Boy Asistio files libel and unjust vexation complaints against Annabelle Rama

by Joyce Jimenez
May 15, 2012
Macario "Boy" Asistio Jr. filed libel and unjust vexation complaints against Annabelle Rama today, May 15, at the Caloocan City Prosecutor's Office.

Nagsampa ng mga reklamong libel at unjust vexation ang dating Caloocan City mayor, Macario "Boy" Asistio Jr., laban sa talent manager na si Annabelle Rama.

Inihain ni Asistio ang kanyang mga reklamo sa Caloocan City Prosecutor's Office ngayong araw, Mayo 15.

Kasama ng dating mayor ng Caloocan kanina ang kanyang maybahay na si Nadia Montenegro.

Ayon sa report ni Mario Dumaual sa ABS-CBN News kagabi, Mayo 15, ang mga reklamong inihain ni Asistio ay kaugnay ng mga naging pahayag ni Annabelle tungkol sa kanya at sa kanyang mga anak.

Sinabi diumano ni Annabelle na: "Alyanna was raped by her father Boy Asistio when she was 10 and Anykka had STD."



(CLICK HERE for related article.)

Ayon kay Boy, ayaw sana niyang makisali sa away ng kanyang asawa at ng talent manager.

Pero dagdag niya, "Kung ako lang, okay lang. Pero nadamay na lahat, mga anak ko, pati pamilya Asistio.

"Sinisira niya reputasyon namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana makulong na 'yan para di na siya makapagdaldal."

Tumanggi naman ang abugado ni Annabelle na si Atty. Howard Calleja na magkomento tungkol sa paghahain ng reklamo ni Boy.

Sagot naman ng talent manager sa kanyang Twitter account kaugnay dito:

"No comment ako sa mga nagdedemanda d'yan. Busy ang beauty ko sa meetings para sa shows ng mga alaga ko. Kakatapos lang ng meeting ko with ABS-CBN."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Macario "Boy" Asistio Jr. filed libel and unjust vexation complaints against Annabelle Rama today, May 15, at the Caloocan City Prosecutor's Office.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results