MTRCB finds probable cause to file charges against public-service program of Tulfo brothers

Part of the MTRCB statement reads: "The office of the MTRCB legal counsel has found probable cause to charge the television program T3 KAPATID, SAGOT KITA aired over TV5, for violation of Section 3(c) P.D. 1986 for airing scenes and utterances that are indecent and contrary to law, or with a dangerous tendency to encourage the commission of violence, or of a wrong or crime, during its 07 May 2012 episode."


Sa kasagsagan ng kaguluhan tungkol sa airport incident na kinasasangkutan ng broadcast journalist na si Mon Tulfo at ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Baretto, umaksyon na rin ang Movie and Television Classification Board (MTRCB).

Maraming reklamo ang natanggap ng MTRCB kaugnay sa mga matatapang na pahayag ng mga kapatid ni Mon na sina Ben, Raffy, at Erwin sa kanilang public-service program na T3, Kapatid Sagot Kita sa TV5 noong Lunes, May 7.

Sa programa, may himig pagbabanta at pananakot ang magkakapatid na Tulfo sa mag-asawang Raymart at Claudine.

(CLICK HERE to read related story.)

MTRCB STATEMENT. Kahapon, May 8, Martes, nagpalabas ng press statement ang MTRCB mula sa sala ni Chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares.

Dito ay sinabi ng MTRCB na may sapat na basehan para kasuhan ang T3, Kapatid Sagot Kita ng paglabag Section 3(c) P.D. 1986 "for airing scenes and utterances that are indecent and contrary to law, or with a dangerous tendency to encourage the commission of violence, or of a wrong or crime, during its 07 May 2012 episode."

Kaugnay ng mga reklamong ito, nagtakda ng hearing ang MTRCB bukas, May 10, 10:30 a.m.

Isinangguni rin ng MTRCB ang isyung ito sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) "for appropriate action with respect to the television personalities involved."

BASES OF MTRCB HEARING. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay MTRCB legal counsel Atty. Eugenio Villareal kahapon matapos ipinalabas ang kanilang press statement kahapon, kinumpirma niya na bukas isasagawa ang unang pagdinig para sa mga reklamong natanggap ng kanilang tanggapan.

Ipinaliwanag din niya kung bakit nagdesisyon silang magsagawa ng hearing.

Ani Atty. Villareal, “Kasi meron na kaming sariling Twitter, Facebook... at may mga indvidual ring lumapit sa iba’t ibang board member.

“Siyempre, ito’y parang sa publiko lamang nanggagaling at kailangan pang siyasatin.

“So, may mga natanggap nga kami na nagrereklamo…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ang ginawa namin, sa pamamagitan ng aming legal team dito, tiningnan muna namin kung may probable cause na patawagin at magkaroon ng aksyon tungkol dito sa mga reklamong ito.

“At alam n’yo naman, meron rin kaming monitoring. Nagkaroon rin kami ng internal viewing ng taped on-air at pinag-aralan ng aming legal counsel.

“At ang conclusion ng legal counsel is, there is probable cause to charge that television program nga na T3, dahil doon sa mga sinabi at binanggit na mga statements."

Patuloy niya, “Doon sa reklamo, parang may mga threatening remarks na diumano na ipinahiwatig yung mga Tulfo brothers laban kina Raymart Santiago at Claudine Barretto.

“Kaya lang, dapat din nating tandaan na kailangang bigyan din natin ng due process ang kinauukulan.

“Kung kaya’t makikita natin dito sa press statement na ang ginawa ng Board, sa pamamagitan ng adjudication committee ng Board, binigyan ng pagkilala yung complaint.

"At ngayon nga ay magkakaroon na ng hearing for the purpose."

MTRCB JURISDICTION. Ipapatawag ba sa hearing ang pamunuan ng TV5, kasama ang Tulfo brothers?

Sagot ni Atty. Villareal, “Ang tinatawagan diyan ay yung kanilang producer, dahil kung sino ang nakalagay doon sa tinatawag nating permit para sa television exhibition at yung nag-apply—sila ang tinatawagan.

“So, para dito sa buwan ng Mayo na Application for Television Permit to Exhibit, lumalabas na dito na ang producer dito ay ang Associated Broadcasting Company or yung TV5, at ang representante dito ay si Ramon del Rosario.

“So, yung producer ang papadalhan ng notisiya [notice] para dito sa usaping ito.

“Tungkol naman sa mga host, ang MTRCB, ang aming jurisdiction or saklaw ay sa programa.

“Kung kaya’t makikita n’yo rin sa aming press statement, dahil kami’y mga nagsabi, na medyo hindi maganda yung mga sinabi ng host diumano, ay gagawa na lang ang aming Legal department doon sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas—kung saan doon haharap ang mga host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi naman meron silang jurisdiction para sa television personalities.”

TULFO BROTHERS’ THREATS. Ayon sa standards o rules and regulations ng MTRCB, hindi angkop ang mga ang paghahamon at pagbabanta ng Tulfo brothers sa kanilang programa.

Saad ni Atty. Villareal, “May pagpapakita na ganun, base sa pag-aaral ng aming legal counsel... yung naghain ng complaint [MTRCB] kasi regulatory agency kami.

“Subalit ito ay kailangang dinggin pa.

“At yung huling pagpapasya, ‘yan ay produkto ng magiging adjudication dahil meron tayong due process na dapat mapakinggan natin yung programa…

“Kung ano yung kailangang maaari nilang maging depensa na hindi ito angkop sa telebisyon na…

“For example, ‘yang programa na ‘yan [T3] na sa aking pagkakaalam ay Parental Guidance [ang classification].

“At baka mamaya niyan, hindi na angkop sa Parental Guidance kung mapatunayan na rin ang nagrereklamo na ito ay may pagbabanta.

“Dahil ang pagbabanta nga naman, medyo negative nga naman ‘yan.

"At sa Revised Penal Code natin, may kaparusahan ang pagbabanta.”

Yung ganung pagbabanta o klase ng mga remarks, hindi ba sakop sa Parental Guidance classification?

“A… ‘yan ay pag-uusapan sa kaso.

“Kung kaya’t ang sinasabi lang dito ay may pagpapahiwatig na kung ang MTRCB legal counsel lang ang magde-determina ay masasabi nilang may bayolasyon [violation].

“Subalit meron nga tayong due process, papakinggan rin natin yung kabilang side.

“Pero may finding nga ang MTRCB legal counsel na merong probable cause on that matter.”

May epekto ba sa magiging pasya ng MTRCB ang apology ni Erwin, ang isa sa mga Tulfo brothers, sa kanyang radio program na Punto Asintado?


(CLICK HERE to read related story.)

“Hindi natin masasabi ‘yan ngayon," tugon niya.

“Magandang pag-usapan ‘yan doon sa magiging hearing nga na itinakda ng Board sa May 10 [Miyerkules], at doon maaaring ipahayag ’yan.”

PENALTIES. Maari rin daw na may penalty sakaling mapatunayang may nagawang violation ang T3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba-iba ang mga nagiging [resulta]… sa history ko o sa personal ko, ang masasagot ko yung personal history ko sa Board.

“A, may mga pagkakataon na masususpende ang programa—may mga nasususpende at merong fine.

“Meron namang mungkahi na nanggaling rin sa kanila na self-regulation.

“At may stringent measures sila upang bantayan ang kanilang talent, ang kanilang hanay.

“At pagkatapos no’n ay magkakaroon ng akma pang sanction para sa any violation.

“Iba’t iba dahil meron tayong kapangyarihan, ang Board, na magpataw ng kaparusahan at meron rin naman mandato rin na gabayan ang ating industriya, kumbaga, patungo sa tinatawag nating self-regulation.

“So, malalaman lang natin ‘yan talaga kapag narinig na ang buong issue.”

OTHER MTRCB CASES. Nagkaroon na rin daw ng mga kaparehong kaso ang MTRCB.

“May mga kaso dito sa MTRCB na mga programa… pero hindi natin puwedeng i-compare yung mga nangyari noon bawat kaso.

“Tinatawag natin sa batas na maaaring sui generis, meron sari-sariling mga sirkumstanya [circumtances].

“We are not in a position para sabihing pareho ito ng kaso dati.

“’Yang ganyang deteminasyon ay nangyayari lang kapag umabot tayo sa puntong pagpapasyahan na ang MTRCB…

“Kung magkakaroon na o mayroon talagang paglabas sa batas at may angkop na kaparusahan.”

PROBABLE CAUSE. Kasama rin ba ang pagmumura ng mga Tulfo brothers sa nakita ng MTRCB monitoring at legal counsel na probable cause para kasuhan ang T3?

“Oo, kasama yun.

"At yun a, kumbaga, kung paano i-appreciate yung pagsabi ng ganung klaseng mga salita.

“Taking into account yung sirkumstansiya, yung mga kung anong oras ito in-air, 5:30 p.m., na maaring may mga batang nanonood.

“’Yan lahat ay ating pagtutuunan natin ng pansin at pag-aaral.”

DELUGE OF COMPLAINTS. Sa mga natanggap na complaints ng MTRCB ay hindi kasama sa mga tumawag o nagreklamo ang mag-asawang Raymart at Claudine.

“Wala kaming natatanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito ay in fact, sabi nga dito sa press statement, may sariling monitoring ang MTRCB, eto ay parte ng aming paglilingkod sa taong-bayan.

“Meron kaming monitoring inspection unit.

“Ang aming 30 board members, pati ang aming chair at vice chair ay patuloy na nagmamasid…

“Na kung meron mga ganitong lalabas na pangyayari ay kailangang i-adress ito at bigyan ng kaukulang aksiyon.

“Hindi muna tayo kailangang mag-ano muna… dahil mas maganda yung pag-appreciate ng episode na yun ay gagawin ‘pag meron na tayong hearing dito.

“At ang ating MTRCB legal counsel ay nakapaggawa na ng pagsusuri at kanilang nakita na yung tape on-air.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN