Nikki Gil on long-distance relationship with boyfriend Billy Crawford: “Hindi namin masu-survive yung relationship namin nang ganito katagal kung wala kaming trust sa isa’t isa.”

Nikki Gil believes that for a relationship to last, there should be mutual trust. She shares that they need to be separated once in a while to experience missing each other. “Iba na ang level ng trust namin sa isa’t isa... iba na."


Kumpirmadong nakaalis na ng bansa last April 30 ang singer/TV host na si Billy Crawford patungong Paris para i-pursue ang naiwanan niyang singing career doon.

Mga magagandang proyekto ang naibinigay sa kanya ng ABS-CBN at naging maayos din naman ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Nikki Gil.

Last Sunday in ASAP Rocks, naka-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nikki at ibinalita niyang hindi niya naihatid ang boyfriend sa pag-alis nito.

“One week na bale nang umalis siya. Hindi ko na siya nahatid sa airport, unfortunately nagte-taping ako.

“Siyempre hindi mo naman puwedeng ipaalam yun–personal yung lakad.

“Nagpunta na lang siya sa taping ko to say goodbye, medyo may kadramahan na naganap.

“Sabi ko nga, ‘Ngayong araw na ito, parang mas marami pa akong iniyak off-cam kaysa on-cam,’ pero okay lang… ganun talaga.

“Nagakahiwalay din naman kami before nang medyo matagal during the Sarah Geronimo’s US tour but we saw each other halfway.

“Kasi ang Mommy ko saka ako, nagpunta kami ng States so nagkita kami ni Billy.

“Ito, hindi talaga kami magkikita at all, sa July na.”

OPEN LINES. Ayon naman kay Nikki, constant ang communication nila ni Billy at halos araw-araw silang magkausap.

“Nag-i-skype naman kami everyday, nagkakatawagan naman kami araw-araw, okay naman siya.

“Busy siya sa meeting, marami siyang kung sino-sinong kausap, nagpapa-sexy, nagte-training, marami siyang hanap, recording.

“’It’s looking good–perfect timing,’ sabi niya.”

Aminadong emosyonal, malungkot at name-miss nila ang isa’t isa lalo’t nasanay na sila na laging magkasama.

Pero alam nilang makabubuti sa kanila ang naging desisyon ng boyfriend.

“Oo, pero kasi pareho naman kami siguro, na what alleviates the pain is the fact na, makakabuti ito para sa kanya, makakabuti rin ito para sa akin.

“Siyempre kailangan din ng relationship namin ng…

“Para ma-miss naman namin ang isa’t isa dahil halos araw-araw naman kaming nagkikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually hindi rin naman araw-araw because yung pinanggalingan namin–nag-movie, [nag] Showtime, then nagte-taping ako…

“So bihira din kaming magkita prior to his leaving.

“But oo, siyempre adjustment pa rin.

“Pero kasi siguro mabuti na rin yung nangyari at this point of our relationship, kasi matagal na rin kami-kami.”

LONG-DISTANCE AFFAIR. Siniguro ni Nikki ang tiwala nila sa isa’t isa kahit masasabing long distance relationship ang mangyayari sa kanila sa loob ng dalawang buwan.

“Iba na ang level ng trust namin sa isa’t isa... iba na.

“Hindi namin masu-survive yung relationship namin nang ganito katagal kung wala kaming trust sa isa’t-isa.”

Sinabi dati ni Billy na hindi niya sigurado kung dalawang buwan lang o puwedeng ma-extend ang stay niya sa Paris dahil depende ito sa tatakbuhin ng mga pangyayari.

Ayon kay Nikki, ang tanging assurance ng pagbabalik ni Billy ay ang pinirmahan niyang kontrata sa ABS.

“There is, but ang pinanghahawakan ko ay ang kontrata na kapipirma lang niya.

“Hindi rin naman puwede siyang magtagal dun because he has commitments here.

“Hindi rin naman siya puwedeng mag-extend nang bongggang-bongga sa France so he will be back definitely.”

CURRENT PROJECT. Bida/kontrabida ang role sa Mundo Man ay Magunaw kung saan kinakikitaan ng husay sa pagganap si Nikki.

Masaya ang actress sa magandang feedback at mainit na pagtangkilik ng publiko sa Mundo.

“Siyempre masaya ka basta makaramdam ka ng anumang klase ng suporta, lalo na alam mong pinaghirapan mo at ng grupo ninyo.

“Ako, I’m overwhelmed with gratitrude, nagpapasalamat ako sa mga pamilya natin na talagang sinusundan nila yung kuwento.

“Siyempre mas na-e-encourage lang kaming cast na mas lalo pa naming pagbutihin.

“Marami pa silang dapat abangan. Kumbaga nasa tip of the iceberg pa lang tayo.

“Marami pang magaganap na akala mo wala na kasi siksik na yung kuwento.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN