Jolina Magdangal on having a baby: “Never on hold ang baby."

Jolina Magdangal clarifies that she and husband Mark Escueta never thought of not having a baby yet: "Hinihingi ko nga, e. ’Tapos, io-on hold ko? Iniba ko na lang yung...iniba muna namin. Kasi, the more yata na hinihingi, the more na feeling mo... kapag gusto mo, then, wala, parang mas masakit."


May kalahating taon na rin magmula nang ikasal sina Jolina Magdangal at Mark Escueta.

Tila nagulat pa si Jolina dahil ang bilis daw kasi at naka-six months na pala sila bilang mag-asawa.

Kung may mapapansin man kay Jolina, basta rin lang ang topic ay ang buhay may-asawa, larawan pa rin siya ng kasiyahan at kilig.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-actress sa set ng bago niyang programa na Personalan sa GMA News TV na ipinapalabas mula Lunes hanggang Biyernes.

HER KIND OF HOME. Naitanong namin kay Jolens, palayaw ni Jolina, ang tungkol sa paghahanap nila ng bahay ng kanyang mister.

Matatandaan kasing bago pa sila ikasal ay ito na ang kanilang prayoridad. Mansion ba ang kanilang hinahanap kaya sila natatagalan makakita?

“Hindi nga. Ang gusto nga namin yung tipong... grow with you.

“Halimbawa, may bahay na. Yung simple muna. Pero same muna, hindi lipat-lipat.

“Gusto ko nga yung kapag nadaragdagan ng family... basta ang pinakagusto ko lang, may backyard, may garden.

“Kasi, ang talagang nai-imagine ko, nagpi-picnic din kami do’n. May mga lanterns.

“Kapag napag-tripan namin, magka-camping kami do’n, magba-barbecue.

"Swimming na inflatable [pool] lang kasi, hindi ako marunong mag-swimming," paglalarawan niya sa kanyang dream house.

Noon pa raw ay nai-imagine na ni Jolina ang ganoong klase ng senaryo kapag may sarili na siyang pamilya.

Aniya, “Talagang dati noon, kapag nakakapanood ako ng mga ganoon, masyado akong nako-cozy-han.

“Hanggang sa tatanda na kami doon. Kaya yung chair na ginamit namin ng kasal, doon yun.”

HER PLACE OF CHOICE. Sa Quezon City area raw sila naghahanap ng magiging bahay nila. May mga nakikita na rin daw sila na nagugustuhan nila.

“May nakikita rin kami. Merong lupa lang. Merong may bahay na fully-furnished.

“Maganda ang pagka-renovate na six years nang tinirhan, okay rin.

“Meron namang yung presyo nito, ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre, kailangan muna naming isa-isahin.

“Ano ang magiging tapos ng taon. Ano ang tingin namin na magiging income both.

“Kaya nga kapag may topic na live-in sa Personalan, ‘Hay naku, alam n’yo na ba?!’

So far, so good.” pagtukoy niya na hindi biro ang pag-aasawa.

"BABY PROJECT?" Posibleng ngayong taong ito, may sarili na silang bahay?

“Yun ang goal namin. Bago matapos ang taon.

"Na hindi matatapos ang taon na hindi natin natupad ang isa nating gusto.

“Feeling ko, baka may mga inaayus-ayos pa, baka kaya hindi pa binibigay ni Lord ang mga kabataan,” biro niya sa pagkakaroon ng baby.

SUBMISSIVE WIFE. Pagkatapos ng kasal, sa bahay na nina Mark kasama ang pamilya nito sa Parañaque tumuloy sina Jolina.

Ito ay sa kabila na may malaki rin silang bahay sa Quezon City, pero ang mga magulang ni Jolina ay mas madalas na sa Tagaytay pumipirmi dahil sa kanilang restaurant doon na Memory Lane.

Talagang pinapraktis niya ang maging submissive wife?

“Parang... kasi sa kanya [Mark] yun, e. Ma-feel niya.

"At saka, yun naman talaga, di ba?

“Pero hindi naman habang buhay do’n. Siyempre, bubukod pa rin.

"So, tingin ko, nasa tamang flow kami.”

IN HIS TIME. Binigyang-linaw naman ni Jolina na hindi totoong pinipigilan pa nila ni Mark na magkaroon na ng anak.

Sabi nga niya, “Never. Never on hold ang baby.

"Hinihingi ko nga, e. ’Tapos, io-on hold ko?

“Iniba ko na lang yung... iniba muna namin.

"Kasi, the more yata na hinihingi, the more na feeling mo... kapag gusto mo, then wala, parang mas masakit.

“So ngayon, sige na lang. Basta ako, may matupad kaming goal, masayang-masaya ‘ko.

“Kung yung baby yun, okay na okay. Kung hindi man, okay lang din.

“Kasi, alam ko na ibibigay Niya yun sa tamang time.

“Kasi, hindi rin naman madali ang isang bahay lalo na kung gusto ninyong doon na tumanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan maganda-ganda ang hitsura noon.

"Yung baby, anytime naman.”

So far, kumusta ang adjustment stage nilang mag-asawa?

“Walang negative, e. Wala.

"Alam n’yo, hindi ko nga alam, ayoko namang kuwestiyunin bakit walang negative.

“Ayoko naman siyempre ng negative. Pero, wala pa akong naiisip na, ‘Shocks, ito yata yung dumadaan sa ganitong stage.’

"Pero, hindi, e.

“Masarap talaga yung feeling na may kakampi ka talaga.

“Kasi, hanggang ngayon, nati-test yung teamwork namin sa mga bagay-bagay na nangyayari.”

Sila rin daw ni Mark, ugali raw nila na kapag may isyu o pinag-uusapan sila, sinisigurado raw nilang tinatapos nila ang pag-uusap ukol dito bago ito matulog.

Hindi pa rin natutuloy ang honeymoon nila. Kailan nga ba nila ito planong gawin?

“Naiba-iba yung plano.

"Noong Holy Week, dapat magkakaroon kami... nagkaroon siya ng infection sa mata na hindi siya puwedeng maalikabukan… na masakit. Na dinala ko pa siya sa Asian Hospital.

“Kaya sabi ko na lang, ‘Baka... hindi naman kasi lahat ng bagay mangyayari.’

“Kasi, first time kong mag-Holy Week sa bahay lang. Palagi kaming nag-a-outing.

"Yung sa bahay lang na gigising ka, wala kang iisiping gawin, ’nood ka ng TV,” sabi ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN