Soul Siren Nina is now ready to try acting

Nina signed a five-year exclusive contract with Viva Records. She says “faith” is the reason why she decided to have a new management.


Isang five-year exclusive contract ang pinirmahan ng Soul Siren na si Nina sa Viva Records.

Ginanap ang contract signing kahapon, Mayo 9, sa Viva office sa 7thfloor ng Tektite Building, Ortigas Center, Pasig City.

Dito nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Nina.

Sinabi niyang “faith” ang naging dahilan kung bakit siya lumipat ng management pagdating sa kanyang recording career.

“Kasi this has been a long time coming, parang I’ve met nga Boss Vic [del Rosario], ‘yon nga, three years ago.

Ang tinutukoy ni Nina ay nang i-produce ng Viva ang Love 2 Love 2 Love concert, kung saan isa siya sa nag-perform.

“They have been interested in managing [me] and sa [album] recording, but at that time, I just signed up with another label.

“Few years again later naman… siguro talagang nag-conspire ‘yong mga stars para ipag-meet kami.

“Tamang-tama, tapos na ‘yong contract ko with the other label, siyempre talagang ang destiny namin is nagkita na. “

ACTING. Ngayong mina-manage na siya ng Viva, isa sa mga aabangan daw sa mga aabangan ng kanyang fans ay ang pagsabak niya sa acting.

Katunayan, nakatakda siyang pumunta ng Singapore para sa isang acting workshop.

“Kasi ako talaga, aminado hindi ako marunong umarte,” sabi ng singer.

“Pero with the help of Viva and lahat sila, they will help me to do my workshop sa Singapore.

“Para kung lumabas man nga ako sa movie, hindi ‘yong half-baked, di ba? Parang prepared talaga ako.

“Also for my self na din, I want to be prepared, ayaw ko naman na sasalang ako nang wala naman akong alam.

“So, gusto ko kapag pumasok ako sa isang gagawin, sa bagong tatahakin [ko], gusto ko prepared ako and prepared din sila for me.”

Ang stageplay na kanyang gagawin ang nakakumbinsi kay Nina na subukan ang pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, hindi muna niya sinabi kung anong play ang kanyang gagawin.

Aniya, “I’m getting ready for that, I’m preparing for that.

“Siyempre it was a nice move for me as well, kasi singing, but not only singing, but also acting—pinag-combine na ‘yong singing ko sa acting.

“So, sobrang nakakatuwa talaga siya," saad niya.

SAME SOUND. Kahit pa lumipat siya ng management, hindi pa rin daw babaguhin ni Nina ang kanyang signature style sa pagkanta.

“Magkakaro’n ng bagong recording with Viva naman, with the same Nina sound.

"Kumbaga, nando’n pa rin siya and mas ie-enhance pa.

“New songs siguro, puwedeng cover, puwedeng original, but we’re eyeing on original songs kasi, e.”

Ang mensahe naman niya sa kanyang mga fans para sa mga pagbabagong kanyang gagawin:

“Just hang on there. We’ll take this one step at a time.

“Thank you for always supporting me along the way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN