Mariel Rodriguez stays away from Robin Padilla’s issues with daughters: "Kasi nagiging trouble ako."

Hanggang Cagayan De Oro pa lang daw nakakapunta si Mariel pero marami na raw siyang nakilalang mga Muslim, na siyang pananampalataya ng asawang si Robin Padilla.

Aniya, “Mababait sila, mababait. Kaya nga exposed na exposed na ako sa mga... alam ko na ang kultura ng mga Muslim. Alam ko na kung paano dapat ang mga lalake sa mga babae, alam ko na.”


Masayang ibinalita ni Mariel Rodriguez na tuloy na tuloy na ang U.S. show ng Wil Time Big Time sa Los Angeles Shrine Auditorium (May 26) at sa Civic Auditorium sa San Francisco (June 2).

“Maraming special guests ’atang darating," ang panimula ng co-host ni Willie Revillame.

"Ito yung big launching ng TV5 international at ng Aksyon TV. Ang magbubukas ay ang Wil Time, Big Time.

"Kasama namin sina Ms. Luchie Cruz-Valdez, yun ang mga naririnig ko lang.”

HOSTING PAPARAZZI. Samantala, napapangiti si Mariel sa tuwing tinatanong siya tungkol pagiging co-host niya sa showbiz talk show ng TV5 tuwing Sabado

“Regular na ba?" ang balik-tanong ng misis ni Robin.

Sa pagpapatuloy niya, "Sana nga ano, kasi nakaka-ilang weeks na rin ako since my interview with BB Gandanghari.

"And nag-voice over for the first time para sa Russian trip namin ni Robin na ipinalabas as segment sa Paparazzi. Natuwa naman ako.”

FILM PROJECTS. Bukod sa telebisyon, may mga naka-planong pelikula para sa kanya.

“Ang alam ko, kinakausap nila si Jay Montelibano, kasi half-Backroom Inc. ako and half Jay Montelibano. Sila yung nagma-manage sa akin."

Dito niya ibinalitang gagawin ni Robin ang life story ni Senator Ping Lacson.

Ang sabi ni Mariel, "I’m going to play the wife, si Tita Alice. Hindi ko pa alam kung sinu-sino ang magiging part ng production kasi kinausap pa lang nila si Jay."

Wala pang maibigay na detalye kung kailan ang umpisa ng shooting dahil aalis pa raw si Mariel.

Pahayag ng TV5 star, “So, I don’t think I can shoot yet. Pero ako naman ang nagbasa ng script, so, alam ko na hindi naman all the shots, magkakasama kami ni Robin. I don’t think na magkakaroon ng super problem.

“Yun nga lang, puwede lang akong mag-shoot sa araw, kasi, di ba, may Wil Time ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka Sunday, di ba dati sinasabi ko hindi ako puwedeng mag-work ng Sunday kasi para sa amin ni Robin yung day na yun? Pero makakasama ko naman si Robin [sa shooting] kaya okay na rin.”

Pagdating naman sa Mr. Wong, na dapat sana’y gagawin ni Robin para sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2011, wala na raw balita dito si Mariel.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pelikulang ito na muntik nang magdulot ng away sa pagitan nina Robin at Laguna Governor ER Ejercito dahil nabalitang na-pull out ang movie ni Robin bilang entry at ang ipinalit ay ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ni ER.

Pero hindi na raw nababanggit ni Robin kung itutuloy pa nito ang shooting ng nasabing movie.

ROBIN’S SCHOOL. Samantala, malungkot na ibinalita ni Mariel ang pagsasara ng school, ang Paaralan ng Liwanag ng Kapayapaan Foundation, ni Robin para sa mga batang Muslim.

Ingat na ingat si Mariel sa pagsasalita tungkol sa nangyari.

Ang nasabi lang niya, mas gusto nilang magkaroon ng maraming partisipasyon ang mga parents ng mga estudyante nila para sa pag-a-aral ng kani-kanilang mga anak.

May mga problema rin daw na gustong solusyunan ni Robin para hindi na magkaroon pa ng isyu sa pagitan ng mga teachers at ng mga parents ng mga bata.

Ang kuwento ni Mariel, “One month ago na nung nagdecide si Robin na isara yung school.

"Saka kasi si Kylie [anak ni Robin na talent ng GMA-7] kasi, nag-move back na. So, yung first floor, pina-renovate na. Inayos yun at ginawang pad ni Kylie. No’ng first day nga niya sa pad niya, in-invite niya ang Daddy niya at doon sila nag-dinner.”

Pero bago raw ito nagsara, tinapos muna yung PEP (Philippine Educational Placement) test ng mga bata at inasikaso ang paglilipat ng eskuwelahan.

Ang sabi ni Mariel, “Kailangan kasing mag-PEP test yung mga bata para ma-accelerate sila next level. Kasi hindi kami level na regular school, elementary lang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakahanap na nang school para sa kanila.

"At yung mga gamit sa school, like computer, idu-donate ni Robin doon para meron pa rin yung mga bata.

"Kinausap talaga yung school. Kahit halo yung mga estudyante, nasa Muslim community pa rin...

"Alam mo naman si Robin kailangang ayos lahat.”

Sa pagpapatuloy ni Mariel, nasabi nito ang rason kung bakit isinara ang paaralan.

“In fairness, masakit kay Robin yun kasi, ilang taon rin niyang sinubaybayan at inalagaan yung school na yun. Ang dami rin niyang pinagdaanan doon. Ako rin naman yung nagsabi na panahon na.

“Hindi naging madali kay Robin yung desisyon pero kasi kailangan na, e.

"Kasi may isang parent na ipina-baraggay yung teacher. Naloka ako dun! Tinutulungan mo na nga, ipapa-barangay pa!

"Sabi ko nga, ’Huh? Pina-baranggay ka? Ipakausap kay ano ’yan. Sabi nga, kinausap na raw, ipina-baranggay, nakakaloka!"

Tuluy-tuloy pa rin naman ang pagtulong ng action star dahil active pa rin ang foundation nito na Liwanag ng Kapayapaan Network.

Ayon pa rin kay Mariel, may project ang asawa niya sa Cotabato.

Natutuwa si Mariel dahil magkakaroon na ng sangay ang foundation ng asawa, at nakinikinita ng host-actress ang paglawak nito globally.

“Kaya sa tuwing magta-travel kami, gumu-global na siya, yung foundation.”

STEPDAUGHTERS. Napunta ang usapan sa mga anak ni Robin.

Kung bumalik si Kylie sa poder ni Robin, ibinalita naman niMariel na bumalik na sa Australia ang panganay ng asawa niya na si Queenie.

“E, kasi parang sobra siyang into her faith... dun siya talaga nagpu-focus sa faith niya. Oo, promise!

"Pag kausap mo siya, yun ang sinasabi niya.”

Tuluyan na nga raw kinalimutan ni Queenie ang na-umpisahang showbiz career. Pero yung hilig nito sa pagkanta ay hindi pa.

“Bago siya umalis, naririnig ko pa siya nagsu-super concert siya sa baba, sa kuwarto niya sa baba. Sabi ko, ’A, sumisinging pa rin si bagets.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yung faith niya, talagang dun siya naka-focus.”

Samantala, ang maka-bonding raw si Robin ang isa sa mga rason ni Kylie kung bakit bumalik ito sa poder ng ama.

Ayon kay Mariel, “Kasi marami raw siyang na-realize na siyempre Robin is not getting any younger naman.

"Gusto niyang to make the most of the time na puwede pa silang mag-bonding. And true enough, alam mo bang, no’ng isang araw na may press release ’ata si Kylie? Alam mo, si Robin, ang cute-cute. Pinorward sa akin word for word yung mga sinabi ni Kylie.

“Sobra siyang proud sa mga sagot ni Kylie, [sabi niya], ’Eto yung in-instill kong values sa anak ko, eto na siya ngayon.’

"Tinutukso ko nga siya, ’Uy, favorite... sinasabi niyang wala naman siyang favorite."

Hindi masagot ni Mariel ang tanong na puwede bang paligawan si Kylie o payag na ba ang ama nitong si Robin na ligawan ang kanyang dalaga?

“Ay, hindi ko alam yung mga bagay na ’yan. Naging open ba talaga? Puwede ba talaga?” natatawang tanong sa amin ni Mariel.

Naniniwala ang maraming press na ang paghihigpit umano ni Robin kay Kylie, gaya nang pagbabawal na maligawan ito, ay isa sa mga rason kung bakit umalis sa poder niya ng anak.

“Wala akong alam sa mga ganyan, pero may mga nabasa rin akong ganyan.”

Muntik nang makalimutan ni Mariel na minsan ay nakilala na niya nang harap-harapan si Aljur Abrenica na nabalitang naging kasintahan ni Kylie.

“No’ng 18th birthday ni Kylie, ipinakilala kay Robin. Pero mga five seconds lang. Nung time na yun, wala kaming alam na may mga ano na pala. Pero kinilig ako para kay bagets, nagalit sa akin si Robin,” ang natatawang rebelasyon ni Mariel.

“Ikaw talaga, attorney ka! Ginagano’n niya ako. Siyempre, babae ako, natutuwa ako para kay bagets. Maganda siya, mahaba ang hair niya, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-o-open up ba si Kylie sa iyo?

“Dati, pero ayoko nang masyadong ano, kasi nagiging trouble ako. Ako ang napapagalitan, e. Ayoko na talaga. Ayoko na talaga. Ako na mismo ang di na ako nag-a-ano.

“Kung mag-open up, okey lang sa akin, walang problema. Lagi naman dito, I’m always here forever as a friend. Pero yung para ipaglaban ko siya at ipa-realize kay Robin na ganito kasi’ yan, ganito kasi, ayoko na. Mahirap yun, e. "

Sa pagtatapos ni Mariel, sinabi nitong "baby" pa rin ang turing ng asawa sa mga anak nito kay Liezl Sicangco.

“Baby pa kasi niya [Kylie] yun. Para sa kanya, ganito pa rin ang tingin niya, mga baby niya, forever yun. Feeling ko kahit magpakasal pa ’yang mga ’yan, baby pa rin niya ’yang mga ’yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN