Randy Santiago on brother Raymart and wife Claudine Barretto’s trouble with Mon Tulfo: “Sana maayos na ito sa lalong madaling panahon.”

Randy Santiago’s reaction if the Tulfo brothers challenge him to a fistfight: “Hindi mangyayari yun! Baka hamunin ko sila ng kantahan!”


Naniniwala ang nakatatandang kapatid ni Raymart Santiago na si Randy na hindi na dapat lumaki at tumagal pa ang gulo sa pagitan kanyang younger brother at sa veteran journalist na si Mon Tulfo.

Noong May 9, Miyerkules ay pormal na ngang naghain ng demanda sina Raymart at asawa nitong si Claudine Barretto laban kay Mon. (CLICK HERE to read related story.)

Kaugnay ito ng kaguluhang nangyari sa pagitan nina Mon at sa grupo ng mag-asawa na naganap sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3 nung May 6, Linggo. (CLICK HERE to read related story.)

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Randy sa kakatapos lang na 44th birthday celebration ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Edsa Shangri-La Hotel noong Sabado, May 12, sinabi niyang naniniwala siyang hindi totohanin ng mga Tulfo brothers na sina Erwin, Ben, at Raffy ang mga banta ng mga ito laban kina Raymart at Claudine.

“Sinabi naman ni Kuya Mon na, ’Huwag kayong mag-alala, hindi naman gagalaw yung mga ano...’ I’m very sure," tukoy ni Randy sa nakatatandang Tulfo.

“Sabi nga ni Kuya Mon, mali nga yung ginawa ng mga brothers niya, e.

“Kumbaga, magkakaibigan rin kami nina Erwin. Channel 2 ’yan, e!” patuloy ng singer-host tungkol naman kay Erwin na dati niyang kasama sa ABS-CBN.

Hindi rin masyadong ipinag-aalala ni Randy ang mga binitawang banta nina Erwin, Ben, at Raffy sa TV5 show ng mga ito na T3, Sagot Kita Kapatid nung May 7, Lunes. (CLICK HERE to read related story.)

“Hindi naman mangyayari yun kaya wala akong dapat ikatakot," aniya pa. "I’m very sure na silakbo lang ng damdamin ng mga Tulfo yun, e.

“Kumbaga, walang malalim na pag-uugutan para mag-aaway-away yung magpapamilya.

“Precisely...ayaw namin ng nakikialam,” banggit pa ni Randy tungkol sa gulong kinasasangkutan ngayon ng bunso nilang kapatid ng dating aktor at ngayo’y TV and concert director na si Rowell Santiago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADDITIONAL SECURITY. Nagdagdag ng security si Raymart at Claudine sa kanilang bahay, dahil sa diumano’y pag-aaligid ng mga sasakyan na pinaghihinalaan nilang posibleng gagawa ng masama sa kanila at sa kanilang pamilya.

“Hindi mo naman maiiwasan ’yan. Mapapraning ka rin. It can happen, e," pahayag ni Randy.

“Ang masakit nga niyan katulad ng sinasabi namin, kakampi or kalaban, puwedeng umatake.

“Huwag naman sanang gano’n ang mangyari.

“Kaya nga as much as possible, mahimasmasan na sana ang lahat," pag-asam ni Randy.

Kung sa kanya raw nangyari ang gulong kinasangkutan ni Raymart, iba raw sana ang mangyayari.

“E, siyempre, kung ako, ha...kaya nga lang siyempre, iba naman yung Raymart.

“Hindi naman sa pagiging action star [niya] kaya ganun, e.

“Hindi naman mayabang si Raymart,” pagtatanggol pa ni Randy sa kapatid.

“Ipinagtanggol lang niya ang asawa niya.

"Pero hindi natin nakita yung nangyari talaga, e.

“So, kung ako, wala akong karapatan para pagsabihan siya na, ‘Tama na!’”

NOT FAMILIAR. Naiintindihan din daw ni Randy kung hindi man pamilyar sa isa’t isa sina Mon at Raymart.

Hindi kasi sila kagaya nila ni Erwin na magkakilala dahil parehong nakapagtrabaho sa ABS-CBN,

“Ibang generation na yun, e. Kumbaga si Raymart, GMA-7. Kami nina Erwin, nasa Dos kami dati. Pero nagkikita kami sa pasilyo.

"Sina Raymart, dito na lang [sa NAIA incident] nagkakilala.”

DISCUSS WITH BROTHER. Maliban sa naisumite nang demanda ay wala nang alam pang developments si Randy sa estado ng gulo ng kapatid at sa mga Tulfo.

Nakikibalita rin daw siya sa mga lumalabas sa diyaryo at news programs.

Nagkakausap ba sila ni Raymart?

“Ay, oo. Nag-uusap kami. Right after na nangyari yung insidente sa kanila ni Kuya Mon.

“Kasi tinawagan ako ng DZMM, e. Tinawagan ako ng alas-tres or alas-dos nang hapon.

“Nangyari yung gulo ng alas-dose nang tanghali. Tinawagan naman ako nang DZMM nung alas-dos or alas-tres nang hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinawagan ako ng DZMM para makuha raw yung side ni Raymart.

"Sabi ko, ‘Bakit?’

“’Alam n’yo na ba yung nangyari?’ Sabi ko, ‘Hindi pa?” natatawang kuwento ni Randy dahil clueless siya sa gulong napasukan ng kapatid nung mga oras na iyon.

Ano ba ang mga sinabi ni Raymart tungkol sa gulo nito kay Mon?

“Wala naman. Kung ano yung sinasabi niya interview, yun din yun. Tinamaan siya.

“Naitulak niya [ni Mon si Raymart]. Open fist ang tawag nung ginanun siya.

“So, siyempre nag-react siya [Raymart]. Naghintay siya ng mga five seconds. Parang… ‘Bakit mo ako ginanito?’

“Nung mapag-isip-isip niya… ’tapos yun nga, nasipa si Claudine,” kuwento pa raw ni Raymart sa kanya sa bersyon nito kung paano nagsimula ang gulo.

SANTIAGO VS. TULFO MEME. Naaliw naman si Randy sa mga gumagawa ng mga kakatwang larawan at video sketches sa Internet nina Raymart, Claudine, at Mon, at nakasama na rin siya.

Sumailalim na nga sa "Internet meme" o pagkalat sa pamamagitan ng paglabas ng iba’t ibang bersyon para sa katuwaan ng mga makakakita sa Internet, ang insidente nina Raymart, Claudine, at Mon.

“Pati na nga yung mga Hitler, nakakatawa, e. Ang gagaling nating mga Pilipino," tukoy ni Randy sa paglabas naman sa YouTube ng 2004 German movie na Downfall, na nilagyan ng Tagalog sub-titles para magmukhang nag-aalburoto ang aktor na gumaganap na Adolf Hitler sa nangyaring gulo sa NAIA.

Hitler Reacts to Tulfo-Santiago Brawl

“Para makapagpatawa lang, gagawa na ng isyu.

“Nakakatawa talaga,” nailing niyang sabi habang napapangiti.

Ano naman ang naging reaksiyon niya sa lumabas na uploaded video ng pagkakagulpi kay Mon ng grupo nina Raymart at Claudine.

“E, sa gigil nila yun. Wala tayo dun, e. Kumbaga, kilala natin yun, e,” pagtutukoy pa niya sa hipag na si Claudine.

“Palaban yun, e. ‘Pag nandun ka sa situwasyon, wala ka nang maiisip na iba, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang masakit kasi dun, mainit na ang ulo."

Paliwanag ni Randy, nadala lang si Claudine sa hassle ng pagbiyahe.

"Gigising ka nung umaga... lilipad ka, e.

“Gigising ka nung umaga, ’tapos may problema pa sa bagahe. ’Tapos yung anak, maingay.

“Baka siyempre nag-a-allergy na, kung ano...marami, marami, e," lahad ni Randy tungkol sa mga maaaring nakapagpainit pa ng ulo ni Claudine.

“Siyempre, aasahan mo nasa eroplano ka, e.

“’Sige, hintayin natin pagdating sa airport, kukunin natin yung gamit,’" maaaring sinasabi raw noon ni Claudine.

“Inaasahan mo yun, para mainom kaagad.”

Sa paliwanag kasi ni Raymart sa interview sa kanya ng 24 Oras, naiwan ang bagahe nilang may lamang gamot para sa asthma ng anak isa nilang kasama. (CLICK HERE to read related article.)

COURT SUITS. Pabor ba siya sa demandahang nangyari at ano naman ang payo niya sa kapatid tungkol dito.

“Ako nga, gusto ko nga matapos na, e,” mabilis niyang tugon.

“Ayoko, ayokong pangunahan yung ganun. It can happen to me also na hindi naman sila makikialam, di ba?”

AMICABLE SETTLEMENT. Kung si Randy ang masusunod, paano ba niyang gustong matapos ang problemang ito?

“Amicable,” mabilis na sagot ni Randy. “Sana maayos na ito sa lalong madaling panahon.”

Apektado ba ang pamilya nila sa kinasangkutan ni Raymart?

“Hindi naman dapat maapektuhan, e. Dahil alam naman nating maaayos at maaayos. Magkakakilala rin naman tayo,” ani Randy.

ISSUING CHALLENGES. Noong 2004 ay nagkahamunan sina Cesar Montano at ang kapatid nitong si Rommel versus the Tulfo brothers ng suntukan. Posible bang maulit ito sa Santiago brothers naman?

“Hindi mangyayari yun!” mabilis niyang sagot uli.

“Baka hamunin ko sila ng kantahan!” bulalas ni Randy, sabay tawa.

“Hindi," buweltang pagseryoso nito. "Gaya nga ng sinabi ni Raymart, ’Away namin ito, bakit kayo nakikialam?’

“Hindi naman kami nakikipag-away in the first place. Nangyari at nangyari lang dun sa moment na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero as much as possible, kung naiwasan niya, naiwasan niya.

“Hindi naman natin masisisi rin. Kagaya ng statement ni Raymart na, ‘Kung hindi nasipa si Claudine,’ hindi naman raw siya mang-aano.”

SECURITY AND SAFETY ISSUES. Nangangamba ba siya sa kaligtasan nina Raymart at Claudine?

“Hindi naman. Alam naman nating magkakaayos din lahat. ’Tsaka kilala ko si Erwin.

“So, I’m pretty sure na kapag nagkaroon ng pagkakataon, magkakaayos din.

ON THE TULFO’S THREATS. Tungkol naman sa mga binitawang banta nina Erwin, Raffy, at Ben:

“Yung mga sinabi ng mga Tulfo brothers, silakbo yun ng damdamin. It could happen to us.

“‘Pag kami naman ang naagrabiyado, baka sabihin din naman yung mga sinabi ng mga Tulfo.

“Saka the next day yun, e...kumbaga, silakbo talaga ng damdamin.”

Nung nagbanta ba ang mga Tulfo, hindi ba ba uminit ang ulo niya o may bayolente rin ba siyang reaksiyon noon?

“Si Erwin kilala ko, pero yung iba hindi.

“Pero I’m very sure na kapag nahimasmasan, sasabihin nila na away ano lang ’yan,” pagtatapos ni Randy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN