Grace Lee on rumored breakup with PNoy: “I think you should ask him, not me.”

Korean TV and radio host Grace Lee neither confirmed nor denied her rumored “breakup” with President Benigno “Noynoy” Aquino III. She simply said, “I think you should ask him, not me.”


Hanggang ngayon ay matunog ang usap-usapang hiwalayan na diumano sina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ang TV personality na si Grace Lee.

Ito’y kahit wala pang pormal na pag-amin mula sa dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Lumabas sa daily broadsheet na Philippine Star kahapon, Mayo 9, ang artikulo ni Aurea Calica na pinamagatang "P-Noy alone again?"

Ayon sa naturang artikulo, may ilang “sources” silang nagsasabi na wala nang dine-date ang Pangulo sa kasalukuyan.

Gayunman, noong Abril 24, ay nakita pang magkasama sina PNoy at Grace sa concert ni Sergio Mendez na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

THE TALK. Ayon naman sa report ni Marie Lozano sa TV Patrol kagabi, Mayo 9, sa ilang provincial trips ng Pangulo ay nagbitaw ito ng makahulugang mga pahayag.

’Tulad na lamang noong Sabado, Mayo 5, sa Negros Occidental ay sinabi ni PNoy na: “Dalawa ho ang bumihag sa puso natin noon dito, e. Baka ho sa pangatlo suwertehin na ako.”

Habang noong Lunes, Mayo 7, sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Pangasinan: “Noong nakaraang kampanya na nandito ako, sinabi ko sa inyo na maraming magagandang babae dito sa Pangasinan. Pero ngayon, mas dumami pa ang magagandang binibini.”

“ASK HIM.” Samantala, ayaw naman nang patulan ni Grace ang mga naglalabasang isyu tungkol sa kanila ng Pangulo.

Gayunman, hindi na rin siya nakaiwas na magbigay ng komento sa mga lumalabas na artikulo tungkol sa umano’y paghihiwalay nila ni PNoy.

“With regards to the headline, I think you should ask him, not me.

“I was hurt with a lot of articles that were written about me, which are lies and just vicious, ’no.

“So, after that, I just stopped reading newspapers.”

Hindi rin daw tama na gamitin ang salitang “breakup” sa estado ng relasyon nila ni PNoy.

Nang sabihin ni Marie kay Grace na “You never admitted anything," natawa ang TV at radio host at saka sinabing:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Exactly! Good point! Good point, I agree with that.”

NO COMMENT. Samantala, sinubukan namang kunin ng GMA News ang reaksiyon ng Malacañang tungkol sa naturang isyu.

Ayon sa report ni Pia Guanio sa 24 Oras kagabi, Mayo 9, sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na ayaw nilang magkomento sa personal na buhay ng Pangulo.

“I don’t want to comment, I don’t know what’s going on. We don’t comment on the private matters," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN