Richard Gutierrez wants to keep his lovelife private; refuses to comment about libel case filed by Amalia Fuentes against his sister Ruffa

Richard Gutierrez is kept busy shuttling between two shows—his soap opera Makapiling Kang Muli and his new reality-travel series Pinoy Adventures. He is also set to do Summit, a TV special featuring summits of famous Luzon mountains.


May mga death-defying scenes si Richard Gutierrez sa bagong reality-informative travel show na Pinoy Adventures ng GMA-7.

Dito, makikita si Richard na tumalon sa tubig mula sa mataas na bundok, umakyat at bumaba sa madulas na gilid ng falls, at nag-bisikleta sa mga batuhang kalsada.

Inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Richard kung hindi siya nakakaramdam ng kaba o takot sa mga ginagawa niya sa kanyang bagong show.

“Medyo,” pag-amin niya.

“Kinakabahan ako minsan, pero yung kaba at yung excitement turns into adrenaline [rush] which I like.

“So, I just enjoy it.

“May mga ibang activities siyempre na minsan, kinu-question ko kung kakayanin ko ba ito, pero kasi ako, I really tend to learn first.

“Kunwari, rolling ako sa waterfalls, it’s very technical thing to do na madulas, malumot.

“So, doon, medyo nag-alangan ako.

"Pero nung tinuro naman sa akin kung paano, itinuro sa akin yung technique, ’tapos siniguradong safe naman, so ginawa ko naman.

“Pero yun nga, may mga times na kukuwestyunin mo kung kaya mo, pero you will never know the answer until you do it.”

DANGEROUS STUNTS. Tinanong din ng PEP kung alam ng ina niyang si Annabelle Rama ang mga delikadong ginagawa niya sa show.

“Hindi naman... hindi ko naman pinagtataguan. Alam naman ng nom ko yung mga activities.

“Hindi ko lang sinasabi yung detalye,” nakangiti niyang sabi.

May pagkakataon bang napagalitan siya ng mommy niya dahil sa isang delikadong activity na hindi muna ipinaalam sa kanya?

“Hindi naman, sinasabi lang niya... ako siyempre, nire-remind niya ako na, ‘Be safe.’

“Nire-remind niya ako na ‘pag hindi ko kaya, huwag na lang.

“Siyempre, maiintindihan ko naman yung point ng mom ko and I take it into consideration naman yung mga sinasabi ko sa kanya.

“Pero it’s really more of a reminder na mag-ingat ako sa mga ginagawa ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEVELOPMENT SUPPPORT. Nagsilbing eye opener daw kay Richard ang nakita niyang kahirapan at kakulangan ng mga kapwa niya Pinoy sa remote areas na pinupuntahan niya.

“Hangga’t sa makakaya ko. Pero ako naman, e, as much as I can, we’ll try to help out, in different ways.

“Pero we also need help from the local government—from the government.

“Kasi marami akong kakilalang environmentalists na philanthropists na tumutulong…

“Pero nabe-burnout rin sila kasi wala silang support, or minsan nakakalaban pa nila yung local government.

“So, it really needs to also start from the local people and then to the people who wants to like to help, like me and other philanthropists.

“But we also need support from the local government. And hopefully may mga makanood nito and change their minds.”

COLLABORATION. Sa bago niyang palabas, may pagkakataon ding nagbibigay ng suggestion si Richard.

“Oo, very hands-on.

"Of course, I let them know what I think would be nice for the audience.

“I also let them know what a nice adventure for me. Kung ano yung kakayahan ko rin and what I think is exciting.

“Ayun… its more of a collaboration, give and take with the team.

“Kasi yung team na ito, matagal ko na ring kasama since Survivor pa. So, kilala na rin nila ako. So, more or less, alam na nila.

“Before they even tell me the assignment, more or less, alam na nila ang gusto ko, hilig ko, at kung ano yung makakaya ko.”

SUMMIT. Nabanggit na ni Richard ang plano niyang Summit special para sa kanyang show na magtatampok ng magagandang natural resources ng Norte sa mga kabundukan ng Benguet, Mt. Giting, at Mt. Pulag.

“Kasi limited lang yung time ko. I can’t stay there for a long time and get to experience everything.

“I do try to experience as much as I can while I’m there, like around four days.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But before going to the place, we have a lot of research.

“Before going in that location, I already have information or background on that place.

“And we have researchers staying there for a week and some of our researchers stay there even after we leave.

“So, it’s really a team effort.

“I’m just blessed to be working we the good team na when I get there, I’m already informed on what the place is about, what the local is about.

“But for me kasi, with the very limited time, I’ll try to do as much as I can, go to places as much as I can.”

Tig-isang linggo ang ginugugol ni Richard na panahon para sa kanyang dalawang TV show. Isang linggo para sa kanyang tini-tape na serye at isang linggo para sa Pinoy Adventures.

“So, more or less a day or two, three days lang for rest.

“And you know, I’ll try to rest as much as I can during ‘pag mga downtime sa taping.

“That’s the whole system now. I shoot one week for the soap opera and I shoot one week for this [Pinoy Adventure] alternating.

“So, it’s pretty tight.”

CALM DOWN. Hindi malayong mag-worry ang kanyang family at present girlfriend sa mga adventures ni Richard.

“Siyempre, yung mga adventures na ginagawa mo is always risk.

"But you will never accomplish anything if you don’t take risk.

“Kilala naman nila ako. Alam naman nila na yun ang hilig ko.

“Alam naman nila very passionate ako sa ganyan. And they trust me naman with my capabilities.

“Kasi ever since I was a kid, you know, I’ve been competing in different sports and doing a lot of adventures.

“So, alam rin nila ang kakayahan ko. So, they trust me and also they trust the News and Public Affairs of GMA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SPECIAL RELATIONSHIP AND INSPIRATION. Saan niya hinuhugot ang kanyang katapangan?

“Of course, we start everything with a prayer.

"Ako rin, ‘pag mag-isa ako, I do a lot of meditation.

“Alam mo, masaya ako sa lahat ng aspeto ng buhay ko ngayon—sa lovelife, sa work, sa family life ko ngayon.

“Parang you know, I’ve been in the industry 10 years now since I got back from the States.

“So, it’s my 10th year… kami ni Angel [Locsin]. It’s our 10th year this year.

“And parang I’ve experienced many, many things.

“Parang at this point of my career and in my life, parang I know myself and I know what I want.

"And I know the people who’s there for me.

“So, I’m just blessed to be able to realize that at this point."

Pribado rin daw siya pagdating sa kanyang lovelife, bagamat aminado si Richard na may girlfriend siya ngayon.

“Kung maano mo naman, I’m very private.

“Ever since before naman, I’m just... I don’t know, I don’t wanna be chaotic naman.

“I wanna keep that part of my life somehow, somewhat private.

“E, ngayon, hindi na siya private kasi napag-uusapan natin.

"So, you know… pero I don’t wanna go into the details.

“Okey na yung alam n’yo na ganun. Pero let’s not dwell into the details.

"So, yun lang.”

NO COMMENT. Walang masabi si Richard tungkol sa libel case na isinampa ng dating movie queen laban sa kapatid ni Ricgard na si Ruffa Gutierrez.

“No comment… no comment ako diyan.

“My sister knows what to do and my family and my friends know the truth and we’re here to support our sister no matter what.

“And a lot of people I know are trying to put us down now, but we stay strong as a family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We know our friends and we know who love us. So, that’s what keeps us strong," sabi niya.

MOTHER’S DAY GIFT. Sa Linggo, May 13, ang Mother’s Day. May naiisip na ba siyang regalo para sa kanyang Mommy Annabelle?

“Ang gift ko para kay Mom ay time. I’ll try to spend time as much as time I can with her.

“Kasi ngayon nga, masyadong hectic ang schedule ko. Bihira rin kaming magkita in a week.

“I think I’ll be spending my time with her by staying in our house… with my parents’ house.

“Dun ako mag-i-stay... starting soon.

"Hindi naman ako nag-move out sa tinitirhan ko.

“It’s just that spending time with my parents and at the same time, nandun pa rin naman yung place ko.

“Saka may kuwarto pa rin naman ako sa parents’ house ko.

“Saka yun na lang yung gift na maibibigay ko sa mom ko na magugustuhan niya.

“Kasi nakita naman natin sa TV na sobrang dami na niyang bags. Hindi na niya kailangan ng bags.

“So, hindi na bag ang gift ko sa kanya ngayon, time na lang."

Paano niya maidi-describe ang kanyang ina?

“Si Mommy, maraming nakakilala sa kanya.

“Marami siyang kaibigan na nagsasabi sa kanya she’s an honest, loyal person…

“Na sasabihin n’ya sa iyo ang totoo—straight, na walang paliguy-ligoy. Ganun din siyang klaseng mom.

“More than anything she guided us to the right direction, she kept us grounded. And she kept us intact as a family.

“Hindi madaling gawin yun, especially sa pamilya na nasa spotlight lagi ng showbiz industry.

“So she’s a very strong, dependent and loving mom.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN