Pia Magalona on son Frank’s alleged involvement in the Albie Casiño mauling: "Just look at our [family’s] history siguro."

“And yun nga ang sinasabi ko na yung family naman namin, wala naman kaming inaagrabyadong ibang tao and never naman kaming nakipag-away. Basta, assertive lang kami. Hindi yun pakikipag-away kung ipinakikipaglaban mo yung karapatan mo, di ba? Kasi siyempre, doon ka lang sa tama,” says Pia Magalona when asked how she’s taking her son’s alleged involvement as one of the attackers of Andi Eigenmann’s ex-boyfriend, Albie Casiño.


Matapos ang halos dalawang linggo, naging maagap si Pia Magalona sa paglalahad ng kanyang saloobin tungkol sa pagtukoy sa anak niyang si Frank Magalona bilang isa diumano sa mga nanakit at bumugbog kay Albie Casiño sa Fiamma Bar noong May 5, kaugnay ng hindi maayos na pagkikita ng young actor at ng ex-girlfriend nitong si Andi Eigenmann.

(CLICK HERE to read related story.)

Kinukondena ni Pia ang pagbibintang agad sa kanyang binatang anak gayong wala pa raw matibay na pruweba na kabilang nga si Frank sa mga kumuyog kay Albie.

Matapos ang paglalabas ng kanyang official statement, umiwas na si Pia na magsalita pa tungkol dito gaya ng pagtatangka niyang huwag na itong pag-usapan pa sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Luna Blanca noong Martes, May 15, sa Studio 6 ng GMA Network.

Sinamahan kasi ni Pia ang kanyang anak na si Arkin Magalona na isa sa cast ng nabanggit na serye. Siya rin daw ang tumatayong manager ng bata.

“I don’t wanna say anything if it’s about Frank. I don’t wanna talk about that at all, actually,” pagtanggi niyang sagutin ang pagtatangka naming pag-usapan ang isyu.

Pero no’ng sabihin namin sa kanyang nasaktan siya sa pagbibintang ng mga kung sinu-sino sa kanyang anak, nagbigay na rin ng kanyang pahayag si Pia.

“You can’t go around accusing…accuse kaya kita? Try mo?” komento niya.

Nakaka-offend ba talaga ang mapagbintangan?

“Ay, talaga! That’s what I said, ‘I’m offended!

"That’s what I said...that’s it!” saad niya.

Napatawad na ba niya kung sinuman ang naglabas o nagsabing isa sa mga bumugbog kay Albie ay anak niya?

“I don’t like that, e, na napatawad or what. Basta, I’m just really offended.

“You know with the media na basta nila nilabas yung mga pangalan ng mga tao na hindi pa naman proven.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And it’s a 21stcentury... na ganyan pa rin yung ano [kalakaran], ‘di ba?”

FRANK IS OF AGE. Tumutol si Pia sa mga nagsasabing bagets pa ang anak niyang si Frank.

“My son is not bagets, he’s 24.

"My son is he’s own person since he was 18. So, he has own free will.

“But I wasn’t there kaya I can’t nga say anything regarding that.

“I’m just really offended by the media and from people who talked about it as if it’s a matter of fact na ganun ang nangyari.”

Kumusta naman si Frank?

“Siyempre, he’s angry,” banggit niya sa naging unang reaksiyon ng anak.

“Ikaw kaya…anybody naman who’s…siyempre kami, I brought him up to assert their right, di ba?

“Anybody who’s in their right of mind and who know their rights, siyempre nagagalit, di ba?

“But of course, I did not brought them up to be impulsive and to just react like that.

“So, I guess I’m proud na very proper naman yung palaki ko sa mga anak ko.”

Wala raw ideya si Pia kung nagkaroon na ba ng correction o erratum sa mga nagbintang kay Frank.

“I’ve no idea. I’ve no idea,” naiiling niyang sabi dahil naaalala niyang ayaw niyang magsalita pero nagbibigay na siya ng statement sa amin.

“Yun nga, ang start ko dito I don’t want to talk about it pero kung anu-ano na ang nasasabi ko. Pero paulit-ulit lang naman yung sinasabi ko.

“Anyway, I’d rather say nothing much...”

Tama na ba sa kanya na nagsalita lang siya kahit walang nagwasto sa balita na hindi talaga kasama sa mga bumubugbog kay Albie si Frank?

“Pinu-provoke mo talaga ako,” nangingiting tugon ni Pia.

PROTECTIVE MOM. Kilala si Pia na hindi papayag na maagrabyado ang sinuman sa mga mahal niya sa buhay, lalo na ang kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, oo nga. Mali talaga yun.

"E, ako, I always think na hindi na baleng ano… basta, hindi ako nanakit ng ibang tao.

“Hindi ako nakaka-offend ng ibang tao, I’m fine with that. I’m like that.

“I’m proud to be a respected person.

"Yun nga ang lagi kong sinasabi na the best feeling is yung nirerespeto ka.

“So, okay na sa akin na I just keep my peace and ipinapasa-Diyos ko lahat.

“Ganun naman dapat, di ba? May pasa-Diyos file ako, e.” nangingiti niyang paliwanag.

Ibig sabihin, okay na lang na dumaan na ganun na lang ang issue?

“Um, it’s not even an issue. And sa akin kasi, I don’t know it’s our culture I guess.

“And kailangan palitan natin yung sa culture natin na basta-basta na lang nakakapagsalita..

“Saka yung mga tao rito nagdya-judge lahat talaga. And ako, just look at our [family’s] history siguro.

“And yun nga ang sinasabi ko na yung family naman namin, wala naman kaming inaagrabyadong ibang tao and never naman kaming nakipag-away.

“Basta, assertive lang kami. Hindi yun pakikipag-away kung ipinakikipaglaban mo yung karapatan mo, di ba?

"Kasi siyempre, doon ka lang sa tama.”

MEDIA’S FAULT? Sa press lang ba sumama ang loob niya o parang napikon siya dahil sa mga lumabas sa diyaryo na naituturo nga si Frank na isa sa mga nanakit kay Albie?

“Sa akin naman kasi, ang top is media. Kasi sila lang yung may power na ilabas.

“Kahit nga magkuwentuhan tayo buong gabi kung hindi mo ilalabas lahat ng kuwento ko sa iyo, walang makakaalam no’n, ‘di ba?” pagbibigay paliwanag niya kung bakit ang press ang puntirya ng pagpuna niya.

“So, I really have to say na it’s the media.

"Kasi nakita ko talaga online kaagad na nandun yung pangalan [ni Frank]. Sige pa rin sila. Sige lang nang sige.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa akin kasi, you have to take responsibility as journalist…so called journalists.

“Akala ko ba alam n’yo yung rules?

"Ako kasi, sumusunod lang sa mga rules na dapat sundin. Kasi nga ayokong makatapak ng ibang tao.”

Paano siya naapektuhan at anak na si Frank?

“Siyempre, nai-scandalize kami. E, hindi naman kasi sanay sa ganyan.

"So, parang the less we talk about it, parang it’s better.

“It’s not funny really. It’s not something to be taken lightly. Hindi naman ako madramang tao.

"So, I just use my common sense. I just use my head and I’m just malumanay,” paliwanag ni Pia.

Hindi rin daw siya bungarera o talakera.

“Oh, yeah. You know me naman since I was in my 20s. And gusto mo in my teens pa?” natatawa niyang sabi.

“So, yun lang.

“Alam mo naman na hindi ako sanay sa mga ma-spotlight na lugar.

“So, basta I told my son na, ’Just do your job. Do your job well or your work well. And your work will speak for you.’

“My son is an artist. He’s just really quiet. Kung puwede nga lang diyan lang siya sa house.

“Ganyan naman sila, e. Parang kung hindi naman sila kailangang lumabas para mag-promote-promote, hindi naman talaga sila ano, e…

“Wala, I just trust na tama ang pagpalaki ko sa mga anak ko and close naman kami.”

HER SON ARKIN. Maaliwalas naman ang mukha ni Pia habang ipinagtatanggol ang anak na si Frank Pero mas lalong nagliwanag ang mukha nito nang ibaling namin ang usapan sa child star niyang anak na si Arkin.

“It’s actually first time niyang mag-full length sa drama,” lahad muna niya.

“Kasi before, he used to play the young Dingdong [Dantes] and then he played the young Frank [kapatid ni Arkin].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Twice siyang naging young Dingdong. Then once lang siya as young Frank.

“’Tapos, the movie of Elmo [kapatid din ni Arkin] he’ll be the young Elmo.

“And usually sa Party Pilipinas siya. Pero he’s really… makikita mo na he’s an actor rin naman and he enjoys it.

“Actually, he likes more challenging roles. He likes to do the offbeat. Offbeat ba tawag natin doon noon?

“Gusto niya talaga na really-really challenging.

"Kasi competitive sila sa isa’t- sa. Silang magkakapatid. Pero in a very professional way.

“I like kasi kapag nag-uusap sila. They talk about their plans at kung ano yung mga gusto nila.

“Arkin really likes medyo challenging roles. Kaya lang GMA says na parang huwag muna.

"Baka hindi bagay sa name na dinadala rin niya.

“I hope sometime sa indie, baka puwede.

“Yeah, talaga there was this role na they wanna put him in na talagang black [dark character]… not even gray.

“Ako, okay lang. I let them decide kung ano ang mga interes nila.

“So, sila, they were kinda disappointed dahil akala nila gagawin na ni Arkin yung role.

“Pero hindi raw muna sabi ng GM-7... Actually, it’s for a movie.”

EDUCATION IS IMPORTANT. Paano na ang pag-aaral ni Arkin ngayong may regular show na siya?

“Ay, nag-aaral siya. He goes to school of course! Put that there, ha?” na ang tinutukoy niya ang katotohanang nag-aaral si Arkin kahit nag-aartista ito.

“Put that there, ha! Yung mga madudunong diyang tao na nag-a-accuse sa akin na hindi nag-aaral yung mga anak ko.

"Of course not!

“Kasi it’s hard, e. I don’t blame them kasi hindi naman nila kami kilala masyado.

“But they should know na lahat naman [ng anak ko] nagtapos ng pag-aaral.

“Si Arkin regular school, sa Montessori. Lahat ng mga anak ko, went to the same school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Elmo naman, he finished high school two years or a year ago. Then, he’s going to college.

“Hindi lang muna ngayon because he’s finishing Just One Summer. He’s probably gonna go [back to school] in October, the following sem.

“Si Max [Maxene Magalona], di ba? She went to school but she would take the minimum [units] allowed. It’s like three subjects.

“So, she finished college in six years.

"And Frankie finished college in five years. It’s because he changed courses, changed majors.

“Si Saab, she finished [college] regular, four years.

"Of course, si Una, you know naman Una, she has three children, she’s married.

“Si Arkin naman, inabot siya nitong program ng DepEd [Department of Education],” patungkol niya sa karagdagang taon sa elementarya at high school.

“So, inabot siya nun, kaya nagtapos siya ng Grade 6.

"And then, in coming Grade 7 [siya] which is junior high and then magiging middle school and then magiging high school.

“So, it’s that K12 program," patungkol niya sa Kinder to Grade 12 na bagong educational program sa bansa.

"So, he went to the mandatory summer school to Bridge… the Bridge program which transfers you from Grade 6 to Grade 7.

“So, pasukan it’s called Grade 7, pero it’s actually junior high school.

“Pero normally like sina Saab and Max, they finished Grade 6,” esplika niya sa sistema ng pag-aaral ng kanyang mga anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN