Sam Milby returns to do a teleserye; reveals meeting a model in New York that he really likes

Sam Milby on trying his luck in New York: “I can say it’s very worth it. It’s because of the fact that it was a great experience, all the auditions and the great feedbacks—and I’m going back. I know there are lots of auditions na mami-miss ko habang nandito ako, but I feel in a way different from when I left here. I just have more desire [to work] and I have more confidence."


Pagkatapos ng halos apat na buwang pagkawala sa Pilipinas para subukan ang kanyang kapalaran sa New York, bumalik na ng bansa ang Film-Am actor-singer na si Sam Milby noong Miyerkules ng hapon, May 16.

“Masaya! I’m so happy to be back!

“It’s been almost four months na wala ako dito sa Pilipinas, Feb. 1 ako nung umalis,” pagbati ni Sam nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagdating niya sa bansa.

Ano ang nangyari sa kanya sa New York at kung may mga nakalinya na ba siyang trabaho na gagawin doon?

Ayon kay Sam, “Madaming auditions, madaming magandang nangyari.

“Ang gusto nila, mas matagal pa akong mag-stay. Pero naiintindihan nila na may prior commitments pa ako dito.

“So, babalik pa ako dun, likely around January of next year.

"May mga ongoing auditions ngayon, but yung main chunk is during those three months.”

Ayon pa kay Sam, sulit ang ginawa niyang pag-o-audition doon kung saan marami siyang natutuhan sa mga naging karanasan niya.

“I can say it’s very worth it,” sambit niya.

“It’s because of the fact that it was a great experience, all the auditions and the great feedbacks—and I’m going back.

“I know there are lots of auditions na mami-miss ko habang nandito ako, but I feel in a way different from when I left here.

“I just have more desire [to work] and I have more confidence.

“I think there’s misconception of things kasi wala akong balak dati na pumunta sa States to try it out there—but it came to me.

“There was a network that liked me and that got me an agency there, so I’m thankful sa lahat ng nangyari.”

THE AUDITIONS. Sabi rin ni Sam, iba ang sistema sa Amerika kung saan kahit sikat ka at may pangalan ay sasailaim ka sa auditions para sa isang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa auditions na ito ay nakita at nakilala niya ang ilang Hollywood celebrities.

Kuwento ni Sam, “It’s all for the major networks, mga lalabas na shows sa CW, ABC, CBS, and mayroong isa sa HBO—and it went really well.

“Nagulat ako kasi sa… sa agency, I met Brooklyn Decker, kasama siya sa movie ni Adam Sandler, Just Go With It, at sa Battleship—bago itong pelikula na lalabas.

“’Tapos when I was at the audition, may nakita akong guy, parang familiar yung mukha.

“I was with a group of people, nag-uusap kami, ‘tapos nalaman ko na siya pala yung lead sa Entourage—si Adrian Grenier!

“Dun, kahit sikat na sikat, nag-o-audition din.

“I’m sure kapag may pangalan na, you get favoritism, of course.

“But still, if you read dun sa magazines, there are others who are not sikat, but they’ve done works, they get the jobs more than the ones that you would think they can get it.

“They all go through auditions and I think that’s actually fair ‘coz it gives everyone a fair chance.”

BONDING WITH HIS DAD. Ang kanyang pagpunta sa U.S. ay nagbigay rin ng pagkakataon kay Sam para makapag-bond sila ng kanyang American father.

“Pumunta siya sa New York for four days.

“Yun siguro sa buong buhay ko ang pinaka-bonding namin kasi workaholic talaga ang tatay ko.

“I just realized that we had all the time to just enjoy our time together.

“Nag-usap kami, I’ve got to learn more about yung pamilya ko sa side ng tatay ko.

“He’s not yet retired… mayroon pa siyang negosyo.

“He’s turning 78 this October… masipag siyang magtrabaho.”

Aminado si Sam na na-miss niya talaga ang Pilipinas at ang mga taong naging malapit sa kanya dito.

“Siyempre, matagal na ako dito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito ang pinakamatagal na wala ako in the seven years that I’ve been here.

“I have a family here, too—Star Magic, Cornerstone… Nene, my PA [personal assistant] has been with me for more than six years. “

BCK TO DOING TELESERYE. Sa pagbabalik niya sa bansa, isang teleserye na pagsasamahan nila nina Judy Ann Santos at Jessy Mendiola ang nakatakdang gawin ni Sam.

“Later this week, malalaman ko kung ano ang kuwento.

“First time ko to work with Judy Ann Santos. Malaking privilege talaga na makasama ang isang Judy Ann Santos.

“Someone with that high of a status, alam ko na marami akong matututunan sa kanya.

“I’ve never worked with her before. I know her and Ryan [Agoncillo, Juday’s husband] so I’m so excited," saad niya.

MEETING SOMEBODY. Bago umalis ng bansa, nasabi ni Sam na baka sa New York niya makilala ang babaeng magpapatibok uli ng kanyang puso.

Nangyari naman ito dahil masayang nagkuwento sa PEP ang aktor tungkol sa isang modelo sa New York na bago raw niyang inspirasyon sa buhay.

Pagtatapat ni Sam, “I did meet somebody, nakilala ko siya a month and a half.. .

“Hindi ko pa puwedeng sabihin ang name niya kasi we’re just friends, pero gusto ko siya... ‘pag may something na talaga.

“Mahirap naman kasi nandito na ako ulit ‘tapos nasa New York siya.

“Modelo siya dun, nagtatrabaho siya sa New York.

“Hindi pa siya nakakapunta dito sa Pilipinas, pero nag-modelling na siya sa SG.

“She’s a quarter Pinay, quarter Dutch, Irish and German."

Dagdag niya, “Nagustuhan ko yung values niya.

“She’s a college graduate but doing modeling too in her line of work.

“In modelling, there’s a lot of things that thay want you to do pero hindi niya ginagawa ‘coz she doesn’t believe it to be right—and I just really appreciate that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s very driven, she has a lot of discipline.

“Ang bait niya, very beautiful.

“Only known her for a month and a half, pero gusto ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN