Ruffa Gutierrez on Amalia Fuentes: "For me, she’s the least of my concerns."

"Seriously, itong huling intriga sa akin, hindi ko pinapansin. I’m clueless about the matter and it doesn’t bother me at all," says Ruffa Gutierrez.


Kagabi, May 8, ay ginanap ang premiere ng The Mommy Returns, ang bagong pelikula ng Regal Films na pinagbibidahan nina Ruffa Gutierrez, Pokwang, at Gabby Concepcion.

Bago pa man maglakad sa red carpet si Ruffa ay nagpaunlak ito ng panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment portal) at iba pang miyembro ng media.

Naging sentro ng panayam ang libel case na isinampa ni Amalia Fuentes kay Ruffa noong May 7.

(CLICK HERE to read related story.)

Maiikli lamang ang mga sagot ni Ruffa nang tanungin tungkol sa libel case. Aniya, hindi raw siya interesado rito.

“Well, I already answered that yesterday. For me, she’s the least of my concerns.

"I have other things to worry about, so my lawyers will deal with that,” saad niya.

Ayon sa kanya, mas nais niyang mag-isip ng masasayang bagay kaysa maapektuhan ng mga negatibong isyu.

Wala rin daw sa kanya kung galit sa kanya ang dating movie queen, dahil sa nakakasundo naman niya ang mga kamag-anak nito.

“As a matter of fact, si Alyanna Martinez ang nag-i-style sa akin ngayon for this project.

And Aga and Charlene are very good friends of mine. Liezl Martinez and Albert Martinez are very good friends of mine.

"So it’s really strange that all of the younger ones get along with me, so I would like to keep it that way,” paliwanag niya.

Si Aga ay pamangkin ni Amalia, at anak naman ng dating aktres si Liezl. Anak nina Liezl at Albert ang celebrity stylist na si Alyanna.

Dahil nalalapit na ang Mother’s Day ay tinanong ng press kung may message si Ruffa para kay Amalia.

“No message,” ang mabilis niyang sagot.


MOTHER’S DAY. Ano naman ang message niya para sa kanyang inang si Annabelle Rama, na kaalitan din ni Amalia?

“My message for my mom, mom, I love you so much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you for always standing by us, for supporting us.

"Kahit paminsan-minsan hindi tayo nagkakasundo, you know that I’ll always be with you,” sabi ni Ruffa.

Dahil sa mga sunud-sunod na isyu, nagkakalamat ba ang relasyon nina Ruffa at Annabelle?

“Okay naman kami ng mommy ko. We’re very good. Happy kami, bati kami,” sagot niya.

Dahil din ba sa mga isyu ay nararamdaman niyang pinanghihinaan siya ng loob?

“Alam mo, para sa akin, okay lang,” sabi ni Ruffa.

“I’m very strong, God do not give us any problems that we cannot handle.

"Seriously, itong huling intriga sa akin, hindi ko pinapansin. I’m clueless about the matter and it doesn’t bother me at all.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN