MTRCB junks TV5’s petition to stop suspension of T3

"The MTRCB stands by the legality of the preventive suspension order and its jurisdiction over T3 as a public affairs program, as reflected in TV5’s application for television permit to exhibit (which contained the sworn statement of TV5 executive Ramon del Rosario, who agreed to conform to the review and classification requirements of MTRCB), and the permit itself issued on 26 April 2012," says MTRCB spokesman Atty. Toto Villareal about the prev


Ibinasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kahapon, May 14, ang petisyon ng TV5 na itigil ang pagsususpinde sa public-affairs program na T3: Kapatid, Sagot Kita.

Nangyari ito sa adjudication hearing ng MTRCB para dinggin ang petisyong ito ng Kapatid network.

Matatandaang binigyan ng 20-day preventive suspension ng government body ang T3 noong May 10, bilang sagot sa reklamo na nagbanta umano ang mga host ng programa—ang Tulfo brothers na binubuo nina Erwin, Ben, at Raffy—sa nakaalitan ng kanilang kuyang si Mon na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Ito ay nagsimula sa kumprontasyon sa pagitan ni Mon at ng mag-asawang Raymart at Claudine sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong May 6.

Tutol naman ang TV5 sa suspensiyong ito, dahil sa wala raw umanong jurisdiction ang MTRCB sa T3 dahil news program daw ito. Labag din daw sa freedom of the press ang nasabing suspensiyon.

Sa update na ibinigay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni MTRCB spokesman Atty. Toto Villareal sa pamamagitan ng text message, isinaad agad umano ng TV5 sa simula pa lang ng hearing ang petisyong ipatigil ang pagsususpinde sa programa, at pati na rin ang mismong hearing.

Hindi raw pinayagan ng adjudication panel ang petisyong ito ng TV5.

Ang panel ng MTRCB ay binubuo ng committe chairman na si Noel del Prado, kasama ang mga board members na sina Liezl Martinez at Jay Revistir.

Ayon kay Atty. Villareal, "At the start of the hearing, TV5 counsel orally moved for the lifting of the 20-day preventive suspnesion order and for the suspension of the entire case citing the reported petition.

"Since the MTRCB had not yet received any pleading or order about the alleged petition, and citing the interest of the public, the Adjudication Panel ruled to DENY both motions."

Hindi rin daw pinayagan ng panel ang motion for reconsideration ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa sa spokesman ng MTRCB, "Thereafter, TV5 counsel orally moved for reconsideration but since no new arguments were made by said counsel, the Adjudication Panel DENIED the motion for reconsideration."

"Thus, the 20-day preventive suspension issued on 10 May 2012 remains effective."

Pinaninindigan din ng MTRCB na may jurisidiction sila sa T3, dahil public affairs program ito.

"The MTRCB stands by the legality of the preventive suspension order and its jurisdiction over T3 as a public affairs program, as reflected in TV5’s application for television permit to exhibit (which contained the sworn statement of TV5 executive Ramon del Rosario, who agreed to conform to the review and classification requirements of MTRCB), and the permit itself issued on 26 April 2012."

Inaasahang magsusumite ang TV5 ng position paper para depensahan ang kanilang kaso.

Samantala, pending pa rin ang petisyon ng TV5 sa Court of Appeals para ipatigil ang suspension order ng MTRCB.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN