Mercedes Cabral expresses disappointment over shelved Kapamilya series; finds Nora Aunor very down to earth

“Nanghihinayang ako dahil after no’ng pinaghirapan mo, after no’ng mga nangyari sa akin dun, napunta siya sa wala. Disappointed talaga, kasi nga… yun, e. Sayang. Pero may mga nagsabi sa akin na may mga nangyayari talagang gano’n na hindi maiwasan," says Mercedes Cabral when asked about her supposedly first mainstream series with ABS-CBN.


Kabilang ang indie film actress na si Mercedes Cabral sa cast na ipinakilala sa press sa launching ng bagong serye ng GMA-7 na Luna Blanca, na ginanap sa Studio 6 ng Kapuso network kagabi, May 15 .

Ang Luna Blanca ang unang serye ni Mercedes bilang mainstream actress.

Pero hindi ang nabanggit na serye ang una sana ng indie actress sa pagsabak niya sa TV soap operas.

Ang Hiyas mula sa ABS-CBN, kung saan bida sina Zanjoe Marudo at Megan Young, ang unang napabalitang pagsabak sana ni Mercedes bilang astista ng isang TV series.

Hindi naipalabas ang nasabing serye at hindi nai-launch ang acting career ni Mercedes sa Kapamilya Network.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mercedes kagabi, ikinuwento nito ang alam niyang nangyari kung bakit hindi naipalabas ang una sanang soap niya sa Channel 2.

“Sinabi sa akin na… yun nga, ie-air daw siya ng March,” simula niyang salaysay.

“Sinabi pa nga na December of last year. ‘Tapos naging January and then March.

“Tapos na yung project. Nakapag-taping na kami nang buo.

"Supposedly, afternoon airing siya.

“And then, after no’n, nalaman naming shinelved na nga raw. So, ano yung nangyari?

“Hindi na ‘ata siya ipalalabas. Hindi ko rin alam.

"Kasi siyempre, bago lang naman ako sa mainstream sa TV.

“Hindi ko alam kung yung mga sini-shelve sa TV, e, ipalalabas pa rin ba o hindi na? Hindi ko alam, e.”

DISAPPOINTED? Aminado si Mercedes na hindi niya talaga nagustuhan ang pagkaka-shelve ng project.

“Nandun yung nanghihinayang din ako. Kasi siyempre, nagbuhos ako ng oras at emosyon sa proyekto na yun.

“May mga films rin ako na ino-offer sa akin, pero hindi ko rin puwedeng tanggapin kahit gustung-gusto ko kasi prina-prioritize ko sila.

“So, nanghihinayang ako dahil after no’ng pinaghirapan mo, after no’ng mga nangyari sa akin dun, napunta siya sa wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Disappointed talaga, kasi nga…yun, e. Sayang.

"Pero may mga nagsabi sa akin na may mga nangyayari talagang gano’n na hindi maiwasan.

“At least, ito, dumating sila at natuloy yung project,” pagtukoy ng morenang aktres sa Luna Blanca.

Wala raw ipinalit ang ABS-CBN na bagong serye para kay Mercedes.

“Wala talaga. Ang sa akin lang, parang, ‘Okay! Charge to experience na lang.’

“Ang ano ko na lang, at least nakatrabaho ko na rin si… okay naman yung mga actors, directors na nakatrabaho ko dun.

“Nagpapasalamat ako sa kanila dahil inalagaan rin talaga nila ako. Nagpapasalamat ako sa mga actors na nakatrabaho ko.

“Dun lang talaga ako nanghihinayang dahil yung pinaghirapan namin, hindi makikita o mapapanood ng tao.”

Bukas pa naman daw si Mercedes sa anumang panibagong offer ng ABS-CBN.

“Kung may io-offer naman sila uli, wala namang problema.

"Sana matuloy naman next time,” nakangiti niyang sabi.

WORKING WITH CAMILLE PRATS. Nakakailang taping days pa lang si Mercedes bilang kaibigan ng bidang si Camille Prats sa kanilang Kapuso series.

Ginagampanan niya ang papel bilang ina ng young star na si Arkin Magalona.

Maayos ang mga unang araw ng taping ni Mercedes kaeksena si Camille, pero hindi rin daw maiwasang hindi siya kabahan noong umpisa.

Aniya, “Yung characters naming dalawa, mag-best friend, e.

"Yung una, nandun yung… baka… kasi hindi ko siya kilala as a person.

“Natuwa rin ako kasi napaka-friendly talaga niya at hindi mahirap na maging close rin kami.

“’Pag ginawa namin ang eksena, nagiging totoo siya.

"Hindi yung nagpaplastikan lang kami na parang, ‘Ay, kinakaibigan mo lang ako kasi kailangan, e.’

“Hindi ganun. Totoo yung pagiging magkaibigan namin.

“And acting-wise din, kailangan kong pantayan. Minsan kasi masyado akong nagpi-film or mababa,” pagbanggit niya sa mas restrained na pag-arte sa pelikula.

“So, nagkukulang. So, kailangan kong i-up talaga.

"Hindi pwedeng mag-under acting ka!” natatawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHOLESOME, FINALLY? Ibang Mercedes Cabral daw ang mapapanood ng kanyang mga tagasubaybay sa TV soap na ito. Balot na balot ang katawan at hindi nagpapaseksi.

“At least dito, makikita ako ng tao kung ano ang kaya kong gawin at ihain.

“Hindi yung… yun nga, nai-stereotype ako sa mga sexy characters nga.

"‘Eto, binibigyan ako ng pagkakataon kung ano pa yung ibang kaya kong ipakita.”

BIG SURPRISE! Hindi makapaniwala si Mercedes sa mainit na pagtanggap sa kanya ng production staff ng Luna Blanca gayong baguhan pa lang siya sa mundo ng serye.

“Sobrang hindi ko ini-expect na magiging ganun ang pagtanggap nila sa akin at pag-asikaso nila sa akin,” bilib niyang kuwento.

Dagdag pa niyang kuwento, “Tinawagan ako ng manager ko para ibalitang may offer nga sa akin ang GMA-7 para sa isang series nila.

"So, pagbalik ko dito from Tawi-Tawi [sa pag-shoot ng indie movie na Thy Womb], wow! Magti-taping na agad ako or story conference na.

“Nagulat at natuwa ako dahil nandun yung… nakakatuwa kasi kilala nila ako, e.

“Alam nila kung ano na at kung sino na yung mga nakatrabaho ko. Ramdam ko talaga yung respeto nila sa akin.

“Kaya nga masaya ako kasi ’eto na, matutuloy na yung mainstream ko. Kasi ini-launch na sa press and media.

"Ipinakilala na rin ako as one of the cast.”

NORA AUNOR. Maliban sa TV project, may natapos ding bagong indie film si Mercedes, kung saan first time nilang nagsama ng Superstar na si Nora Aunor sa direksiyon ni Brillante Mendoza.

Ito ang Thy Womb na kinunan sa Tawi-Tawi City sa Mindanao.

Nangingislap ang mga mata ni Mercedes sa pagkukuwento ng kanyang mga naging karanasan sa pakikipagtrabaho sa Superstar.

“Sobrang napaka-down to earth niyang tao,” saad niya.

“Una yung location din, Tawi-Tawi, na ang dating sa tao dun, ‘Delikado dun. Huwag kayong pumunta, hindi safe dun.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi nila alam na ang magulo dun ay sa Jolo at sa Basilan.

"At saka yung sa Tawi-Tawi, yung mga tao dun, napaka-friendly nila, napaka-warm.

“Grabe ang suporta nila na ibinibigay nila sa akin.

“Kay Miss… kay Tita Guy [palayaw ni Nora] naman, hindi ko ini-expect na ganun siya ka-down-to-earth na tao.

“Like for one week, may one time no’n na nag-aayos ako ng gamit dahil lilipat na kami ng isla, so ako lang yung nasa kuwarto.

“’Tapos may kumatok sa kuwarto. And then pagbukas ko, si Tita Guy, may dala-dala siyang bowl of noodles.

“Nagme-merienda sila at that time. Dinalhan niya ako.

"Sobrang naano talaga ako sa gestures niya,” kuwento niya.

Ikinukumpara ni Mercedes si Nora sa ibang mga artista pagdating sa pagiging humble nito.

“Hindi lahat ng artista na nakita ko at nakatrabaho gaya ni Tita Guy.

"Sa akin kasi, hindi ko naiintindihan kung bakit may mga ganung artista na…

"Ang tingin ko kasi, ‘etong ginagawa namin, ang pag-aartista, trabaho lang ito, e.

“So, pare-pareho lang kaming binabayaran; director, assistant director, yung mga tigabigay sa amin ng kape, staff and crew, lahat kami nagtatrabaho.

"So, hindi ko maintindihan na may mga actor na ganun ang ugali,” pagtukoy niya sa mga ibang artistang mayayabang.

“Ang difference lang siguro sa trabaho namin sa iba, kami yung nai-expose, nakikilala kami ng tao.

“Pero hindi naman excuse yun para iangat mo sa ulo mo [ang kasikatan] at maging mayabang talaga.

“May mga nakatrabaho na ako na talagang ako mismo na, ‘Wow! Idol pa naman kita pero ganyan ka?’ May mga gano’n.

“Kaya nga ibang-iba talaga si Tita Guy. To think na ang laki-laki niyang artista at ang laki ng nagawa niya para sa industry, pero napaka-down to earth niya.

“Nakapa-humble niya. Lahat pantay-pantay sa kanya,” papuri niya sa Superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Mercedes, “Nag-iisa lang kasi si Tita Guy, e. So, kung ano yung narating niya, hindi ko talaga mararating yun. Iba yung tatahakin ko.

“Pero yung magkaroon naman ng mga acting recognitions at award, local and abroad, yun ang wish ko na sana ma-achieve ko naman gaya no’ng kay Tita Guy.

“Saka gusto kong makilala bilang isang character actor na kung ano yung kaya kong gawin acting-wise, makilala at matanggap ako ng mga tao.”

MAINSTREAM ACTRESS? Ngayong opisyal na siyang TV actress, hindi rin niya raw masasabing mainstream actress siya.

Paniniwala niyang komento, “Well, ang pagiging actor naman kasi wala naman sa mainstream o indie ’yan, e.

“Kung actor ka, actor ka talaga. Nagkakaiba lang kung ano ang pinakamarami mong nagagawa talaga.

“Pero ito, dahil nagti-TV na ako, kung magugustuhan ako ng mga tao at mabibigyan pa nila ako ng maraming projects sa network na ito, hindi ko pa rin talaga iiwan ang indie.”

BYE SEXY ROLES? Bakit tinanggap niya ang mother role sa Luna Blanca samantalang karamihan ng mga papel niya sa indie ay sex symbol, dalaga, o isang liberated single woman?

“Sa akin, okey lang e. Character ito na ibinigay sa akin.

"Ang sa akin naman, isa lang itong character o trabahong in-assign sa akin na gawin.

“Pero it doesn’t mean na… nandun rin yung takot ko na baka after nito, hindi na ako bigyan ng mas younger role. Baka puro nanay na.

“Pero sa tingin ko, hindi naman, e. Challenging rin naman sa akin yung role. Gusto ko lang ipakita yung versatility ko.”

Wholesome ang Luna Blanca unang-una dahil pangtelebisyon at dala na rin sa mga batang cast nito.

Tatanggap pa ba siya ng daring roles o pelikulang may hubaran na indie film?

“Sa akin kasi, yung mga gano’n, depende sa character, sa script at sa director,” sagot ni Mercedes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro ili-lessen ko lang talaga or pag-uusapan kung papayagan ba nila ako,” na ang tinutukoy niya ay ang producer ng Luna Blanca.

“Depende na lang siguro sa project. Willing naman akong mag-adjust.

"Pero depende yun sa mapag-uusapan namin ng manager ko.

“Kung kailangan talaga at nagustuhan ko yung project, ipapaalam lang namin kung okay lang ba talaga ito.

“Kung hindi sa kanila okay, mapag-uusapan ‘yan ng director sa offer ng indie project sa akin na, ‘Hanggang dito lang po ako. Pero gusto kong gawin itong project na ito.’

“Pero bago pa naman mangyari itong Luna Blanca, ni-lessen na siya talaga.

"Ayokong… kasi nata-typecast na ako sa mga sexy characters, e.

"Na sa akin, okay lang yun kasi effective ako sa mga characters na ganun.

“Pero ang gusto ko rin naman, yung iba’t ibang characters ang ma-explore ko.

“So, binawasan ko na rin yung pagpapa-sexy or paghuhubad.

"Tatanggapin ko ang character na may ganito pa rin kung may kakaiba doon sa gagawin ko... sa script, sa istorya o role na ibibigay sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN