OPM chairman Ogie Alcasid on Charice vs Mo Twister issue: “Well, if she approaches us and asks for our help, we’ll help her."

Ogie Alcasid (in photo, as Boy Pick-up) is willing to help both Charice and Mo Twister because the singer-composer-actor is all for peace: “If Charice needs our help we’ll help her, but suma-tutal, kung puwede silang magkabati, gagawin naman namin yun.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie Alcasid sa shooting ng GMA Films at Regal Entertainment Inc. movie na Boy Pick-Up (The Movie) sa MetroTiles sa Tomas Morato kahapon, May 10.

RUFA MAE QUINTO. Ang unang itinanong ng PEP kay Ogie ay kung napag-uusapan ba nila ng kasamahan niyang si Rufa Mae Quinto ang tungkol sa napapabalitang paglipat ng sexy comedienne sa TV5.

“Hindi pa. Actually hindi ko siya nakausap tungkol sa bagay na ’yan.

“Nakaka-text ko lang. Hindi ko siya tinanong.

"Sinabi ko lang na… nag-text kasi siya sa akin, e, out of the blue. Sabi ko, ‘O, kumusta ka?’

“Ang sinabi ko lang, ‘Kung anuman ’yang desisyon mo, ipagdasal mo. Kasi mahirap yung nagdedesisyon ka base sa pang-tao mong diskarte!’” natatawang kuwento ni Ogie.

Patuloy niya, “’Kasi ang diskarte lagi natin, mali, bilang tao. So humingi ka ng guidance, kung ano ang best way and He’ll let you know naman kung saan ka.’

“So, sabi lang niya, ‘Gow!’ Siguro nakinig na siya.”

Matagal silang magkasama ni Rufa Mae sa Bubble Gang pero wala silang napag-usapang kahit ano tungkol sa paglipat?

“Hinihintay ko siya mauna , e. Kasi… ginaganun ko lang siya niloloko ko, ‘O, ano na Rufa Mae, what’s up?’

“Gumaganun lang ako sa kanya, pero tumatawa lang siya.

“So siguro naghahanap siya ng pagkakataon na magkausap talaga kami.”

Nasa Bubble Gang pa sa ngayon si Rufa Mae; sa tingin ba ni Ogie ay aalis ang komedyana sa kanilang show?

“No. Ang alam ko, she has a contract with Bubble Gang. You may correct me, I’m not sure.”

So, sa show lang may kontrata si Rufa Mae at hindi sa network?

“So, kung ganoon nga, I don’t think there’s any legal impediment for her to work for Channel 5.

“Wala namang problema doon.

“So far, I mean, kung hanggang saan yung contract niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TV5 OFFER? Si Ogie ay may existing na kontrata sa GMA-7 na isang taon at kalahati.

And for sure, si Ogie ay na-offer-an na rin ng kabilang istasyon.

“Sino ba yung kabila?” sabay-tawa ni Ogie.

TV5 or ABS-CBN…

“Lagi namang may ganoong talks, but… and it’s all very friendly.

“It’s all very professional. Hindi siya yung talks na… it’s more, ‘We need your expertise here,’ ganyan. ‘What are the possibilities?’

“Maganda, kaya lang… kaya lang sa GMA ko pa rin, as of now, nakikita yung oportunidad ko.

"Like ngayon, halos… parang ngayon ko lang nararamdaman yung umaandar talaga yung career ko, e.

“To be honest, kasi ang tagal kong nasa TV. ‘Tagal ko rin sa pelikula, ngayon lang ako naging bida—dito nga sa Boy Pick-Up The Movie, di ba?

“Yung mga taon ko sa TV, ngayon magkakaroon ako ng Daddy Dearest na ako yun [bida].

“Ngayon lang ako nagkaroon ng ganun.

“Kaya lang kasi, hindi ako yung artista na impatient, e.

“I try to learn every step of the way and every time I’m given an opportunity, I grab it and I learn it.

“And I knew that there’s gonna be a time na ibabahagi sa akin ng Panginoon, na ito na yung time mo.

“Kasi natuto ka na, e. Okay ka na. And then ready na yung market mo.

"Kasi mahalaga din na yung market, [para] kakagatin ka, di ba?”

Kilala ang TV5 na mataas mag-offer ng talent fee. Hindi ba siya nati-tempt?

“MVP [Manny V. Pangilinan, TV5 chairman] is my godfather. Ninong ko yun sa pareho kong kasal!” sabay tawa muli ni Ogie pagtukoy sa unang pagpapakasal sa kanyang ex-wife na Michelle Van Eimeren at sa kasalukuyang asawang si Regine Velasquez.

Kilala raw niya nang personal ang TV5 big boss.

“I know him personally. I’m very close to him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We’re in constant contact, so alam naman niya where my heart is.

“He knows na I signed again with GMA and you know…”

So, hindi na siya in-offer-an?

“Well, alam niyang hindi pa puwede dahil nasa GMA pa ako and masaya ako dito, e," sagot ni Ogie.

So, hindi siya masisilaw sa malaking offer na talent fee?

“Bakit, maganda namang magbayad ang GMA, e," tugon niya.

OPM CHAIRMAN. Si Ogie ang Presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit o OPM, kaya naitanong namin sa kanya kung miyembro ba nila si Charice.

“Technically, she is.”

Ano ang stand niya sa isyu nina Charice at DJ Mo at dalawang female DJs na kasamahan nito sa show na sina DJ Suzy at DJ Mia?

Nagkaroon ng isyu tungkol sa Twitter hash tag nina Mo sa show na #CharicePempengcoSexTape na naka-offend nang husto sa Pinay singing sensation.

Balak pa ngang gumawa ng legal action si Charice tungkol dito.

(CLICK HERE to read releated story.)

Ayon kay Ogie, “Well, if she approaches us and asks for our help, we’ll help her.

“But I know she can do it on her own.

“Kasi actually, sa OPM, we offer legal help. But it’s mostly dun sa mga hindi kayang mag-hire ng lawyer.

“So ‘pag mero’n silang problema, legal problems na hindi nila kayang matugunan dahil wala silang pambayad… but I’m sure Charice is more than able to….”

Pero ang moral support ay handang ibigay ng OPM kay Charice if ever?

“Of course! Oh yeah, yeah,” mabilis na sagot ni Ogie.

“Hindi ko alam ang puno’t dulo ng problemang ‘yan. But obviously, Charice is ballistic about it and very angry so I understand, so…

“Pero alam mo ako, lagi ako sa peace, e. Sana hindi na umabot sa hablahan.

“Kasi sakit lang ng ulo ’yan, e. But well, sana lumambot din yung puso ni Charice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOT SHOWBIZ ISSUES. Maraming kaguluhan ngayon sa showbiz ’tulad ng pambubugbog kay Albie Casiño, ang awayan nina Claudine Barretto at Raymart Santiago kay Mon Tulfo at mga kapatid nito, at ito ngang latest na isyu nina Charice at DJ Mo at dalawang female DJs.

Ano ang reaksiyon dito ni Ogie?

“It’s sad, it’s really sad that we are in the front page.

“Ako, lagi kong sinasabi, ‘Let’s just let peace reign.’ Kasi peace will fix everything.

“I know egos have been hurt. There has been critical damage on both parties, pero sabi nga ano, e, ‘Let peace reign,’ di ba?

“Kasi… let bygones be bygones. Mga bansa nga nagkakagiyerahan, e.

“Madaming namamatay, pero kapayapaan pa rin ang hangad kasi wala namang maidudulot yung gulo, e. Sakit lang ng ulo.

"Mahirap sabihin kasi hindi naman ako aggrieved party.

“But then, ang laking tulong ng peace of mind, di ba?”

Wala nga yatang nakakaaway si Ogie?

“Si Mo nakaaway ko, pero peace na kami," pag-alala ni Ogie.

Ang nasabing “away” ay nang sumama ang loob ni Mo sa pag-i-spoof ni Ogie sa controversial video ni Mo sa Mr. & Mrs. A concert nilang mag-asawa noong Pebrero.

May mensahe ba siya para kay Mo?

“If he needs me to help him, I will.”

Hindi ba para siya kay Charice?

“No, I’m for peace, that’s what I’m saying. I’m for peace.

“If Charice needs our help, we’ll help her, but suma-tutal, kung puwede silang magkabati, gagawin naman namin yun," sabi ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN