Julie Anne San Jose on being groomed as the next big Kapuso star: “I’m so honored and glad..."

Julie Anne San Jose has long planned activities for her 18th birthday. Instead of a debut party, Julie Anne will just perform in her concert with guests R&B singer Jay-R, Kris Lawence, and a surprise guest.


Magdiriwang si Julie Anne San Jose ng kanyang18 birthday bukas, May 17, Huwebes.

Nagpahiwatig ang young singer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ayaw niya sana ng engrandeng debut, bagkus ay gusto niyang magkaroon ng bagong bahay.

Sabi ni Julie Anne, “Wala pa po akong naiisip na regalo para sa sarili ko.

“Simple lang pong selebrasyon ng 18th birthday ang gusto ko—siguro with my family and close relatives and friends.

“’Tsaka wala na din po kasing gumagawa ng ganoon [debut party], magastos po ‘pag nag-cotillion."

BIRTHDAY CONCERT. Ano na lang ang balak niyang bilhin para sa kanyang sarili?

“Ay, wala po!" sambit ng dalaga.

"Pero gusto ko po talaga magpatayo ng bahay. Hopefully sana this year."

Kasunod nito ay ibinalita niya sa amin na magkakaroon siya ng birthday concert ngayong gabi, May 16, sa Hard Rock Café.

Ano ang magiging concept ng concert?

“Ano lang… talagang thanksgiving lang siya.

“And most of the songs na kakantahin ko, may mga cover po akong mga songs.

“’Tapos may mga bago din po akong kakantahin. May mga kakantahin din po ako na dalawa na galing din po sa album ko."

Special guests ni Julie Anne sina Jay-R at Kris Lawrence.

Magge-guest din ba ang ka-loveteam niyang si Elmo Magalona?

“Surprise po, e,” nakangiting sabi ni Julie Anne.

MUSIC ALBUM. Bukod sa pinaghahandaan niyang concert, mayroon ding music album na tinatapos si Julie Anne na wala pang pamagat.

“I have nine original songs and one bonus track. Dalawang [own] composition po.

“Sana lang maging successful po yung album ko. Positive tayo lagi.

"Siguro po by June, lalabas na yung album ko,’ aniya.

NEXT BIG STAR. Ano ang nararamdaman na ginu-groom siya ng GMA-7 na maging big star?

“Siyempre po, overwhelming ang feeling.

"I’m so honored and glad na nabibigyan po ako ng GMA ng attention and super opportunities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Super thankful po talaga ako siyempre kay Lord and sa GMA din po and sa lahat po ng mga sumusuporta sa akin," saad niya.

Nakikita ang supporta ng fans kay Julie Anne sa palagiang pagte-trending niya sa Twitter.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Oo nga po… di ko din po alam.

“Actually ‘pag nagtse-check nga po ako ng Twitter… everytime nagbubukas ako ng Twitter, nagugulat po ako.

“Kasi parang nakakagulat din po. Hindi ko din po ini-expect na magte-trending ako.

"Mahirap po talaga mag-trending."

MOVIE PROJECT. May pelikula si Julie Anne kasama si Elmo Magalona, ang Just One Summer. Gaano ba ka-romantic silang dalawa rito?

“Ay, ayoko pa po magkuwento, panoorin na lang nila.

“Okay naman po yung shooting namin, marami pong sumusuporta sa amin.

“Usually sila Direk [Mac Alejandre], and other cast po namin… sila Ms. Gloria Romero, Buboy Garovillo, at iba pa.

“Bale sila yung talagang tutulong sa iyo—kung paano ka aarte."

Napasabak na si Julie Anne sa pelikula, TV, at baka sa stage naman sa darating na panahon. Pero saan ba siya mas hiyang?

“Sa movie kasi parang natural and very raw yung acting.

"Sa TV, parang medyo technical acting—parang hindi siya katotohanan.

“Actually, nagsimula po ako sa [Filipino musical play] Magsimula Ka bale... I think, uhmm… two years ago? Two years ago po ako nag-audition.

“Okay na po lahat, kasama na ’ko sa cast. Pero nagkaroon ng problema po dun sa schedule.

“So, hindi talaga kinaya ng sked ko kaya di natuloy.

“Gusto ko, gustung-gusto ko talaga. E, dapat nga po mag-o-audition ako sa Little Mermaid, e," banggit niya.

Kasama na rin si Julie Anne sa youth-oriented show ng GMA-7 na Tween Hearts.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN