Meet the woman behind Mayor Herbert Bautista: longtime girlfriend Tates Gana

Tates Gana (center) is blessed with two children by live-in partner Quezon City Mayor Herbert Bautista (right). As young as the children are, their artist inclinations may already be observed—Eight-year-old Harvey (lower left), regularly appears in the children’s gag show Goin’ Bulilit, while the girl, musically-inclined Athena, 15, already exudes a beauty queen appeal.


Paglabas ng artikulo na ito, posibleng nasa Subic na ang long-time girlfriend ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na si Tates Gana para magbakasyon, matapos na asikasuhin ang birthday party ng kasintahang actor-politician.

Matagal nang magkasintahan sina Tates at Mayor Herbert. Biniyayaan na nga sila ng dalawang anak—ang Goin’ Bulilit mainstay na si Harvey, 8, at ang showbiz newcomer na si Athena, 15.

Non-showbiz si Tates pero marami siyang mga kaibigang artista at malapit din siya sa mga press people.

Sa tuwing may okasyon si Herbert—tulad noong nakaraang birthday celebration nito—si Tates ang coordinator ng programa o event at nag-e-entertain sa mga bisita.

Sa birthday party ni Mayor Herbert nitong nakaraang Sabado, May 12, na ginanap sa Isla ballroom ng Edsa Shangri-La Hotel, katuwang si Tates ng dalawang nakababatang kapatid ni Herbert na sina Harlene at Hero.

PREPARATIONS. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Tates sa party ni Mayor Herbert, ikinuwento niya kung paano nabuo ang selebrasyon.

“Last week of April na nga sinabi sa amin, e,” bungad na salaysay ni Tates.

“Ang invitation, na-print nung May 2. Pina-distribute ko four or five days ago lang.

“Kaya nga yung ibang kasamahan natin sa press, nagpatulong na ako.

“Ang mahirap yung national government. ’Tapos, walang nag-a-RSVP. Hindi talaga uso no?” pagtataka niya.

“Alam mo, kahit ako, ngayon ko na-realize na importante pala yung RSVP."

RSVP o "Respondez s’il vous plait" ay salitang Pranses na may English translation na "Respond if you please" o "Respond please" ay nakalagay sa huling bahagi ng mga imbitasyon sa isang party o event. Binibilinan nito ang nakakuha ng imbitasyon na kontakin ang nag-iimbita kung makakarating o hindi sa okasyon ang inimbita.

“Hindi ko alam kung iri-reserve ko ba yung table na ito para kay Ganito. Kasi mamaya, baka mabutas, ’pag hindi dumating.”

Ang ideya ng party ay nanggaling daw mismo kay Mayor Herbert, ayon kay Tates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya [Mayor Herbert] na mismo ang nag-utos.

“Nagulat kami ni Harlene. Sabi niya, ‘Tart [tawag ni Herbert kay Tates], please organize my birthday party.’ E, third week of April na.

Dati raw ay hindi talaga nagpapa-party si Herbert tuwing birthday nito. Nagti-treat na lang ito sa mga bara-baranggay sa Quezon City bilang birthday celebration.

“Hindi niya nakaligtaan yun. Kasi parang nakasanayan na niya na hindi makukumpleto ang birthday niya kung hindi kasama ang mga bara-baranggay.”

Pero ngayong may bonggang birthday party na, bakit sa labas ng QC ginawa ang party?

“Kasi gusto niya sa hotel. Sinabi niya kasi sa akin.

“Naiisip na niya yun noon pa, na gusto niyang mag-birthday sa hotel.

“Pero laging hindi natutuloy kasi nga tinatamad siya.

“Siguro sa tinatagal-tagal niyang hindi nagkaroon ng ganitong party, gusto naman niyang ma-feel kung ano ang experience ng ganitong party.

“Sabi ko rin nga kay Harlene, sabi ko, ’Kasi ayoko nang masyadong mag-effort. Ako na lang yung magme-makeup sa sarili ko.’

“Sabi naman ni Harlene, ‘Ano ka ba, sis? Ngayon lang tayo nag-party nang ganito. Mag-prepare ka na!’”

Samantala, hindi naman naaayon sa venue at theme ng party ang kasuotan ni Herbert nang dumating sa party.

Naka-collar T-shirt at casual shoes lang ito, samantalang pang-semi formal ang venue at set-up ng party niya.

“Kasi wala siyang alam e. Wala siya talagang alam. Inutos lang niya," natatawa pang kuwento ni Tates.


PARTY THEME. Movies ang theme ng party na may kinalaman sa binuong company ni Harlene na GLAD Events and Designs katuwang ang kaibigan nitong si Direk Dante Nico Garcia.

Ayon kay Tates, nasa film production din ang kumpanya nina Harlene.

“Nagsu-shooting na sila. ’Tapos may TV production din sila, ang pangalan Cup Noodle. Nagpu-produce sila.”

Ano ang wish niya para kay Mayor Herbert?

“Siyempre, perfect health, success in all his endeavors… yun lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POLITICAL PLANS. Itinanggi naman ni Tates na tatakbong senador si Herbert ngayong darating na eleksyon.

Magri-re-elect daw ito bilang mayor ng QC at sa parehong tandem nila ng incumbent vice mayor na si Joy Belmonte.

Nang matanong naman si Tates tungkol sa kanilang mga anak, maliban daw kay Harvey na nasa cast ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN, ibinalita nitong music naman ang papasukin ng dalagita nilang si Athena.

“Magsa-sign na kami ng recording contract with Boss Vic [del Rosario, Viva big boss].

“Tapos sabi ko, ‘Teka muna, boss, hindi ba pwedeng iti-train muna?

"‘Oo,’ sabi niya."’Pag pumirma ka ng kontrata hindi naman agad-agad na sasalang ka agad.’

“Takot na takot ako, ‘Boss, workshop muna,’" aniya raw kay Boss Vic.

“’Huwag kang mag-aalala,’ sabi ni Boss Vic.”

Magsi-16 years old na ang dalagita nina Tates at Herbert na papasa bilang beauty queen dahil may height at may angking ganda.

Yun nga lang, malabo raw itong payagan ni Herbert na sumali sa beauty pageants lalo na kung magsusuot ng two-piece bikini.

“Bawal ngang mag-palda nang maikli, ’no!” nangingiting sabi ni Tates.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN