Jean Garcia on hosting reality TV show Personalan: “Something different and nice din dahil yung konsepto kasi ng show, nakakatulong kami after."

Jean Garcia, as host of reality TV show Personalan: Ang Unang Hakbang, believes that it is inevitable that she will be compared with the hosts of similar shows: “Wala naman akong pakialam, ’beh! Basta… hindi… totoo naman, kasi they have their own… iba!"


First time mag-host ng isang reality TV show si Jean Garcia.

Ito ang Personalan: Ang Unang Hakbang na ineere gabi-gabi sa GMA News TV.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) kay Jean sa taping ng Personalan sa Studio 4 ng GMA TV Complex noong Lunes, May 14, inamin ng aktres na inspired siya sa paghu-host ng show.

“Nai-inspire ako sa kanya, ’tsaka marami akong natututunan kasi may life coach kami, e.

“Something different and nice din dahil yung konsepto kasi ng show, kumbaga, nakakatulong kami after.

“Alam mo yung punung-puno siya ng problema, di ba, pini-present namin yung mga problema nila na hindi magaan, mabibigat palagi.

“Pero at the end of the day, kahit papaano, may mga unang hakbang na natutulungan mo sila.

“Meron silang unang hakbang sa pagbabago, sa kapatawaran, di ba?

“So, hindi man pare-pareho yung problema, pero kahit papaano nakaka-relate ka, di ba?

“Minsan kasi kailangan makita mo, e, first hand.

"Kasi, di ba, sinasabi natin, yung mga ganung sitwasyon, sa movies lang, di ba? Sa TV lang.

“Hindi, e. Mas malala pa nga e. ’Kakaloka kasi totoo talaga.”

Marami na raw siyang iniyakang episodes ng Personalan.

“Usually palagi kong iniiyakan na episode ‘pag pamilya. Mag-ina, mag-ama... yung ganyan, magkakapatid.

“Pero yung mga lovers-lovers, parang okay lang.

"Pero ‘pag pamilya talaga, iba kasi talaga ‘pag pamilya, e, di ba?

“Yung iba talaga ‘pag ang problema sa pamilya na ina, anak, magkapatid… basta yung magkadugo.”

SHOW PREPARATIONS. May extra effort ba siyang ginagawa para sa show?

“Oh, my gosh! Kasi, di ba, MWF yung taping ko [for Alice Bungisngis], di ba?

“’Tapos nakukuha ko yung script ko for Personalan a day before kasi marami kaming ginagawang episodes a week.

“So, medyo hirap din yung mga writers at mga researchers namin.

“So, habang nagte-taping ako ng Alice, ‘pag may break ako, kesa itulog ko or ipahinga ko, talagang inaaral ko yung script ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi mo siya puwedeng i-take for granted, e.

“Na kahit sabihin mong may script siya at nandiyan yung tanong, dapat alam mo yung back story nila—alam mo yung buong story.

“Na akala mo hindi ka lang kapitbahay... kasama ka nila sa bahay.

“Para kasi anuman ang isagot nila or baliktarin man nila yung…

“Kasi nire-research nila, in-interview na sila. Baliktarin man nila yung sinagot nila, maibabalik mo sa yung totoo.

“Kasi minsan magde-deny, pero nung ini-interview ’yan... Oo, ’yan… parang ganyan!

“So, kailangan alam mo talaga para… actually, hindi yung dakdak, e.

“Dapat pinapakinggan mo sila kasi dun lahat manggagaling ang itatanong mo at dun mo sila mabubuking kung nagsasabi sila ng totoo o hindi.”

REAL-LIFE STORIES. Totoo bang scripted ang mga kuwento nila?

“Hindi siya talaga scripted kasi maraming nagtatanong sa akin, ‘Uy nasa Personalan ka, napanood kita… hindi ba scripted?’

“Sabi ko, ‘Hindi po! Yung spiels, oo, scripted, pero yung story, totoo talaga yung sitwasyon, totoong nangyayari.’

“Kung nagbugbugan… nagbugbugan talaga sila. Kung nagkasakitan, naospital talaga.

“Totoong nangyayari sa kanila kaya minsan yung emotions nila, talagang mararamdaman mo—kasi totoo.

“At saka sabi ko nga, sa totoo lang… parang yung mga guests mo, parang pinag-aawayan siya ng tatlong babae, na hindi naman kaguwapuhan.

“Sorry, ha? Pero di ko alam kung papaano ninyong isusulat nang maganda iyon.

“Pero tatlong babae ang nag-aaway, ganyan-ganyan.

"Pero ‘pag ini-interview mo na sila, dahil totoo yung emotions na nilalabas nila, hindi mo na iisiping hindi siya kaguwapuhan, na hindi siya kagandahan kasi bakit?

“Pare-parehong emosyon. Lahat may heart lahat, so wala sa ’itsura ’yan—wala ’yan sa estado sa buhay kapag may naramdaman.”

Paano nagre-react si Jean sa bawat sitwasyon?

“E, di ’pag naiinis ako, nainis talaga ako... ‘Naku, pasensiya ka na! Uy, parang hindi naman yata maganda ’yan...’ yung ako lang ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero minsan meron akong tinatarayan na parang ayaw… yung pinapaikut-ikot lang niya.

“Or minsan, ilang beses ko nang tinanong, pero hindi naman niya sinasagot yung… iba yung sagot niya sa tanong ko.

“Hindi naman ako nagpapakita ng inis pero kumbaga, binabalik ko, kumbaga, hindi nakakalusot.

“Pero kasi, as the host kasi, hindi ka puwedeng kumampi sa kanila, dapat patas ka, e.

“’Tapos okay din na hindi ka kakampi kasi minsan ‘pag mabubuo na yung istorya at nagkakaharapan na sila, parehong may kasalanan at parehong may punto.

“Alam mo yun? Na normal din sa atin dahil hindi naman tayo perfect na tao, we make mistakes kaya lang depende kasi.

“Kamukha ng ‘pag nanakit ka siyempre, malaking bagay iyon, di ba?

“Pero minsan kami, merong ding, ‘Bakit siya nanakit?’

“Meron ding pinanggalingan kung bakit dumating dun sa pananakit physically.

"Parang ganun, so kailangan patas ka.”

STRESSFULL SHOW. Kahit nag-e-enjoy, aminado si Jean na mabigat sa dibdib ang show.

“Mabigat! Alam mo minsan, after [ng taping], dapat medyo huwag mo dapat dadalhin sa house.

“Ang ginagawa ko, like tatlong episodes ako sa isang araw na taping, like itong isa tapos na ang taping, kakalimutan ko na.

“Itong pangalawang kukunan, dito naman ako, hindi ko pa iniisip yung pangatlo.

“’Pag natapos itong pangalawa, tanggal na ito sa utak ko.

"Yung pangatlo, usually iyon ang pinakamabigat, yung third episode na kukunan.

“Pagkatapos nun, talagang ‘Ayoko na, ayoko na kayong tandaan!’

“Kaya lang minsan talaga, ikukuwento’t ikukuwento ko pa rin sa bahay na, ‘Grabe, ’no!’

“Minsan yung mom ko, ‘Ma, alam mo ba?’ Siya naman, ‘Anong araw palabas ’yan?’

“Sasabihin ko, ‘Basta intayin mo, manood ka.’"

ALTERNATE. Sina Jean at Jolina Magdangal ay naghahalinhinang hosts ng Personalan.

“Kasi alternate kami ni Jolina, di ba?

“E, ang mommy ko, natutuwa rin kay Jolina, so pinapanood nila every day.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ali Sotto ang dating host ng show, may pressure ba at nakapanood na ba si Jean ng mga dating episodes ni Ali?

“Kasi nag-guest host lang naman kami, so nanghingi ako ng copy kasi kailangan kong malaman yung concept.

"’Tsaka nung una ngang tinawagan ako, ‘Maghu-host ho kayo ng Personalan.

“Sabi ko, ‘Ano yung Personalan?’ Ganyan-ganyan... hindi ko alam.

“Hindi naman sa hindi ako nanonood or ayaw kong manood, pero dahil lagi akong may regular taping, di ba, so itinutulog ko na lang iyon, di ba?

“Sabi ko, ‘Ano yun?’ ‘Ganito po…’ ‘Ay sige, padala ng kopya.’

“Nung pinadala, tumawag ulit ako, sabi ko, ‘Ako?! Seriously? Are you sure?’

“Yung ganun, parang hindi yata ako ’yan.”

Sa palagay niya, bakit siya ang napili?

“I don’t know. Maybe because dahil siguro alam nilang may hosting background ako.

"Pero musical-variety show siya, hindi siya talk show di ba? Hindi ko po alam.

“’Tapos iyon, every week, inaano naman nila ako… kinukuha naman nila ako.

“Kasi Tuesdays and Wednesdays kasi ang tapings nila, e, hindi ako puwede ng Wednesday.

“Kasi iyon yung regular taping ko sa Alice Bungisngis, MWF. So Tuesdays, palagi naman nila akong kinukuha.

“Hanggang sa iyon nga, inano [binigay] na nila sa amin ni Jolina na siya yung Wednesday tapings, ako yung Tuesday tapings.”

Nagustuhan na ba niya ang show?

“Of course! Actually gusto ko siya nung nakapag-host na ako…

“Kasi nung unang nagho-host ako, nanginginig pa ako, e, kasi parang, ‘Eeeeeehhh, ano ba ito?’

“This is something new for me ’tsaka hindi ko alam kung maha-handle ko kasi minsan ‘pag nag-aaway na sila, yung…

“Kasi yung mga words, bini-bleep-bleep lang nila ’yan, e, pero… at saka hindi kami nagte-take two when it comes to their emotions…

“Unless nag-buckle ako or ano, kaya dapat natural ka lang, e, yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat hindi scripted, e, dapat pakinggan mo sila, kahit hindi mo na masundan yung questions na inaano ng writers…

“Basta naka-connect ka, lalabas naman na maganda yung flow ng interview, e.

“Tsaka ‘pag nag-aaway na sila, naloloka talaga ako—nawawala ako sa sarili ko!” ang natatawang sabi ni Jean.

COMPETING SHOWS. For sure, ikinukumpara ang Personalan sa Face To Face ni Amy Perez sa TV5.

Ano ang masasabi ni Jean sa Face To Face?

“Naririnig ko siya kasi, kumbaga, parang inano sa akin ang Personalan, ginoogle ko ’yan, e…

“‘Tapos ginoogle ko din ang Face To Face kasi iyan ang magka-ano [rival] now, which is wala namang masama doon.

“Ang maiaano ko lang, sa akin ito lang talaga, ang iniiwasan namin, ang magkaroon ng physical na ano…

“Kumbaga, umpisa pa lang, ‘Ito po ha, magkaintindihan tayo. Okay lang kayong magsalitaan ng masasakit sa isa’t isa, ibuhos ang gusto ninyo, ibuhos... huwag lang tayong gagamit ng kamao.

“’Huwag tayong magkakasakitan, hindi po namin ini-encourage ang bawat isa na gawin yun.’

“Actually ito, honest ito, ha? Kung merong ganun, hindi ko tatanggapin ang show.

“Kumbaga, hanggang guest host lang ako siguro.

“Hindi sa madali akong ma-tense. Kasi hindi naman kailangang umabot sa ganun, e.

“Puwede silang magmurahan actually, e. Nagmumurahan nga sila e, ‘pag nagmumurahan sila, ‘Sige magmurahan kayo!’

“Pero ang sakit-sakit sa tenga, ha?

“May mga words na... may nag-abot, pero humaharang ako. Hindi naman nagkakaabot kasi humaharang talaga kami.

“Kasi nga dito actually, dahil hindi naman nangyayari ’yan dito, kamukha ng dalawang nanay na talagang masamang-masama ang loob kasi nagkakaagawan ng anak.

“Yung pagkita pa lang, alam mo yung maglalapitan, pero nakaganun [harang] ka na agad, di ba?

“Hindi yung iiwas ka para banggaan sila… hindi!

“Kailangan mo silang pigilan, at saka iyon nga meron namang paunang pasabi na, ‘Nagkakaintindihan ho ba tayo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na alam naman namin na yung story na baka medyo magkaabutan.”

May comparison din ang mga tao sa kanya at kina Ali at Amy bilang hosts.

“Wala naman akong pakialam, beh! Basta… hindi… totoo naman, kasi they have their own… iba!

“Unang-una, pangalan na lang namin magkakaiba, di ba? So huwag na nating ikumpara, di ba?” at tumawa si Jean.

“Basta ako masaya because kinuha kami ni Jolina, ‘tapos maganda naman yung mga reviews, ganyan.

“’Tapos nabigyan pa ako ng chance na makagawa ng iba na naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN