila sa totoong buhay ay nagagamit nila sa mga eksena nila sa pelikula?

“Well, kasi… ano ba ‘to, workshop ba ‘to?” ang natatawang sagot niya.

Pero dugtong ni Angelica, “Siyempre yung experiences mo, nandiyan lang ‘yan. Weapon mo yun.

“Kapag may pangangailangan, may emosyon.

“Siyempre, hahanapin mo yun kung anong choice ang gagamitin mo sa hinihingi ng eksena.”

Nang may magtanong kay Angelica kung kumusta siya ngayon, isang staff ng Star Cinema ang nagsabing “okay na” bilang hudyat na pagtatapos ng interbyu.

Halatang iniiwas muna nila si Angelica na matalakay pa ang isyu ng diumano’y breakup sa pagitan ng aktres at ni Derek Ramsay.

Pero panghuling sabi ni Angelica, habang tumatawa, “Okay naman ako!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN