Erwin Tulfo on MTRCB’s position to suspend T3: "Hindi ko naman ’yon [itinatanggi], dahil nagkamali naman."

Erwin Tulfo (right) clarifies outburst on TV: "So, sila naman ni Mon [Tulfo in left photo at Raymart Santiago] ang may problema. Sa amin naman [nina Raffy at Ben Tulfo], inilabas lang namin ang aming sama ng loob."


Tanggap na rin daw ng tatlo sa Tulfo brothers (Ben, Raffy at Erwin) ang kinahinatnan ng pagre-react nila sa programang T3: Kapatid, Sagot Kita, ng TV5, bilang pag-simpatiya sa kanilang Kuya Mon Tulfo na nagulpi sa NAIA Terminal 3, noong May 6, bunga ng naging away nito at ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Okey lang yung suspensiyon, tinatanggap namin," unang sambit ni Erwin Tulfo.
"Hindi ko naman ’yon [itinatanggi], dahil nagkamali naman."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erwin nang dumalo siya sa Celebrity-Tri-Media-LGU Practical Shooting Challenge/Target Shooting Competition, sa Camp Tomas Karingal, sa Sikatuna Village, Quezon City.
Sa panayam, mahinahon ang kanyang pagsasalita, bilang paghahayag ng saloobin sa mga nangyari.
"Dala siguro ng bugso ng damdamin, pero hindi pa rin [nga] excuse yon dahil yung responsibilidad natin, bilang mamamahayag [ang dapat isaalang-alang]."
BRIEF BACKGROUND. Bilang backgrounder, naging mainit nga ang usapin hinggil sa isyu, na nagsimula sa pagkuha ng broadcaster na si Mon Tulfo gamit ang kanyang cellphone, ng aniya’y larawan [hindi video] ni Claudine, sa aktong kinagagalitan nito ang isang ground stewardess ng Cebu Pacific Airlines, over missing luggages.
Ang reaksiyon ng T3 hosts, na may "himig-pagbabanta" kay Raymart, ay naging dahilan ng pagkasuspindi nila sa TV5 News/Public Affairs Dept. office; at suspension ng T3: Kapatid, Sagot Kita, for three weeks (20 days) alinsunod sa patakaran ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).
May hakbang ang TV5 ukol sa pagpapaikli ng suspensiyon sa programa (T3) pero nanindigan ang MTRCB sa parusang iginawad nito.
Patuloy ni Erwin Tulfo: "Tao lang naman kami, e. Sana maintindihan ng mga nanood... ng mga nakinig sa amin.
"Siguro naman, magiging hipokrito naman kami kung sasabihin naming patatawarin namin [si Raymart]; o okey lang ’yon, at tahimik [na]...
"Ang sa amin lamang, nasabi na namin [ang dapat sabihin], na medyo mali.
APOLOGIES. May pagsisisi ba si Erwin Tulfo o mga kapatid niya sanhi ng naging reaksiyon nila, bilang mga kapatid ni Mon Tulfo?
"’Yung pagsisisi namin, do’n sa binitiwan naming salita.
"E, marami [kasing] natakot o kinabahan.
"So, hindi namin intensiyon na takutin, kahit ang mga kamag-anakan, o mga kaibigan nila [Raymart at Claudine], e.
"Wala sa intensiyon namin. Dahil may mga nagsabi, ’Papa’no yung mga kamag-anaklan? Hindi naman sila kasama sa gulo...’
"So, humihingi kami ng paumanhin doon," sabi pa ni T3 co-host, Erwin Tulfo.
"Pero, nasabi na ang nasabi, kaya... ayun na nga, dala ng sama ng loob... pero [na-realize din namin], hindi nga excuse ’yon.
"Bilang nasa media, lalo sa broadcast, dapat daw [talaga], kontrolado."
BACK TO WORK. Nilinaw pa ni Erwin Tulfo ang klase ng suspensiyon na ipinataw sa kanilang tatlong magkakapatid.
"Ang T3, sinuspend ng 20 days. Pero kami [nina Raffy at Ben], babalik na uli [sa TV5 News/Public Affairs Office], sa Lunes [May 13].
"May suspensiyon kaming 3 araw sa upisina. [On my part], yung sa radio ko, sa news, tsaka yung sa Tutok Tulfo... except du’n sa T3."
Ngayong Lunes, May 14, ang balik ng tatlo sa TV5 office, ayon sa 3-day suspension.
Nang araw na bumaba ang desisyon ng MTRCB, hinggil sa inapela ng TV5 na "iklian" ang araw ng suspensiyon, sa pamamagitan ng TRO (Temporary Restraining Order), ay doon nakausap ng PEP si Erwin Tulfo.
"Ipinaglalaban ng upisina namin, sa MTRCB... napakahaba naman daw ng suspensiyon, sa T3..."
Pero wala silang magagawa, o nagawa, kundi tanggapin ang naging final decision ng MTRCB: ang 20-day suspension ng T3: Kapatid, Sagot Kita.
Wala mang programa ngayon (hanggang sa mga unang linggo ng Hunyo), mapapakinggan pa rin si Erwin Tulfo sa pagbabalita niya: sa Aks’yon Radyo (92.3, 8-10 a.m., Lunes hanggang Biyernes); at mapapanood, sa Aks’yon News, ng TV5, tuwing alas-6 ng gabi.
COFFEE WITH RAYMART? Ang unang napaulat, nais makipag-usap ni Erwin Tulfo kay Raymart Santiago, "over a cup of coffee."
Sa panayam ng PEP, tila walang ganitong binalak si Erwin Tulfo.
Sabi lang niya, "Hindi naman sa akin... away nina Mon [at Raymart] ’yon. Nagdagdag-pahayag lang kami ng damdamin naming magkakapatid.
"So I have nothing to do with him [Raymart].
"Sa akin lang kasi, parang hindi patas yung laban."
Inulit ni Erwin Tulfo ang diwa ng sinabi: "So, sila naman ni Mon [at Raymart] ang may problema. Sa amin naman [nina Raffy at Ben Tulfo], inilabas lang namin ang aming sama ng loob."
COOL. Hindi nakilala si Erwin Tulfo na mabagsik, o mabalasik na mamamahayag-panghimpapawid (broadcaster); ’ika nga, lagi siyang "cool" sa pag-handle ng pressure sa trabaho.
"Kaya lang, medyo nagulat din yung nanay ko," nangingiting banggit niya.
Kung siya ang nasa posisyon ng kanyang Kuya Mon, gagawin din ba niya ang bagay na ikinagalit dito ng Santiago couple?
"Trabaho natin [yun], bilang mamamahayag," tiyakang saad ni Erwin.
"Ikaw kaya, bilang media din... di ba? Sabihin natin, may nakita tayo; halimbawa, hindi mo naman siya kaibigan, hindi mo kilala kung sino...
"So, kinunan siya [Claudine] ni Mon [ng litrato, using his cellphone]."
Ayon pa kay Erwin, may nagsabi raw sa Kuya Mon niya, na si Claudine ay isang celebrity, "So, kinunan niya [sa aktong kinagagalitan ni Claudine ang empleyado ng Cebu Pacific Airlines].
BOTH SIDES AIRED AND HEARD. Sa dami ng mga naglabasang ulat at opinyon, kontra-opinyon, at mga komento, hinggil sa issue, ano pa ang masasabi ngayon ni Erwin Tulfo?
"Basta ang masasabi namin, naiparating na namin ang mensahe [namin]; pinagbayaran na namin yung atraso, sinuspinde na kami, sapat na ho sa akin ’yon.
"Ang importante, nakarating yung aming mensahe, tapos humingi sila [Santiago couple] ng kapatawaran [sa physical abuse ng ilang attackers ni Mon Tulfo, sa airport].
"[Sa parte namin], pinagbayaran na namin [ang pagsasalita sa show], tatlong araw kaming suspindido."
COURT CASES. "Nag-pass [filed] yata sila ng grave threat [asunto], at saka humihingi pa siya ng court order na... para sa distansiya, na hindi kami puwedeng lumapit [sa kinaroroonan nina Raymart]..."
Bunga ito ng "pagbabanta" ng Tulfo brothers kay Raymart, na inihayag sa T3, matapos ang pagkabugbog kay Mon Tulfo.
"Pero sasabihin ko lang, hindi kami mamamatay-tao!
"Wala sa lahi namin ang mamamatay-tao!" diin pa ni Erwin Tulfo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN