PEP EXCLUSIVE: Amalia Fuentes says she tried to settle issues with Annabelle Rama privately

Amalia Fuentes decided to take legal action to “protect myself from more attacks, because I did not deserve it.”


Hindi ginusto ni Amalia Fuentes na kasuhan si Ruffa Gutierrez.

Matatandaan na noong Lunes, Mayo 7, nagsampa ng reklamong libelo si Amalia laban kay Ruffa sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Nakapanayam sa telepono ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kahapon, Mayo 8, si Amalia at sinabi nitong hindi niya inasahan na “papasok” si Ruffa sa awayan nila ni Annabelle.

“Hindi ko naman kagustuhan ito, hindi ko naman akalain na papasok sa eksena si Ruffa.

“Kasi ito ang very, very important sa akin na malaman ng lahat, five years or more ko nang hindi nakakausap si Ruffa Gutierrez, five years.

“Siguro, hindi ko masasabi na I have not seen her because do’n nga sa birthday ni Joseph [Estrada] dumating sila, na kasama si Eddie Gutierrez.

“But si Ruffa, five years ko nang hindi nakakausap.”

SELF-PROTECTION. Sinabi ng former movie queen na ang pagsampa niya ng reklamo kay Ruffa ay proteksyon niya para sa kanyang sarili.

Aniya, “I really need the protection from our courts, the judicial system.

“This is something… my action was just like my ano, reaction ko na lang for self-protection.

“I just want to protect myself from more attacks, because I did not deserve it.”

Ang pagsampa ng reklamo laban kay Ruffa ay nagmula sa mga kontrobersyal na post sa kanyang Twitter account.

Gayundin sa mga naging pahayag nito sa panayam sa kanya, tungkol sa pangdadamay umano ni Amalia sa kanyang mga anak na sina Lorin at Venice, pati na rin sa ama niyang si Eddie Gutierrez, sa away nila ng kanyang ina.

(CLICK HERE for related article)

Kaugnay nito, nilinaw ni Amalia na wala siyang kinalaman sa anumang isyu na lumalabas tungkol sa mga anak ni Ruffa, at hindi rin niya sinisiraan si Eddie Gutierrez.

“Sinasabi ni Ruffa na ‘wag naman ninyong siraan ang tatay ko. Wala namang kasalanan ’yan, mabait ’yan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman akong ginagawang paninira sa tatay niya.

“Kung mayro’n sumisira sa ama niya, silang dalawa ’yon ni Annabelle.

“Kung mahal nila ang tatay nila, iisipin muna nila kung tama ang mga sinasabi nila. Dahil kung mabait nga si Eddie, disenteng tao at lahat, it will reflect on him.”

Kanya rin dinepensahan ang sarili mula sa mga umano’y ginagawang panlalait sa kanya.

“Ako, mataba man ako, hindi ko pinipilit ang sarili ko sa showbiz because nga mataba ako,” pahayag ng ‘50s actress.

“Ayoko nang nakakarinig ng mga gano’ng ano sa akin.

“Bakit pa ba nila ako pinapahiya? Ano pa ba ang gusto nila?

“Nananahimik na ako at 71 years old, magka-edad kami ni Eddie, o, bakit? Siya nga nasasaktan, ako ba hindi masasaktan?

“Hinihiling ni Ruffa ‘wag saktan ang tatay niya, e, bakit ako? Wala ba akong karapatan [masaktan]?”

Sinagot niya rin ang naging reaksyon ni Ruffa matapos niya itong sampahan ng reklamo.

Sinabi kasi ng beauty queen turned actress, “I have nothing to say. She’s the least of my concerns. I’m so busy, halos wala na akong tulog.

“Manood na lang s’ya kamo ng The Mommy Returns. Buti pa.”

(CLICK HERE for related article)

Sagot naman ni Amalia, “Sabi ni Ruffa, ’I’m too busy.’ She’ll be more busy attending to this case because if she does not attend to this case, she can get a warrant of arrest and I’ll make sure that warrant of arrest is served to her.

“You don’t make a mockery of our justice system.”

ANNABELLE RAMA. Gayundin, nabanggit ni Amalia na magsasampa rin siya ng reklamo laban kay Annabelle Rama.

Hindi niya ito isinabay sa pagsasampa niya ng reklamo laban kay Ruffa.

Paliwanag niya, “Ruffa Gutierrez is an adult and should be made to answer for the consequence of her words and actions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Annabelle Rama is separate.

“Although they are mother and daughter, that’s why precisely I did not file my cases together, because I want the court to treat Ruffa as a separate entity from her mother.”

Libel at grave threats ang dalawa sa mga kasong isasampa ng former movie queen laban sa talent manager sa susunod na linggo.

Kasalukuyan pa raw kasing tinitingnan ng kanyang mga abugado ang iba pang reklamo na maaaring isampa laban kay Annabelle.

Ang pagdedemanda niya sa talent manager ay isang paraan daw niya ng pag-iwas sa “iskandalo” na maaaring gawin nito sa kanya.

“My lawyer is studying the options that are open to us,” wika ng dating aktres.

“’Yong dalawang gabi na nando’n ako sa burol ng asawa ko, doon ako binibira ni Annabelle Rama ng tweets na puro kabastusan.

“No’ong nga pina-email ko lahat sa lawyer ko lahat ng tweets niya, sabi niya, ’These are all voluminous. Hindi ito puwede sa isang kaso.’

“They are still studying the options open to me because hindi mo maaalis, at ayoko naman na ako ay matatakot na lumabas at um-attend ng mga showbiz affairs na maaaring siya rin ay isa sa mga imbitado.

“For example, ‘yong birthday ni Joseph Estrada, ‘yong mga gano’ng okasyon.

“I don’t want to have fear in my heart that there is somebody who might or who may be able to hurt me or to ano, ‘yong iskandaluhin ako.”

Dagdag pa niya, “Annabelle Rama is forcing me to go down, and kaya rin ako nagdemanda na kasi ayoko bumaba ng gano’n kababa, and in the end ako ang mapuputikan din.

“Kung si Annabelle, even Ruffa admitted na, ‘My mother knows how to fight. She has been here before,’ ako hindi ko kaya.

“Hindi ko na kaya, it has to stop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And that’s why I had to get protection from our justice system, from the justice system of this country because unstoppable na sila.

“Annabelle Rama attacked me right when I’m most vulnerable, right when I’m on my weakest point.

“I would call this the weak point, the worst point in my life.

“She attacked me without provocation from me.

“Hindi na ako nagsasalita, anong kasalanan ko?”

REACHING OUT. Hindi rin ginusto ni Amalia na umabot sila ni Annabelle sa ganitong sitwasyon.

Katunayan, nagkaroon pa raw ng pagkakataon na siya na mismo ang lumalapit sa mag-asawang Eddie at Annabelle upang makipag-ayos.

“After all these many years, walang-wala sa plano ko na awayin si Annabelle Rama,” wika ni Amalia.

“Wala sa plano ko ’yan. Eddie Gutierrez is ninong ng anak kong si Annaliza [Liezl]. Ganyan ko siya kamahal noon, kaibigan namin siya ni Bobby.”

Isinalaysay ni Amalia sa amin kung paano niya sinubukan na makausap ang mag-asawang Gutierrez.

Kuwento niya, “There was a time na humiling akong makipag-areglo.

“Pati si Pepe Rodrigo, ‘yong telephone number ko kay Eddie, lahat ng telephone numbers nila tina-try ko tawagan, ‘yon pala ayaw pala talaga nila akong kausapin.”

Sa pagkakataong ito, pumasok ang kuwento tungkol sa insidente sa restaurant, na naganap sa pagitan nina Gloria Diaz, at sa mag-asawang Eddie at Annabelle.

“Kaya no’ng mapunta kay Gloria Diaz ang kausap ko, ‘Ay, nandiyan ba si Eddie? Sige, kausapin ko.’

“At that point, gusto kong makipag-areglo, gusto kong ayusin ito dahil alam kong maaayos naman.

“Ang issue ko naman is very mild compared kina Nadia [Montenegro].

“Kaya nga ko tumawag kay Eddie at nakikipag-usap kay Eddie, para sana once and for all ayusin na natin ’yong gusot na ito between me and his wife.

“’Yon lang naman ang purpose ng pagtawag ko.

“Ang gusto ko nga ay matapos ang mga issues na ito nang hindi na maging public topic.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALLAN DIONES. Samantala, bukod kay Ruffa ay kinasuhan din ni Amalia ang entertainment writer na si Allan Diones at ilang staff ng tabloid na Abante, ang pahayagan kung saan siya nagsususlat.

Katulad kina Ruffa at Annabelle, hindi niya rin daw ginustong sampahan ng reklamo ang entertainment writer at ang nasabing tabloid.

“Kaya ako naaawa kay Allan Diones,” pagtukoy niya sa pagkakadawit nito sa isyu nila nina Annabelle.

“Personally, I don’t know him, I never met him, I don’t know kung na-meet ko siya. But as far as I can recollect, wala akong nakilalang Allan Diones.

“Biruin mo masasama siya sa demanda, including all these people who are in the staff.”

Sinabi ng former movie actress na kaya nakasama si Allan sa mga sinampahan ng reklamo ay dahil sa artikulong “Ruffa, nagpatutsada sa babaeng mataba” na isinulat nito.

“Hindi ko naman alam ‘yon, pero isipin mong ulit-ulitin niya ‘yong mga tweet ni Ruffa, ’tapos binigyan niya ng pangalan, ‘Amalia Fuentes, pinapasaringan’ ang title pa niya, ‘Patutsada sa isang matabang babae.’

“Bakit, masama bang maging mataba? Is it a crime? Is it something na dapat kong ikahiya? ‘Yan ang itatanong ko sa Allan Diones once I see him in court.

“Bakit ako papayag sa mag-ina na una nilang bibirahin ‘yong mataba, forgetting about the issues.”

Kaya mensahe niya kay Allan at sa staff ng pinagsusulatan nitong tabloid: “Ako humihingi ng ano sa kanila because [it’s] nothing personal, it’s just that this is a procedure of law.

“And sana naman itong mga columnist like you, like many others, dapat may nagse-seminar sa inyo na isang lawyer.

“Gawin ninyo ng Philippine Movie Press Club, na kumuha kayo ng isang lawyer who will gladly make a seminar.

“‘Yan ang inaano ko, e, so you guys can protect yourselves from unnecessary and painful lawsuits, like the ones na aabutin ng Abante.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PREVENTED FROM INTERVIEW? Kaugnay sa media, nabanggit sa amin ni Amalia ang ilang pagkakataon kung saan diumano’y pinigilan na maipalabas ang kanyang mga pahayag.

Partikular na pinangalanan ng former movie actress ang istasyong TV5, na umanoy “nagpe-preempt” (sic) ng mga panayam sa kanya.

Kuwento niya, “Whenever na, diyan lang sa Channel 5—and banggitin mo ito dahil binanggit ko ito sa interview ko—gusto ko na malaman ito ni Manny Pangilinan.

“I was contacted three times, kinukuha ako ni Luchi Cruz Valdes do’n sa Anggulo.

“Biglang-bigla nag-meeting, siguro nakarating dito kay Perci Intalan, na kaibigan nila [Ruffa and Annabelle].

“Kasama ako sa Dokumentado, may tumawag [din] sa akin do’n sa kina Janice de Belen, Joey Marquez, ‘yong [Showbiz] Inside Report.

“Alam mo ba na na-preempt (sic) ako na magsalita, mayro’n silang direct line doon kay Perci Intalan, na gusto ko malaman ito ni Manny Pangilinan.

“I’m trying to finding a way to get through Manny Pangilinan, without all these other people.

“Kasi alam ko si Albert Martinez puwede rin, pero ayaw ko nang ma-involve si Albert, ayaw ko nang mang-involve pa ng ibang tao because makukuha at makukuha ko din ‘yang si Manny Pangilinan.”

Si Albert ang asawa ng anak ni Amalia na si Liezl.

Mayroon din daw siyang kopya ng mga text message ng mga reporters na gusto siyang makapanayam, ngunit biglang hindi itinuloy.

“I have the text of their reporters who wanted to interview me but in the end, at the last minute, ha, sometime one hour before [nagka-cancel].

“‘Yong si Laila Chikadora, it was all thrown away, all the materials ng interview ko.

“Kaya, paano mo lalabanan ang isang tao na masyadong matayog, na hindi na abot ng ordinary people in showbiz?”

PLEA TO MEDIA. Kaya naman sa lahat ng isyung ito na pinagdadaanan ni Amalia, hinihiling niyang irespeto siya ng media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Amalia, “Bakit hindi naman nila isipin what I have been and I have [contributed to the industry]?

“I have done many things for showbiz, I have produced 60 movies—produced, ha, [with] my own money—and I think in some ways marami akong natulungan na tao through my movie production in giving them employment.

“Bakit hindi naman na nila maibalato sa akin itong last few years of my life?

“Ang pakiusap ko sa’yo, sa lahat, magpapa-interview ako.

“But, please, give me the respect that is due me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN