Raymart Santiago and Claudine Barretto file physical injury and child abuse complaints against Mon Tulfo

Claudine Barretto and Raymart Santiago formally filed their complaints against veteran broadcaster Mon Tulfo at the Pasay City Prosecutor’s Office earlier today, May 9.


Physical Injuries at Rep. Act 7610 o Anti-Child Abuse ang mga inihaing reklamo ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Baretto laban kay Mon Tulfo.

Inihain ng mag-asawa ang kanilang mga reklamo sa tanggapan ni Fiscal Juliet Garcia ng Pasay Prosecutor’s Office kaninang hapon, May 9.

Samantala, pag-uusapan at pag-iisipan pa raw nina Raymart at Claudine kung kailan nila isasampa ang kasong Grave Threats laban sa mga kapatid ni Mon na sina Ben, Raffy, at Erwin Tulfo.

Ito ay dahil sa mga binitiwang pananakot at pagbabanta ng magkakapatid laban kina Raymart at Claudine sa TV5 public-service program nilang T3 Kapatid, Sagot Kita!.


(CLICK HERE to read related story.)

APOLOGY FROM TULFO BROTHERS. Pero pagkatapos magsalita ng Tulfo brothers sa kanilang programa ay pinagsabihan na sila ng kanilang Kuya Mon na huwag nang magsalita at mag-ingat sa mga sinasabi nila.

Ano ang reaksiyon dito ni Raymart?

“Siyempre, kuya nila yun,” sambit ng aktor sa pakikipag-usap sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa Pasay RTC.

Kinabukasan ay nagsalita rin si Erwin at humingi ng paumahin sa mga sinabi nila dahil napuna na ito ng Movie Television Review and Classifcation Board (MTRCB).

Naglabas na rin ng statement ang TV5 kaugnay dito at sinuspindi ang magkakapatid.

Pero reaksiyon ni Raymart dito, “Sa tao sila nag-sorry, e.

“Isa pa, hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sorry nila.

“Kasi sinasabi nila na hindi sila pinalaki ng magulang nila na hindi sila nananakit ng babae. Wala sa Tulfo na nananakit ng babae.

“Pero sinasabi naman nila na ’pag magkita daw kami sa Terminal 1, Terminal 2, Terminal 3 [ng NAIA], huwag lang mag-krus ang landas namin, ‘makakatikim ka sa akin pati ang asawa... tatamaan ikaw at ang asawa mo.’

“Magulo, e, di ba?”

Kaya pagkatapos daw nito ay aayusin na nila ang paghahain ng reklamong Grave Threats laban sa Tulfo brothers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HURTING HIS WIFE… Hindi naman napigilan ni Raymart ang maiyak nang magpahayag itong hindi niya matanggap ang pananakit diumano na ginawa ni Mon kay Claudine.

Ayon kay Raymart, “Ang pananakit sa mas nakakatanda ay hindi itinuro sa akin ng aking mga magulang.

“Ngunit, kung sinaktan ka ng taong iyon, natural lang siguro na ipagtanggol mo ang sarili mo.

“At ang pangalawa, kung yung taong iyon na nakakatanda sa ‘yo ay sinaktan ang mahal n’yo sa buhay, lalo na ang asawa ko…

“Babae ‘yan e. Bakit mo sisipain? Bakit mo itutulak?

“Nandito naman ako, e, di ba? Ako ang kalabanin mo.

“Pinakasalan ko ‘tong asawa ko, ni lamok nga ayaw kong padapuan ‘yan, sisipain ng isang black belter!

“Ako na lang ang kalabanin niya…” pahayag nito na natigil lang dahil sa tuluyan na itong naiyak.

Hindi pa rin pinayagan ng abugado nilang magsalita si Claudine. Kaya nasa tabi lang ito ng aktor at umiiyak habang nagbibigay ng pahayag ang kanyang asawa.

THE CHILDREN. Ang isa pang ikinasama ng loob ni Raymart ay naapektuhan daw nang husto ang mga anak nila. Kaya pinapa-check-up nila ngayon ang mga ito sa isang child psychologist.

Sabi ng aktor, “May appointment sila sa doktor.

“Yun din ang mabigat sa puso ko, e. Hindi ko alam kung ano ang kalalabasan nun.”

Kuwento ng abugado nilang si Atty. Alex Avisado, “They’re undergoing clinical and psychological observation because of the emotional stress and trauma na nakita sa harapan nila na sinasaktan nila ang kanilang ina.

“We hope and pray na sana hindi magkaroon ng long-term damage sa mga bata.

“Kaya importante na merong mga eksperto na tutulong sa kanila sa therapy.”

Dagdag na kuwento ni Raymart, “Yung bunso ko, very protective sa nanay niya. E, nakita niya lahat, e.

“Sinasabi niya ‘Who’s that guy? Is he in jail now? The one who kicked my mom?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya daw naging emosyunal si Raymart dahil sa ganung epekto sa kanilang mga anak.

Paulit-ulit din niyang sinasabing hindi nito matanggap ang pananakit diumano ni Mon sa kanyang asawa.

MEDIATION. Balitang nagbigay ng pahayag si Senator Miriam Defensor-Santiago na willing daw siyang mag-mediate sa paghaharap at posibleng pagbabati nina Raymart at Mon bilang kamag-anak naman daw ng asawa niya ang aktor.

Pero umiiling si Raymart sa posibleng pagbabati at pag-aayos nila ni Mon.

“Yung sa akin, mapapatawad ko yung panununtok at paninipa niya sa akin.

“Pero yung pananakit niya sa asawa ko, dun ako gigil na gigil,” mariing pahayag niya.

Pero umayon si Atty. Avisado sa pagsampa ni Mon ng kaso. Naniniwala naman daw sila na dapat idaan ito sa korte at hindi sa marahas na paraan.

Aniya, “Nauna nag-file si Mr. Tulfo dito. Dito nagpapakita na may respect siya for the judicial process.

“If ever may complaints siya o grievances against the couple, inihain niya sa korte.

“So, kami rin naman, dito ang aming takbo, e. Dito ang tamang venue para ipaglaban yung kaso.

“Dito na lang sana kami magharap-harap at huwag na ho sana magkasakitan pa sa labas.”

MYSTERIOUS VAN. Nabanggit din ni Raymart na may nakikita raw silang van na umaali-aligid sa bahay nila ilang gabi na ang nakalilipas.

“Hindi ko sinasabing sila yun. Pero kuwento ng kapitbahay namin, nakikita rin nila yung van na umaaligid sa tapat ng bahay namin.

“Meron pang isang van na may pangalan…” pahayag ni Raymart.

Pero pinigilan ang aktor ng kanyang abugado na si Atty. Alex Avisado na sabihin kung ano ang pangalang nakita nito sa van na umaaligid sa kanilang tahanan.

Ito raw ang dahilan kung kaya’t humingi na sila ng tulong sa Philippine National Police (PNP). Meron na rin daw security na pulis na nagbabantay sa kanila.

Sabi ni Raymart, “Medyo hindi ako sanay kasi nakikita n’yo naman, mag-isa lang ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagdya-jogging ako mag-isa, pero ngayon may mga security.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN