What the PEPsters say about Raymart Santiago, Claudine Barretto, et. al versus Mon Tulfo fistfight

Majority of the PEPsters think Claudine Barretto should not have "verbally abused" the ground stewardess, and that Raymart Santiago and company should not have engaged in violence.


Ang isyu na kinasangkutan nina Raymart Santiago, Claudine Barretto, at Mon Tulfo ang tinutukan at pinag-usapan ng publiko nitong nakaraang linggo.

Simula May 6, petsa kung kailan naganap ang away sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), hanggang May 9, labing-walong artikulo ang inilabas ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) tungkol sa isyu.

Sa kabuuan, nagkaroon ng 3,140 comments (maliban sa mga naging inactive at naulit) tungkol sa airport incident.

Isa-isa namin silang binasa para malaman ang pulso ng PEPsters. Narito ang detalye:

Total%
Pro-Mon2588.2
Pro-Raymart and Claudine2808.9
Anti-Mon59719
Anti-Raymart and Claudine1,25239.9
Neutral/ Others75324

Ang mga opinyon ay hinati sa limang kategorya.

Lahat ng "Pro" comments ay nangangahulugang positibo para sa kanilang kinampihan, samantalang lahat ng "Anti" ay mga negatibong reaksiyon.

Ang "Neutral/ Others" ay para sa mga komentong walang kinampihan, tungkol sa airport at Cebu Pacific, kasama ang mga off-topic na binanggit pati ang mga pangalang Nora Aunor at Marian Rivera.

Ang sinuring comments ay nagmula sa mga sumusunod na artikulo:

1) Raymart Santiago and Mon Tulfo engage in fistfight over flare-up video of Claudine Barretto at the airport

2) Video of Fistfight involving Mon Tulfo, Raymart Santiago and Claudine Barretto goes viral

3) Erwin Tulfo denies challenging Raymart Santiago to a fistfight, but ready to face actor over coffee

4) NPC President calls to boycott couple Raymart Santiago and Claudine Barretto over airport incident

5) Mon Tulfo on allegations of Claudine Barretto: “Walang Katotohanan.”

6) Part 1. Raymart Santiago claims Mon Tulfo hit him and wife Claudine Barretto first

7) Part 2. Mon Tulfo vehemently denies hitting Claudine Barretto; admits his ego was hurt by the incident

8) Tulfo brothers Ben, Raffy and Erwin air their disgust over the beating of brother Mon by Raymart, Claudine and the latter’s friends

9) Raymart Santiago and Claudine Barretto to file criminal charges against Mon Tulfo

10) Erwin Tulfo apologizes for threatening remarks against Raymart Santiago; Mon Tulfo says his brothers are at fault

11) TV5 taking "necessary actions" to deal with Tulfo brothers’ "lapse in judgment"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

12) PEP SPECIAL REPORT (Part 1): Who started the fistfight: Mon Tulfo or Raymart Santiago?

13) PEP SPECIAL REPORT (Part 2): Airport’s ongoing investigation targets “closure” within the week

14) Raymart Santiago and Claudine Barretto to file physical injury and child abuse complaints against Mon Tulfo, and grave threats vs Tulfo brothers

15) Mon Tulfo: “Nagpapasalamat ako sa sanlibutan na hindi ko pa na-retrieve yung armas. Kasi kung hindi, maraming masasaktan. Maraming mabubuwis na buhay."

16) TV 5 suspends Tulfo brothers, Ben, Raffy and Erwin from their T3 show

17) MTRCB finds probable cause to file charges against public-service program of Tulfo brothers

18) Raymart Santiago and Claudine Barretto formally charge Mon Tulfo with physical injury and child abuse complaints

Lumalabas na karamihan sa mga PEPsters ay hindi pumanig sa showbiz couple.

May ilang fans ang aktres na nagsabing ang paglabas ng "partial" video ang dahilan kung bakit mas maraming kumampi kay Tulfo, na kitang-kitang inulan ng suntok at tadyak.

Samantala, nabawasan naman ang bilang ng pumanig sa kolumnista noong nagsalita ang kanyang mga kapatid na sina Ben, Raffy, at Erwin.

Napansin namin ang pagbaba ng bilang ng Pro-Tulfo dahil may mga na-turn off sa pagbabantang ginawa ng Tulfo brothers.

Sa Anti-Raymart and Claudine comments, malaki ang bilang ng mga taong hindi nagustuhan ang paninigaw ng huli sa ground stewardess ng Cebu Pacific.

Ang mga Anti-Mon naman, ilang beses na pinuna ang pagbanggit niya sa salitang "ego."

Tungkol sa away, marami ang naki-simpatiya sa TV personality dahil sa edad nitong 65.

Sa mga naging neutral, karamihan ng komento ay nagpahayag na ayusin na lang sa likod ng kamera ang nangyari.

Samantala, pumili kami ng ilang komento na sinasalamin ang saloobin ng karamihan.

Mula sa ikalawang artikulo, heto ang "neutral" post ni zabeth58 noong May 7, 11:33 a.m.:

"with the advance technology that we had, anyone can take pictures provided it is done in public places without prohibition. persons are entitled to privacy in their own private house or room and taking pictures in this place without permission is definitely an unlawful act. i believe whether ordinary persons or big celebrities, they should act properly in public places so as not to be caught doing like the fistfight through videos or cameras. settling things or problems verbally is far much better than hurting physically or resorting to fistfight. i felt disappointed seeing said video of these celebrities involved.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi naman ni lolamo68, na nag-post noong May 7, 9:07 p.m., lahat ng mga sangkot ay may mga pagkukulang:

I can understand Claudine’s frustration. Talaga naman itong mga airlines sobrang incompetent. Hindi pala nila naikarga yung mga ibang luggage bakit hindi nila sinabi agad at pinaghintay pa nila ang mga pasahero ng nakatunganga sa carousel. It happened to me dapat yung mga ground crew trained magsalita and diplomatic. Lesson na rin ito kay Claudine to control her temper at hayaan na si Raymart ang makipag usap. At lesson na rin ito kay Mon Tulfo na huwag masyadong mayabang at matapang na akala mo dahil nagtratrabaho siya sa press fair game ng lahat. Dapat pare pareho na lang silang magpahinog ng mga bukol.”

Samantala, may ilang readers na Anti-Mon dahil supporters sila ni Claudine. May ilan din hindi naki-simpatiya sa kolumnista dahil sa kanyang "ego."

Heto ang reaksiyon ni Gertrude noong May 9, 9:09 p.m.:

"utang na loob pa sa kanya ng sanlibutan na wala siyang armas nung oras na yon? mon tulfo has the tendency to be abusive at walang kamalay malay ang tv5 na nagagamit sila. sayang ang official statement tungkol sa t3, mageair rin pala ng biased episode ang journo."

Si Bernard2010, na nag-post noong May 8, 2:02 a.m., ay Pro-Raymart and Claudine:

Pag tinulak ka ba ng isang tao habang sinisita mo eh HINDI KA AALMA?Tatayo lang ba kayo?Kayo po ang lumagay sa sitwasyon ni RAYMART at CLAUDINE. Kung ikaw ba ang mawalan ng bagahe eh hindi ka magwawala??Magkikibit balikat na lang po ba tayo???At pag nakita po ba natin na tinulak ang kaibigan natin eh hindi po ba natin sya tutulungan to think na alam naman natin na ang laki ni Mon Tulfo kumpara kay Raymart?Nakita naman po natin ang video na kung mag-isa lang sya eh kayang kaya syang ipagbalibagan ni Mon Tulfo. At kung tayo po ay nasa katayuan ni Claudine eh hahayaan na lang ba natin na makita ang asawa natin na tinutulak na lang?We have seen half of the video at nagsimula nung itulak ni Mon Tulfo si Raymart kaya nagsuguran ang mga kaibigan nya at si Claudine. At bakit naman po nag-video pa si Mon Tulfo?Di ba po kung Peacemaker sya dapat imbes na mag-video sya dapat pumagitna na lang sya at inayos nya ang problema instead na makigulo pa sya. Sana po intindihin natin ang feelings ng mag-asawa.Tao lang po sila...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga Pro-Mon ay naawa sa sinapit ng kolumnista, at nagsabing ginagawa lamang nito ang kanyang trabaho.

Mula kay chaka06 ang komentong ito na nai-post noong May 7, 8:26 p.m.:

ang trabaho ni Mon Tulfo ay kumuha ng scoop dahil sya ay nasa media. Ang trabaho ni Claudine/Raymart ay i-maintain ang good image nila sa public, bagay na hinde dapat nagmumura si Claudine ng personnel/staff, she should watch her language and actions bec she is a celebrity. Kay Mon Tulfo, ang scoop ay scoop, at trabaho nya ang mag abang nun. Claudine/Raymart shoud’ve been more careful. Had there not been anything wrong w/ that video Mon was taking Raymart/Claudine wouldn’t have been that insistent in taking the cellphone fr Mon, baka guilty talaga dahil there is really something serious in that ranting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN