Kris Bernal to celebrate 23rd birthday with first showbiz party

Kris Bernal on reported reunion project with Aljur Abrenica: “So, hopefully, sana totoo nga ‘yong naririnig naming na reunion project daw para sa amin. Sana pam-primetime! Gusto ko kasing bumalik sa primetime.”


Bukas, May 17, ang 23rd birthday ni Kris Bernal.

Pero bago ito, nagkaroon na siya ng advance birthday celebration sa Party Pilipinas noong Linggo, May 13.

Bukod dito, naisipan din niyang maglaan ng panahon sa dalawang napili niyang charity institutions kaugnay pa rin ng kanyang kaarawan.

Kuwento ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Tumulong ako sa mga bata at saka sa mga disabled.

“At may inihahanda rin kami ng GMA Artist Center na showbiz party next week.

“Inihahanda pa namin ‘yong mga invitation. At ‘yong mga listahan ng yayayain namin.

“Opo, first time kong magkakaroon ng showbiz party simula nang mag-artista ako. Sabi ko, para maiba naman.

“Kasi ‘yong mga birthdays ko dati, hindi talaga ako nagsi-celebrate, e. Hindi ako nagpa-party.

“Talagang nagpa-party lang ako para sa mga supporters ko.

“Pero ngayon, naisip ko, ano kaya kung magkaroon ako showbiz party? Na lahat talaga invited?

“Gusto ko simpleng party lang. Wala namang theme.

“Pero kung magkaka-theme kami, parang iniisip namin, parang gusto namin, ‘yong may mga heart-heart—bilang sa Hiram Na Puso,” pagtukoy ng young actress sa pinagbibidahan niyang afternoon soap sa GMA-7.

Dagdag ni Kris, “So dapat naka-outfit ka na may mga puso-puso. Gano’n.

“Pero hindi pa namin sure… para mas madali at mas maraming makapunta.

“Di ba, ang hirap kapag may theme pa?”

BIRTHDAY WISH. Nangiti si Kris nang matanong kung ano ang kanyang birthday wish.

“Marami. Ang dami pa rin!” napabungisngis niyang sagot.

“Hindi naubos! Marami pa po.

“Siyempre sa career, marami pa po akong gustong marating. Ang dami ko pang gustong maabot.

“Sana marami pang endorsements, gano’n. O kaya mga magazine covers.

“And sana makakuha ng ano… parangal. Gano’n, ‘yon.

“At saka siyenmpre, lahat din… for my family. Lahat din ng dreams and wishes ko para sa pamilya ko.”

Wala pa ba siyang natatanggap na birthday gift in advance galing sa isang special person?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa. Sabay nalungkot daw ako, o!” natawang biro ni Kris.

“Wala rin naman akong ini-expect kung kanino. Hintayin natin.

“Malay mo may dumating mismo sa birthday ko. May mag-surprise. Ha-ha-ha!”

Single pa rin siya until now?

“Opo. Single pa rin ako.

“Calling-calling all the single boys!” tawa na naman ni Kris.

NEXT PROJECT. Stable at maganda naman sa ngayon ang takbo ng kanyanga career.

Hindi pa man natatapos ang Hiram Na Puso, balitang may bago na naman siyang show na magsisilbing balik-tambalan daw ulit nila ng dating ka-loveteam na si Aljur Abrenica.

Pero ayon kay Kris, “Hindi pa final ‘yon. Wala pa.

“Kahit nga sa akin, hindi pa sinasabi. Naririnig ko lang.

“’Tapos marami na ring nagtatanong sa akin about that.

“Ayoko kasing mag-assume hangga’t wala pang taping. At saka hangga’t hindi pa nga sinasabi sa amin… sa amin ni Aljur.

“Pero pinag-usapan na namin ni Aljur. Excited na nga raw siya.

“So, hopefully, sana totoo nga ‘yong naririnig naming na reunion project daw para sa amin.

“Sana pam-primetime! Gusto ko kasing bumalik sa primetime,” nangiting sabi niya.

Is she looking forward sa muling pakikipagpareha kay Aljur?

“Oo naman. Na-miss ko rin ‘yon, e.

“Nami-miss ko siyang katrabaho. At saka iba talaga siyang katrabaho,” sagot ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN