Andi Eigenmann on being a mom: "I kept Ellie because I wanted to. I was 100 percent sure that I would, and could, take care of her and raise her properly."

Despite giving birth to Ellie just six months ago, Andi Eigenmann is in top form for her new teleserye, Kahit Puso’y Masugatan. She reveals her weight-loss secret: "Talagang motivated ako to get back into shape quickly para siyempre makabalik ako agad sa work. Determined ako na yung kakainin ko lang talaga yung karapat-dapat, kakain pero di masyadong marami. Work out? Di pa ako puwedeng mag-work out kasi Cesarian section ako.”


Sa kabila ng mga pangyayari, intriga at isyung kinaharap ni Andi Eigenmann dahil sa insidentang naganap sa Fiamma Bar sa Makati, espesyal ang darating na Mother’s Day para sa aktres dahil ito ang kauna-unahang taon niya bilang isang ina.

Noong May 6, hindi napigilan ni Andi na sabuyan ng alak sa mukha si Albie Casiño, ang sinasabing ama ng anak niya. Sumunod dito ang pambubugbog na nangyari kay Albie na ang mga kaibigan daw ng aktres ang may kagagawan.

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) and Cinema News were able to interview Andi last Monday during the pictorial for her new teleserye for ABS-CBN titled, Kahit Puso’y Masugatan.

Tinanong namin siya kung ano ang mga plano niya para sa Mother’s Day (May 13).

"Just like always I will spend it with my Mom, and of course, [this time], with Ellie [palayaw ng anak niya]. I haven’t really [bonded with my Mom for a] long time.

"Iba na ang ginagawa namin sa buhay namin, kaya in a way I’m looking forward to spending Mother’s Day with her and with Ellie."

Masayang nagkuwento si Andi tungkol sa anak at ibinahagi niya ang advice sa kanya ng ina na si Jaclyn Jose.

“She’s [Ellie] so fat [and] cute like me. She’s a happy baby and I’m very happy about it.

"Kahit na mahirap yung job ko, parang di ko pinepressure ang sarili ko [with] Ellie. My Mom, sinasabi niya palagi, ’Just because you have Ellie, kinakalimutan mo na you’re just 21.

"’You also deserve to live like a 21-year-old, gumigimik, pero siyempre there are limits.’

"It’s a personal choice... as long as Ellie is awake I want to be around her," aniya.

ANDI AS MOM. Tinanong namin si Andi kung paano niya ilalarawan ang sarili bilang isang ina at kung mayroon na siyang plano para sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m a cool mom. Actually natatawa nga sa akin yung mga kaibigan ko kasi kahit matagal pang mangyayari kay Ellie, pag may tanong sila sa akin, nasasagot ko agad.

"So buong time na I was pregnant, pinag-iisipan ko talaga. I kept Ellie because I wanted to. I was 100 percent sure that I would, and could, take care of her and raise her properly.

“Siguro kasi yun ang upbringing sa akin ng Mom at Daddy ko.

"Hindi naging strict ang parents ko sa akin. Tinuro nila sa akin kung ano ang tama at mali pero tinuruan din nila ako na maging independent and responsible.

"Kailangang matuto akong tumayo sa sarili ko pero di ibig sabihin na wala silang pakialam sa akin. Kailangan [lang na] marunong akong mag-decide, kasi I’m my own person.

"Eigenmann means I’m my own man, lahat ng alam ko, lahat ng gusto kong ituro kay Ellie sa akin nanggaling yun. Pero nakuha ko yun siyempre sa mga magulang ko,” aniya.

STRONG FOR ELLIE. Hinangaan siya ng publiko dahil sa tapang at paninindigan niya na maging single mom.

“Strong...I don’t entirely agree kasi sinasabi ko na nga na di ako ganun but people keep saying I’m strong.

"I’d like to agree, I want Ellie to be like that.When she grows up, I want her to know that whatever happens, she has to love herself first before others.

"She should know how to take care of herself. But that will never be a problem because I’m always gonna be here for her.

“Yung totoo, kaya ako matapang, kaya kaya kong mag-stand up uli pagkatapos kong malaglag, kasi alam ko kung ano ang totoo and I will stick to my principles, my beliefs and values my family taught me."

ON ALBIE. Nilabas na ni Albie ang panig nila tungkol sa mga pangyayari. Sa kabila nito, naniniwala si Andi na sa huli ay mananaig pa rin ang katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, I mean, depende na lang. Depende sa tao ‘yan. May ibang mga tao talaga na sarili lang nila ang iisipin nila, yung pride nila na kahit na ano ang mangyari, di sila papayag na matapakan.

"Pero ako, hindi ako ganun. I’m just hoping, hindi sa naniniwala ako, but I’m just hoping that these people will eventually come to their senses.

"I know how much these people believe in God... It would be better for them... to just tell the truth and just stop.”

Aminado si Andi na sa pagbigay niya ng interview ay nakahinga na siya nang maluwag at parang natanggalan siya ng mabigat na dalahin sa puso.

“Parang nabunutan ng tinik, sobra. It’s the audience’s prerogative to believe me or not. I’m happy and I feel so light now ’cause I finally [told] the truth.

"I mean, the only reason I keep on crying is because I don’t wanna be a bad person, I don’t wanna hurt somebody else’s feelings.”

Sa kabila ng lahat ng mga di magagandang nangyari sa pagitan nila ni Albie at ng pamilya nito, wala siyang tinanim na galit sa mga ito.

“Because there’s no reason for me to look down on anything [and] on anyone.

"You only live once so better live it the way you’re supposed to. Sayang lang if you go through life na pinoproblema mo ang lahat, na lagi ka na lang negative, na laging mali, mali, ayoko nito, bakit ganito?

“Yung emotions mo, nadadala yun sa mga choices mo. If I can be happy, if I can just stand up from all the times that I’ve fallen, why not? Sayang lang yung oras.

“Sa interview ko sa The Buzz, I took the opportunity to say everything and since nasabi ko, and taped naman yun, parang ayoko nang ulit-ulitin kasi di ko naman gusto na ipagsigawan sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just wanted the chance to be heard... pero nasabi ko na, I guess OK na yun.”

WEIGHT LOSS. Kapansin-pansin ang malaking binawas ng timbang ni Andi. Tinanong namin siya kung paano niya ginawa ito.

“I just always eat healthy. Di ako kumakain ng mga oily food, junk food, fast food, sweets, walang mga ganun.

"Talagang motivated ako to get back into shape quickly para siyempre makabalik ako agad sa work. Determined ako na yung kakainin ko lang talaga yung karapat-dapat, kakain pero di masyadong marami.

“Work out? Di pa ako puwedeng mag-work out kasi Cesarian section ako. Six months bago puwede.”

Balik-telebisyon si Andi sa Kahit Puso’y Masugatan. Kakaiba at daring ang role na gagampanan niya dito.

“Sobra-sobrang excited ako talaga. I’ve waited quite a while and I think everybody knows that, heto lang talaga ang hinihintay ko.

"Siyempre ine-enjoy ko at masaya ako and I have Ellie with me and I can spend time with her. My going back to work is also for her and about her, so I’m excited in all aspects and for all reasons.

“In a way kaabang-abang talaga ang role ko kasi kakaiba siya among the other acting that I’ve done.

"Ibang-iba talaga ito. In a way, mas matured, [mas] daring, yung feeling ko dito, lalabas talaga ang pagiging ano ko, woman.

"Like 21 na ako dito, 21 na talaga, di na pabata-bata ganyan.

“Isa akong ampon ni Kuya Gabby [Concepcion] so yung personaliy ko bibo na aggressive, daring, strong-willed na batang babae.

"Pulubi, ulila na parang tinuring kong kapatid si Ate Iza. Tapos nagkahiwalay kami. Napunta ako sa well-off na pamilya. Duon lalabas yung pagka-selfish ko dahil sa past ko..."

WORKING WITH "FAMILY." Ang higit na nakadagdag ng excitement kay Andi for this project ay ang mga taong makakasama niya na hindi na raw iba sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre masaya, alam ko pagdating sa set, pag nag-taping, magiging madali at magaan ang mga makakasama ko kasi si Direk Loren [Dyogi], he’s there na when I was little, Direk Wenn [Deramas], baby pa lang ako, kilala na niya ako at inaalagaan niya ako.

"Si Jake is a really, really good friend. Ate Iza, she has known me since I was a kid. Tito Gabby is a good friend of my dad so feeling ko, sobrang gaan yung mga kasama ko dito.

"Parang feeling ko tunay na kaibigan, kapamilya so support-support kaming lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN