Albert Martinez on rift between mother-in-law Amalia Fuentes and Annabelle Rama with daughter Ruffa Gutierrez: “Anti-war ako. Ayoko ng giyera sa Libya, ayoko ng mga ganoon.”

Albert Martinez, much like his father and husband roles, stays close to wife Liezl who is recuperating from an illness. He says: “We’re doing the best possible way na malabanan namin yung certain na problema. Kasi, ang suporta ko sa kanya, we live our lives [as normally] as possible."


May pagmamalaki ang magaling na aktor na si Albert Martinez sa karakter na ginagampanan niya sa bagong pelikula ng Star Cinema, ang Born To Love You.

Ang Born To Love You ay pinagbibidahan at unang pagtatambal nina Coco Martin at Angeline Quinto at si Albert ang gumaganap na ama ni Coco.

Nagmula na rin kay Albert na maganda ang role niya rito sa bagong pelikula sa dinami na ng father roles na kayang nagampanan.

“Maganda ang role ko rito kasi, tinackle nito ang mga problema ng single parent.

“Not exactly the mom kasi, the mom married another man. So ako ang bagong tatay.

“So, ang concern ko rito, very today. How do you handle a displaced son? How can you re-orient him with his new family?

“Meron akong true and real concern sa kanya [Coco], pero ayaw niyang tanggapin.

“So, how do you handle that? So, noong nabasa ko yung concept na yun, sabi ko, ‘Sige, I wanna do it.’

“It’s a subject na I’m very interested [in].”

ON COCO MARTIN. May pagka-rebelde ang dating ng character ni Coco sa umpisa ng pelikula.

“Yes, I’m trying to win him back pero, hindi ko alam kung paano.”

Naitanong tuloy namin kay Albert kung sa estado niya ngayon, natsa-challenge pa rin ba siya sa mga ganoong klase ng character?

“Yes, natsa-challenge ako. It’s something different. Family psychology e. Kapag inisip mo ang problema ng family, sa akin, challenging.

“Kasi, effort mo. How do you please this guy? Every step [forward] na gagawin mo, he will step one foot backward.”

Malaking factor na in real life, hindi na-encounter ni Albert ang ganoong situwasyon.

“My family is complete that’s why alien siya sa akin. “

Isa naman si Coco sa henerasyon ngayon na itinuturing na magaling na aktor.

Sa pagta-trabaho nila ni Coco sa Born To Love You, nakikita niya rin ba ang sarili rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, I see myself in Coco as far as his passion for his work–his sincerity… his commitment.

“That’s what I’m seeing in him and that’s what I believe [helped] me be where I am right now.

“Kasi, sa pakiramdam ko, yun ang key ingredient to success.

“If you love your work, if you’re passionate about it, it will love you back and I see that in him.

“And he’s a guy na hindi pumasok sa utak niya yung nangyari sa kanya; everything goes to his heart and he uses it for his art–hindi nauna yung utak.”

ON ANGELINE QUINTO. Si Angeline ay nakilala bilang singer at ngayo’y bida na sa Born, ano naman ang nakikita niya sa bagong aktres?

“She has a great potential, primarily, she loves what she’s doing and hindi siya pilit. Ibig kong sabihin, gusto niya ang ginagawa niya.

“Hindi lang naman yun, malalim din ang bata. It’s just a matter of giving her the right exposure.”

ANTI-WAR STANCE. Sa isyu at kaso ngayon ng kanyang biyenan na si Amalia Fuentes sa mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez, nangiti lang si Albert.

“Anti-war ako. Ayoko ng giyera sa Libya, ayoko ng mga ganoon.”

Ina ni Liezl si Amalia, hindi ba siya naiipit?

“Ay, I stay in a place—a very happy place.

“Siguro, the reason I’m in a happy place is because I don’t really answer yung mga questions regarding sa kanila.

“I wanna keep my distance. Kanya-kanyang problema ang tao–kanya-kanyang situwasyon.

“I respect them for that.

“Si Liezl naman, she’s a very open-minded person but of course, she’s a daughter. So, let’s take it from there," aniya.

Kaibigan din nilang mag-asawa sina Annabelle at Ruffa.

“Well, we’re really acquaintances. It’s not that we see each other every week…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When we see each other, we’re very civil with everyone. Especially me, ayoko ng kaaway as much as possible.

“So, when I see na wala namang ginagawang masama sa akin, I try to be as civil and diplomatic to every one.”

LIEZL’S HEALTH. Sa kalusugan naman ni Liezl, ayon kay Albert ay maganda naman daw ang mga nagiging resulta ng mga tests nito sa ngayon.

“God’s blessing, yung mga tests ay favorable to us. But of course, it’s a process na will go on forever.

“Continue yung mga test to monitor kung ano ang nangyayari.”

“Well, of course, at first siguro, yung depression was there.

“... But ngayon wala na, the entire family is behind her.

“We’re doing the best possible way na malabanan namin yung certain na problema.

“And so far nga, very positive lahat yung mga result.

“Positive in a good sense, so, we’re happy and again, we’re taking everything day to day.”

“Kasi, ang suporta ko sa kanya, we live our lives [as normally] as possible.

“We don’t talk about it. We enjoy family life. As much as possible, kapag meron akong time, we travel.

“Yun ang favorite ni Liezl, she travels a lot. Any opportunity, any break that I have, biyahe kami.”

Ang primetime series ng ABS-CBN na Princess and I ang kasalukuyang tine-tape pa rin ni Albert at posibleng simulan na nila nina Eric Quizon at Lorna Tolentino ang pelikulang Pusong Mamon, The Reunion.

“Hopefully, we’ll start shooting this month for the movie.

“It’s the reunion–and not part 2,” huling pagliliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN