Judy Ann Santos comments on issues about Sharon Cuneta, Claudine Barretto, and Daiana Menezes

Umaasa si Judy Ann Santos na sa huli ay mauwi rin sa pagkakaayos ang gulong kinasasangkutan ng kaibigang si Claudine Barretto sa ngayon. Hiling niya para sa kaibigan, "Sana maayos ng wala nang masaktan. Sana pagdating ng panahon, maayos ng magandang usapan."


Kasalukuyang nagbabakasyon sa Singapore ang aktres na si Judy Ann Santos at ang kanyang buong pamilya.

Ito na bale ang pinaghalong birthday (May 11, mismo ang kanyang ika-34th na kaarawan) at Mother’s Day celebration ni Juday kasama ang asawa na si Ryan Agoncillo, mga anak nilang sina Yohan at Lucho, inang si Mommy Carol, at mga magulang ni Ryan.

Una nang naikuwento ni Juday sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang plano nilang bakasyon sa panayam sa kanya noong Miyerkules, Mayo 9, sa event ng Absolute Distilled Water sa M Café sa Greenbelt, Makati.

Ayon kay Juday, isang bagay na excited siyang gawin sa Singapore ay ang “kumain."

Dagdag niya, "Mahilig talaga akong kumain, e.

“Iyon talaga ako kapag nasa ibang bansa, walang diyeta-diyeta, walang ano.

"Wala akong sinusunod na kung ano man kasi time ko na iyon, di ba?

“Pambihira naman kung…ide-deprive ko pa ba iyong sarili ko sa pagkain, e, binayaran ko na iyong ticket?

“E, di bibili na rin ako ng masasarap na pagkain habang tutal buong buhay ko naman sa Pilipinas naka-diyeta na ’ko.

“So iyon lang, iyon na iyong pinaka-reward naming dalawang mag-asawa sa sarili namin kapag lumalabas kami ng bansa—kumain nang bonggang-bongga at parang walang katapusan.”

ON DAIANA MENEZES. Masayang-masaya kung titingnan si Juday noong araw na iyon at halos walang maibatong intriga sa kanya ang mga reporters—maliban sa isa na may kinalaman sa Brazilian TV personality na si Daiana Menezes.

Naging isyu noon na pinagseselosan daw ni Judy Ann si Daiana dahil sa pagiging malapit nito sa asawang si Ryan Agoncillo.

Co-hosts noon ng programang Eat Bulaga! sina Daiana at Ryan.

Nitong nakaraang Abril ay inanunsiyo ng Brazilian TV personality ang kanyang pag-alis sa naturang programa.

(CLICK HERE to read related article.)

Bagamat hindi niya nilinaw ang tunay na dahilan ng kanyang pagre-resign, may ilang tao naman ang naghinala na baka may kinalaman ang diumano’y pagseselos ni Juday kung bakit siya umalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bulalas naman ng aktres sa tanong ng mga reporters tungkol sa isyu, “Ha? Hindi pa rin natapos iyon? Ang dami nang isyung bago, nando’n pa rin tayo!

“Hindi naman. I think… hindi ko alam kung ano talaga iyong dahilan, pero ’pag nagkikita naman kami ni Daiana sa Eat Bulaga!, nagtatawanan nga kami kasi may mga ganyan pa ring issues.

“Hanggang sa dinaan ko na nga sa biro nung nag-[Talentadong Pinoy] kami na sinabi ko na, ‘Wala kaming issue ng babaeng ito, pero gusto ko siyang sugatan kasi ang kinis-kinis niya.’

“Wala, pambihira naman. Tama na.

"Patayin na natin iyang issue na iyan kasi kawawa naman iyong tao, e, di ba?

“Baka hindi na siya nakakatulog sa gabi kasi kung sinu-sino nagte-text sa kanya ng kung anu-ano.

“Iyong sinasabi sa kanya, parang hindi fair. Hayaan na natin siya. Andito iyong tao para magtrabaho.

“Wala po, walang nagaganap na selosan asa amin.

“We’re friends. Diana and I are friends. We’re not close, but we talk. We’re okay.

“Okay na iyon. Hayaan na natin baka naman isumpa na niya ang Pilipinas niyan, kawawa naman.”

ON SHARON CUNETA. Samantala, hiningan din ng press si Judy Ann ng kanyang komento ukol sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang mga kaibigan sa showbiz.

Una na nga rito ang malapit na kaibigan niyang si Sharon Cuenta.

Kamakailan kasi ay napabalitang nagkaayos na raw si Sharon at tiyahin na si Helen Gamboa matapos ang hindi pagkakaunawaan na may kinalaman sa political affinity ng kani-kanilang mga asawa.

(CLICK HERE to read related story)

Pahayag ni Juday, “Bongga! Parati namang masaya pagka gano’n ang balita, di ba?

“Masarap ’pag may natatapos na isang isyu sa pagitan ng dalawang tao, lalung-lalo na’t kamag-anak mo.

“Happy ako kasi at least nabawasan ang bumabagabag sa puso ni Ate Sharon ngayon and it’s always nice to know na lahat ng kamag-anak mo, e, okay kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi minsan, iyan iyong dahilan kung bakit hindi ka nakakatulog nang maayos sa gabi, kasi alam mong may nakasamaan ka ng loob.

“I’m happy. Sana maging tuluy-tuloy na iyong magandang pagbabalik ng relasyon nila Ate Sharon at Tita Helen.”

ON CLAUDINE BARRETTO. Isa pa ring natanong kay Juday ang tungkol sa kinasasangkutang gulo ng kumare niyang si Claudine Barretto.

Hanggang ngayon ay mainit pa rin napag-uusapan ang Kapuso actress dahil sa nangyaring gulo sa NAIA Terminal 3 noong Linggo, Mayo 6, kung saan nakaengkuwentro ang asawang si Raymart Santiago at brodkaster na si Mon Tulfo.



Ayon sa news report na lumabas sa PEP, nakita ni Mon na nagwawala si Claudine sa counter ng NAIA 3 dahil nawawala ang bagahe nila ni Raymart.

Naiwan ang mga bagahe ng mag-asawa sa Caticlan airport sa Boracay, dahil kinailangan itong i-offload "for safety purposes." Nakita ni Raymart na kinukunan ni Mon ng video sa pamamagitan ng cellphone camera ang pagwawala ni Claudine.

Ito raw ang pinagsimulan ng gulo.

(CLICK HERE to read related article.)

Ano ba ang reaksiyon ni Judy Ann tungkol dito?

“Alam n’yo kapatid, pasensiya. Ang hirap kasing kumumento.

“Actually, pinag-aaralan ko na iyan kagabi kasi alam kong matatanong ako, e!” natatawang paliwanag ng aktres.

“Unang una, ang hirap kumumento sa isang bagay na very, very, very, sensitive.

“Kumbaga, baka sabihin pa in bad taste iyong pagkakasabi ko.

“Pero sana lang maayos, di ba? Sana maayos nang wala nang masaktan."

"Sana pagdating ng panahon, maayos ng magandang usapan.

“Iyon pa lang sa ngayon iyong puwede kong sabihin, kasi masyadong mainit iyong topic, masyadong mainit iyong issue.

“I guess it’s something that will be settled na lang behind the camera, so lets just hope for the best na maayos lahat ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN