Angeline Quinto on kissing scene with Coco Martin: "Ang bango ng hininga, so yummy!”

Angeline Quinto on starring in her own movie: “Bata pa lamang po ako, pangarap ko na talagang maging singer. Yung pagiging aktres, siyempre, pangalawa po sa pagiging singer na pangarap ko. Kaya noong nabigyan nga po ako ng chance na makagawa ng movie, agad-agad nga po, ay hindi muna naging teleserye muna. ’Tapos, ayun po, sobra-sobra nga po ang blessing."


Finally, ipalalabas na ang pelikulang Born To Love You ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Coco Martin at Angeline Quinto.

Ang pelikulang ito ang maglulunsad sa acting career ni Angeline.

Ayon kay Angeline, “Bata pa lamang po ako, pangarap ko na talagang maging singer.

“Yung pagiging aktres, siyempre, pangalawa po sa pagiging singer na pangarap ko.

“Kaya noong nabigyan nga po ako ng chance na makagawa ng movie, agad-agad nga po, ay hindi muna naging teleserye muna.

“’Tapos, ayun po, sobra-sobra nga po ang blessing.

“Bukod po sa pagkapanalo ng Star Power, sumunod na ang movie.

“’Tapos ang mga kasama ko pang artista ay mga hinahangaan ko. Bigatin po.

“Lalo na si Coco. Sir Albert [Martinez], Tita Malou [de Guzman]. Kaya yun po... sana po ay manood kayo.”

Nagakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Angeline sa presscon ng Born To Love You kahapon, May 16, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Pangarap din ba niyang makagawa ng teleserye?

“Opo naman,” sagot ni Angeline.

“Kaya lang nga po minsan, mahirap daw po. Halos araw-araw raw po ang taping doon.

“E, kapag hindi po kayanin kapag may mga raket naman... raket?” natawa niyang sabi.

“Naku, nabuking tuloy ako!

“Kapag ano, may mga guesting na lang. Mga guesting na hindi puwedeng magpuyat ako.

“Depende kung bibigyan naman ako ni Coco ng suweldo buwan-buwan,” biro na naman niya.

ANGELINE’S "SEXY" SCENES. Sa trailer ng Born To Love You, ipinakita ang pagsusuot ni Angeline ng bikini sa beach scene nila ni Coco.

Nakuha pa nitong magbiro ng “hindi naman po” nang tanungin kung nailang ba siya sa eksenang yun na kinailangan niyang magpakita ng kaseksihan.

Pero bawi ni Angeline, “Joke lang po. Baka maniwala kayo.

“Siyempre po noong una, niloloko ako ni Direk [Jerome Pabocan] na magtu-two-piece ako.

“Sabi ko, ‘Parang hindi ko pa yata panahon. Binigyan n’yo nga ako ng pelikula, two-piece agad!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga po, ‘Huwag na muna sanang two-piece.’

“’Tapos ayun, na-carry naman. Nakita n’yo po naman, pumayat na rin po ako ngayon kesa dati noong Star Power na sinasabi n’yong kamukha ko si Vandolph!” natatawa niyang sabi.

“At saka, talagang pinagsikapan ko po talagang maging seksi para sa movie namin.”

KISSING SCENES. Marami rin daw kissing scenes sa pagitan nila ni Coco sa romantic movie na ito ng Star Cinema.

Pero ayon kay Angeline, “Marami-rami po. Pero sana po, panoorin n’yo na lang.

“Bukod naman po sa kissing scene, marami pa pong nakakakilig na eksena po kaya sana po, panoorin n’yo.”

At saka pa ito humirit ng: “Gusto n’yo ba ngayon?”

Nangingiti lang naman si Coco sa mga hirit ni Angeline.

Sa isang brand ng mouthwash naman inihalintulad ni Angeline ang halik daw ni Coco nang tanungin kung “yummy” rin daw ba ito sa kanya, ‘tulad ng naging hirit ni Coco sa kissing scene nila.

“Listerine, e. Amoy Listerine. Ang bango ng hininga, so yummy!” bulalas ng singer.

Ano ba ang feeling na ang crush niya ay leading man na niya?

“Siyempre, masayang-masaya po ako.

“Dati, pinapangarap ko lang na sana makasama ko siya sa isang trabaho.

“‘Tapos ngayon po, natapos na nga yung movie namin.”

Buong-ningning namang inamin ni Angeline na nakadalawang boyfriends na siya. Nakuha pa rin nitong magbiro na “magkapatid” ang naging kasintahan niya.

Pero bawi niya agad, “Joke lang! Joke lang ha, baka maniwala kayo.”

LEAD STAR. Bilang baguhan sa paggawa ng pelikula, masasabi ba ni Angeline na may karapatan na siyang maging bida sa pelikula?

“Kung maipalabas na nga po ang movie, doon ko po masasabi kung may karapatan na nga po akong maging bida, ‘Ay, bida na nga ako!’

“Sa mga susunod po siguro.”

Wala siyang kaba o nerbiyos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron po siyempre. Hindi naman maiiwasan yun talaga.

“Normal naman po yun talaga lalo na sa akin na unang-una ko po itong pag-arte.

“Alam n’yo naman po na singer ako. Mahirap po sa amin noong una, pero sa awa po ng Diyos, e, nairaos naman po namin,” sabi ni Angeline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN