Actress-politician Lani Mercado says her mother’s death was unexpected

Bagama’t malungkot, nagpapasalamat pa rin si Cavite Congresswoman Lani Mercado na hindi na nahirapan pa ang inang si Justa Garcia Hernandez sa kanyang pagpanaw. Aniya, hindi nila inaasahang stroke ang ikamamatay ng kanilang ina dahil matagal na raw itong may dementia sanhi ng Alzheimer’s disease. "Nakaprograma na ‘yong utak namin [magkakapatid] that we will see her deteriorate, ‘yong memory niya, makakalimutan niya kami later on hanggang sa magi


Naging malungkot ang Araw ng mga Ina para kay Cavite Congresswoman Lani Mercado dahil sa biglaang pagpanaw ng kanyang inang si Justa Garcia Hernandez.

Naikuwento ni Lani ang mga huling sandali ng kanyang ina sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press kahapon, Mayo 14, sa Heritage Park Funeral Home sa Taguig.

“Bale this happened at three in the morning.

“Pauwi na actually ako from taping sa isang soap sa [GMA]-7. My sister called me, si Millie, she asked me kung nasaan ako and then I told her I was in Kamuning area.

“Sabi niya, ‘Candy [palayaw ni Lani], pumunta ka na ng Cardinal [Santos Memorial Hospital].’

“Sabi ko, ‘Bakit?’

"‘Parang it’s time na.’”

Huwebes, May 10, nang malaman daw nilang magkakapatid, bilang resulta ng CT scan, na brain dead na raw pala ang kanyang ina matapos itong ma-stroke noong araw ding iyon.

“Meron na siyang cerebral hemorrhage, which is caused by several strokes.

“Kasi 87 na nga ang mama ko at nagkaroon siya ng maraming mga strokes in the past.”

Dalaga pa raw si Lani nang unang ma-stroke ang kanyang ina, subalit hindi niya inasahang ito pala ang magiging sanhi ng kamatayan nito.

“May history siya, but we were not really preparing for this kasi biglaan itong pagkaka-atake niya.

“Ang pine-prepare namin ‘yong… kasi she has Alzheimer’s [disease]. May dementia siya.

“So, nakaprograma na ‘yong utak namin [magkakapatid] that we will see her deteriorate, ‘yong memory niya, makakalimutan niya kami later on hanggang sa magiging para na siyang baby.

“So, we did not expect na ganito.”

MOTHERS’ DAY. Nakatakda raw sanang magkita-kita sina Lani at mga kapatid noong Linggo, Mayo 13, upang ipagdiwang ang Mothers’ Day kasama ang kanilang ina.

“Unfortunately, she… well, she decided for us.

“Kasi darating yung punto na hihilingin kami [ng doctor] and we have to decide na tanggalin na siya sa ventilator.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, we were just practically waiting, we were just waiting kung kailan magso-show na siya ng signs na bumababa na yung heart rate niya.

“Pero when I arrived sa ICU [Sunday morning], flat line na talaga.”

Dagdag kuwento pa ni Lani, “After the Thursday [attack] at nakita ko na ’yong itsura niya na may tube na siya, naka-ventilator, medyo sina-psyche ko na yung sarili ko.

“I was already planning actually for… for this [burol].

“Kasi nga, we were just practically waiting for… may dalawa kasi akong kapatid sa America na kailangan umuwi dahil, ‘yon, sila yung mas nakatatanda.

“Ako kasi ‘yong bunso, e, so hindi ako puwede magdesisyon para sa amin. We had to wait for them.

“So, my other sisters in the States babalik Tuesday [May 15].

"’Tapos yung eldest namin, may scheduled trip na talaga siya ng May 25, so hindi na niya siya maurong.

"So she will be here ng nasa urn na yung mama ko kasi her wish is to be cremated.”

LAST WORDS WITH MOM. Abril 13, kaarawan ni Lani, nang huli niyang makausap ang kanyang ina.

Ayon sa aktres, “Wala talagang signs [na mawawala na siya], wala.

"She was very happy on the day na bago siya na-stroke. Masaya siya.

“Sabi nga no’ng yaya niya, ’good girl’ siya no’ng araw na ‘yon. Wala kaming nakitang signs.

“Pero sinasabi niya lagi, kasi meron siyang nararamdaman na mga pains sa katawan, na sana kunin na nga siya kasi ayaw na niyang nakakaramdam ng sakit.

“So, hindi namin masyadong sinasabi, di namin masyadong iniintindi ‘yong mga prayers niya na ‘yon kasi negative nga ‘yong prayers na ‘yon, di ba?

“Gusto namin siyempre na humaba pa ‘yong buhay niya.

“Parang ‘yon ang wish niya—na ayaw na niya maramdaman yung pain, napapagod na siya.

"Pero she’s ano, ha, she’s lucid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She attends all of our special occasions—birthday ng daddy [Ramon Revilla, Sr.] nando’n siya, birthday ko, 25th wedding anniversary namin [ni Bong] nandoon siya.”

RELIEVED. Bagama’t masakit para kay Lani ang biglaang pagpanaw ng ina, tila masaya na rin siya dahil kahit paano ay natupad ang hiling nito na huwag nang mahirapan pa at makaramdam ng sakit.

“Kasi nung nakita ko siya ng Thursday hanggang umabot na ng Friday and Saturday, umano na sa isip namin na we don’t want to prolong her agony.

“Kasi nakita ko na ‘yon sa dad ko, e. Nagkaroon ng aneurysm ang dad ko, pinaoperahan namin, he’s alive for one year and four months, pero gulay siya.

“At the age of my mom na 87, ayaw na namin siyang mag-undergo ng any operation kasi matanda na siya, weak na siya.

“She will not be [strong enough]. Parang sinaktan mo pa para lang mapadali ang buhay niya, so huwag na lang.

“At saka parang para sa sarili namin yung gagawin namin [na ipaopera siya] kasi gusto lang namin nakikita siya.

“E, so parang it’s unfair for her at saka wish talaga niya na no heroic actions.

"Ibig sabihin, kung time na niya, time na niya.

“’Huwag na ’ko ire-revive.’ Ayaw niya na bubutasin dito [sa leeg], ayaw na niya ng ganon.

“Gusto niya ’pag tapos na, tapos na, huwag nang pahabain ang buhay niya.”

May mga huling habilin ba sa kanya ang kanyang ina?

“Actually, she has… may last will and testament ang mama ko.

“I think she did this when she was 80 years old, so alam na namin kung ano yung mga wishes niya.

“’Tapos later on, magtatanong kami sa kanya kung may mga bilin pa siya na wala dun sa last will and testament, tinatandaan namin.”

"SHE LIVED A FULL LIFE." Bukod kay Lani, nalulungkot din ang kanyang buong pamilya, lalo na ang kanyang mga anak, sa pagpanaw ng kanilang lola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Lani, “Well, everybody’s sad kasi masuwerte kami na nakita namin yung 87 years ng mom ko.

“She had 15 great grandchildren, nakita niyang kinasal ang mga apo niya na may anak na din, nakita niyang naging Congresswoman ako so she’s lived a full life.

“Sabi ko nga, ‘Ang galing mo naman, Mama, pumili ng araw ng kamatayan—Mother’s Day pa, ’tapos 95th anniversary pa ng Lady of Fatima.

“Talagang pang-mother talaga, mother na mother ang nanay ko.”

VISITORS. Nagpapasalamat naman si Lani sa mga kaibigan at kasamahan sa trabaho na nakiramay sa kanyang pamilya.

Kahapon ay naabutan ng PEP ang pagdalaw ni Pangulong Noynoy Aquino at TESDA Director General Joel Villanueva, na kapwa dumiretso sa Heritage Park mula sa airport galing Davao.

Naroon din ang manager ng mag-asawang Lani at Senator Bong Revilla na si Lolit Solis.

Ilan pa sa mga personalidad at korporasyong na nagpaabot ng pakikiramay sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak ay sina dating Pangulong Joseph Estrada, Senator Loren Legarda, mag-asawang Mike at Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo, Bacoor Mayor Strike Revilla, Manny V. Pangilinan ng TV5, GMA Network, at iba pa.

“Nagpapasalamat po kami sa lahat ng nakikiramay po sa amin, sa lahat ng mga kaibigan namin, mga relatives, thank you.

"Thank you very much at pinadadama ninyo ang pagmamahal ninyo sa aming pamilya, lalung-lalo na sa Mama ko.

"Thank you very much,” ang huling mensahe ni Lani.

Nakatakdang i-cremate ang mga labi ni Ginang Hernandez sa Miyerkules, Mayo 16.

Matapos nito ay ilalagak naman ang kanyang mga abo sa chapel ng pamilya Hernandez sa Lipa City, Batangas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN