Mon Tulfo: “Nagpapasalamat ako sa sanlibutan na hindi ko pa na-retrieve yung armas. Kasi kung hindi, maraming masasaktan. Maraming mabubuwis na buhay."

“Palagay ko, ginusto ng sanlibutan na itadhana iyan upang ma-expose yung mga kabalbalan nila Claudine at ng pagiging inutil ng mga pulis sa airport at mga guwardiya, at yung management ng NAIA—dahil wala silang camera, yung CCTV," says Mon Tulfo.


May imahe nang nabuo sa isip ng mga tao kapag ang ilalarawan ay ang magkakapatid na Tulfo, na pawang mga broadcasters at journalists—sina Ramon, Ben, Raffy, at Erwin.

Ang apelyidong Tulfo ay tila kumakatawan daw sa pagiging "matapang at palaban." Pero para sa ilan, ang impresyon nila sa mga Tulfo ay "arogante at mayabang."

Lumabas nga raw ang ugaling ito ng mga Tulfo nang masangkot sa karambola si Ramon, o mas kilala bilang si Mon, sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong May 6.

(CLICK HERE to read related story.)

Ilang pagbabanta laban kina Raymart at Claudine ang inihayag nina Erwin, Raffy, at Ben sa kanilang programang T3 Kapatid, Sagot Kita! sa TV5 noong May 7.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero kaagad din nag-public apology si Erwin kinabukasan, May 8.

(CLICK HERE to read related story.)

Bunsod pa nito ay naglabas din ng official statement ang TV5 na hindi nila kinukunsinti ang naging asal ng magkakapatid na Tulfo sa show at pagpapaliwanagin nila ang mga ito.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa interview ni Luchi Cruz-Valdes kay Mon na napanood sa Journo sa TV5 kagabi, May 8, may paliwanag ang panganay na Tulfo sa impresiyon ng mga tao sa kanila.

Ayon kay Mon, “Misunderstood kami, kontrobersiyal kami. Namana siguro namin iyan sa aming ama [Ramon Tulfo Sr.].

“Yung aming ama na colonel ng Philippine Constabulary was a very controversial figure, too.

“Namana namin iyan at parang genes… at kuwan, yung napapasuong sa mga kontrobersiya.

“Pero deep down, ang aking intensiyon ay ipaglaban yung kaapihan na dinanas nung pobreng babae [ground staff] sa isang matronang ’kala ko ay Tsinay o Tsinoy. At hindi ako nagsisisi.”

Does it matter sa kanya na people will judge him as the “typical” Tulfo?

“It would not matter to me. It would not matter to me at all kasi alam kong tama yung ginawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun talaga, e, I stand by my principles.

“Mali… kung… kahit sabihin nila na mali ako, deep down, deep inside, alam kong tama ako.

“Kahit na sinasabi ng mundo na mali ako, paninindigan ko yung sa akin ay tama.”

BEFORE THE BRAWL. Sa naturang interview sa Journo ay muling inilahad ni Mon ang bersiyon niya ng pangyayari bago naganap ang gulo sa airport.

“Galing ako ng Davao. Kabababa ko lang sa Cebu Pacific flight, 10:05 [a.m.].

“Kaya nung dumating ako, mga alas-dose. Sabi ko, ‘Mabuti nga sa iyo Cebu Pacific, mabuti nga sa inyo dahil mayroong isang pasahero na marunong mag-complain.’

“Kasi sinabi ko sa kolum ko [sa Philippine Daily Inquirer] na Filipinos don’t assert their rights. ‘Eto, here’s a woman who knows how to assert her right.”

Hindi niya ba nakilala na si Claudine iyon?

“Hindi ko siya kilala kasi wala akong alam sa mga artista, e,” sagot niya.

Pagpapatuloy ni Mon, “’Tapos e, sabi ko ‘Attagirl, iyan ang tama.’

“But when she started getting personal on the woman, sabi ko, iba ito.

“Sabi niya, ‘Patatanggal kita! You’re stupid!’ Ang dami-dami niyang sinasabi. Nagsisisigaw siya.

“Sabi ko, ‘Hindi na ito tama.’

“Unang-una, walang kasalanan iyong babae. I learned na nawalan siya [Claudine] ng bagahe o naiwan yata yung bagahe, na-offload.

“Hindi kasalanan nung babae, bakit pinepersonal mo yung babae?

“Maaaring mag-complain ka through her, pagalitan mo yung Cebu Pacific through the woman—but not the woman herself.”

THE KICK. Sa mga panayam kina Raymart at Claudine, isa sa inirereklamo nila ang ginawang paninipa diumano sa hita ng aktres, na nagkaroon ng pasa at sanhi ng paika-ikang paglakad ngayon nito.

Ito rin daw ang dahilan kaya lalong uminit ang ulo ni Raymart.

Pero paliwanag ni Mon dito, “Maaaring nasipa ko si Claudine nung bumagsak na ako.”

So, bago yung gulo hindi niya sinipa ang aktres?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala,” sagot niya.

CONTROVERSIAL PICTURES? Sa gitna ng magkaibang bersiyon ng istorya, hindi raw babaguhin ni Mon ang ginawa niyang pagkuha ng litrato sa aktres na nagtatatalak daw sa ground staff.

Nagdalawang-isip ba siya sa pagkuha ng litrato? Naisip niya ba na baka bawal ang ginagawa niya?

“Hindi, hindi bawal. Alam ko, hindi bawal.

“Ang akin lang, ang intensiyon ko noon ay makakuha ng litrato nang sa gayun kapag isinulat ko na yung kolum ko, I was going to use, to write that incident na panggagalaiti ng isang babae at pag-aalipusta sa isang maliit na empleyada.

“At kapag sinulat ko sa Inquirer iyan, kapag nagdemanda yung babae, alam ko dahil sabi niya, madikit siya kay Gokongwei.

“E, siyempre, sabi ko, baka big shot ito.”

Sabi ni Mon, wala naman daw talagang nilalaman ang mga litratong pilit kinukuha ng mag-asawang Raymart at Claudine.

Inamin ng beteranong broadcaster na hindi siya marunong gumamit ng kanyang camera phone kaya ang kinalabasan daw ay halos hindi niya nakunan si Claudine na natatakpan ng bagahe.

“Hayun, wala. Hindi ako marunong e, napakabano ko.

“Ayun lang si Claudine, wala nga, e.

“Kaya nga sabi ko, Erap envelope na when it’s finally opened, nothing was there. Ganun din,” sabi ni Mon habang ipinapakita kay Luchi ang mga litratong nakunan niya.

Pero hindi raw talaga siya pumayag na makuha ang telepono niya.

“Kaya lang, iginiit ko yung aking kalayaan sa pamamahayag. At saka personal property ko ito, e. Bakit ko ibibigay sa kanila?”

NO FIREARM. Noon bang pinagtutulungan na siya, may effort ba ang mga nakaengkuwentro niya na kunin ang telepono niya?

“Oo, meron. Pakinggan mo yun [video], ‘Kunin mo yung telepono.’

“May mga narinig na ganun: ‘Kunin mo yung telepono.’

“Si Claudine ang nagsisisigaw: ‘Kunin yung telepono. Kunin yung telepono!’”

May time ba na feeling niya ay gusto niyang lumaban dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na may armas siya at may bodyguard siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala akong armas kasi yung armas ko ay ire-retrieve ko pa.

“Pasalamat na lang ako, nagpapasalamat ako sa sanlibutan na hindi ko pa na-retrieve yung armas.

“Kasi kung hindi, maraming masasaktan. Maraming mabubuwis na buhay.”

AIRPORT POLICE. Matapos ang kaguluhan sa NAIA 3 ay dinala sina Mon, Claudine, at Raymart sa airport police station upang mabigyang-linaw ang mga pangyayari.

Ano ang naramdaman niya noong nasabi sa kanya na sina Raymart at Claudine ang nakaengkuwentro niya? Paano niya nalaman na sila iyon?

“Nung dinala na ako sa presinto, may tama na ako, e, sabi niya [pulis], ‘Hindi mo kilala?’

“Sabi ko, ‘Hindi.’

“‘Si Claudine Barretto yun.’

“‘Ganun ba?’ sabi ko.

“Sabi niya, ‘Hindi ka rin nakilala.’

“’Tapos meron pang isang pulis na, ‘Akin na yung telepono mo at diyan pala… kumukuha ka pala ng video.’

“Sabi ko, ‘Huwag mo akong hawakan at saka huwag mong kunin ito dahil wala kang karapatan.’

“May isang pulis na ganun, kinukuha niya [yung cell phone].”

NO CCTV. Hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin kung sino ba talaga ang nagpasimula ng gulo.

(CLICK HERE to read related story.)

Wala pang resulta ang imbestigasyon dahil hindi pala gumagana ang closed-circuit camera television (CCTV) sa bahagi kung saan naganap ang insidente.

Tanging ang kumalat na YouTube video at ilang litrato lang mula sa mga saksi ang nagpapasilip sa mga pangyayari.

Ang karambola raw na nangyari sa pagitan nina Mon at mag-asawang Santiago ay tila patunay ng mahinang seguridad sa NAIA. Hindi napigil agad ng mga guwardiya ang kaguluhan.

Komento ni Mon: “Palagay ko, ginusto ng sanlibutan na itadhana iyan upang ma-expose yung mga kabalbalan nila Claudine at ng pagiging inutil ng mga pulis sa airport at mga guwardiya, at yung management ng NAIA—dahil wala silang camera, yung CCTV.”

LESSONS. Ano sa tingin ni Mon ang aral na dapat kapulutan ng mga public figures na katulad nina Claudine at Raymart?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para kina Claudine at Raymart, dapat yung kanilang pino-portray sa harap ng camera, dapat maganda, wholesome, mabait… dapat ganun din yung portrayal nila sa tunay na buhay. Kasi sila ay tinitingala ng mga tao.

“Sa akin naman, dapat nung nakuha ko [yung pictures] tumakbo na ako na parang duwag. E, nagpaka-macho-macho pa ako, e.”

Ano naman ang aral na dapat kapulutan ng mga mamamahayag sa insidenteng ito?

“Ang aral dito ay keep on. Trabaho mo iyan, e.

“Ako, ginawa ko yung trabaho ko. If I were to be in the same situation again, ganun din ang gagawin ko.

“Kaya lang, tatakbo na ako. Hindi na ako magpapaka-macho-macho,” sabi ni Mon.

Noong Lunes, May 7, ay naghain ng reklamong physical injury at grave coercion si Mon laban kina Raymart at Claudine.

Ngayong hapon naman ay naghain ng physical injury at child abuse complaints sina Raymart at Claudine laban kay Mon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN