Public viewing of American Idol to be held in Samal, Bataan to show support for Jessica Sanchez

“You deserve to be in the show, don’t let anyone tell you otherwise. The Filipino people are proud of you, you make us prouder knowing that your roots came here from Samal, Bataan," says Mayor Generosa dela Fuente-Malibiran about American Idol finalist Jessica Sanchez (in photo).


Mabibigyan ng pagkakataon ang mga residente ng Samal, Bataan na mapanood ngayong gabi (May 17) at bukas (May 18) ang American Idol dahil sa public viewing sa Samal covered court na project ni Samal Mayor Generosa dela Fuente-Malibiran.

Isa sa Top 3 ng American Idol Season 11 ang Filipino-Mexican-American na si Jessica Sanchez.

Nagmula sa Samal, Bataan ang ina ni Jessica na si Editha.

Hindi lahat ng mga residente ng naturang bayan ay nakakapanood ng American Idol kaya nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ni Mayor Malibiran at ng CIGNAL TV.

Ang public viewing ng American Idol ang paraan ng pagpapakita ng suporta kay Jessica ng CIGNAL TV at ng kanyang mga kababayan sa Samal.

Nagbigay rin ng mensahe si Mayor Malibiran para kay Jessica dahil sa inspirasyon na ibinibigay nito sa Samaleños.

“You deserve to be in the show, don’t let anyone tell you otherwise. The Filipino people are proud of you, you make us prouder knowing that your roots came here from Samal, Bataan.

“It is with great pride and joy that we can again hear our idol sing and once again enchant the whole world with her singing prowess. You inspire us... keep inspiring Samaleños."

Pinasalamatan din ni Mayor Libiran ang management ng CIGNAL TV dahil hindi maisasakatuparan ang public viewing ng American Idol kung wala ang suporta ng nabanggit na premier-direct-to-home satellite provider company.

Sa performance night ng Top 3 ay tigta-tatlong kanta ang kinanta nina Jessica, Joshua Ledet, at Phillip Phillips—Judges’ Choice, Contestants’ Choice, and Jimmy Iovine’s choice.

Ang pinili ng judge na si Jennifer Lopez para kay Jessica ay "My All" ni Mariah Carey.

Ang pinili naman ni Jessica para sa kanyang sarili ay "I Don’t Want To Miss A Thing" ng Aerosmith.

Ang pinili ni Jimmy para sa kanya ay "I’ll Be There" ng Jackson 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN