Bianca King on twin-sharing the title role of Luna Blanca with Heart Evangelista: “It’s such an honor to be sharing the title role with somebody like Heart Evangelista.”

Bianca King is open about her relationship with boyfriend Dennis Trillo. How does Bianca balance career, love life and other activities? "Kailangan lahat ng mahalaga sa buhay mo, mga priorities mo ang mabigyan mo ng equal attention,” she says.


Sa takbo ng kuwento ng Luna Blanca, dalawa ang gaganap sa title role–sina Bianca King bilang si Luna at si Heart Evangelista bilang Blanca.

Directed by Dominic Zapata, bukod kina Bianca at Heart ay tampok din sa Luna Blanca sina Jillian Ward, Mona Louise Rey, Barbie Forteza, at Bea Binene.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bianca kamakailan, inisa-isa niya ang mga challenges na hinarap niya sa Luna Blanca.

“Well, first, title role ko siya, I mean first siya talaga sa akin na makikita mo na yung pangalan ng character ko, iyon yung pangalan ng show.

“And it’s such an honor to be sharing the title role with somebody like Heart Evangelista, na lumaki ako pinapanood ko siya sa TV.

“And then when I directed a music video when I was still in school, kinuha ko siya [Heart] as the leading lady in the music video, because I admire her beauty and talent.

“So now, sobrang surreal para sa akin na ako na yung… na makaka-eksena ko siya for the first time, yung ganun,” kuwento ni Bianca.

“And an added challenge, of course, is the fact na pipinturahan ako ng black dito.

“So ano, parang lahat ng mga roles na ginawa ko last year and this year prepared me again for Luna Blanca kasi ano e, mas malaki e.

“Kailangan times ten kasi hindi kita yung facial expression ko because of the paint.

“But it’s a small sacrifice, you know, yung konting hassle ng having paint on the whole day.

“It’s a small sacrifice talaga to make people happy, to entertain the audience.”

DARK MAKE-UP. Gaano katagal “pinaiitim” si Bianca?

“Parang mga thirty minutes lang naman kasi nagtutulungan naman e.

“Dalawang tao ang gumagawa and then ‘pag sa face, ako na yung nag-a-outline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So iyon, medyo mas mahirap yung pagtanggal, actually, kasi nanunuot siya sa loob ng tenga, sa kuko, sa ilong.

“At sa buong duration of the show, magmumukha yata akong taong-grasa kahit wala sa taping.

“Nag-i-stain siya in some parts, e. Iyon.”

Hindi pa siya nakakapag-taping kasama si Heart.

“Soon. Hindi pa definite yung time frame pero ang target taping namin is July.”

Tatlong henerasyon ang iikutan ng kuwento ng Luna Blanca na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey muna ang mapapanood, bago susundan nina Barbie Forteza at Bea Binene, bago sina Bianca at Heart.

Paano nababalanse ni Bianca ang kanyang career at love life sa dami ng projects niya sa loob at labas ng Kapuso network?

“Oo nga po e, since Captain Barbell.

“Sinisikap ko talagang maging balanced yung buhay ko. Siguro nasa upbringing na rin ng parents ko.

“Na kailangan lahat ng mahalaga sa buhay mo, mga priorities mo ang mabigyan mo ng equal attention.”

DEEP RELATIONSHIP. Lucky charm siguro ni Bianca ang boyfriend niyang si Dennis Trillo.

“Most probably,” napatawa si Bianca.

Bukod sa ipinamalengke at ipinagluto niya ng mga paboritong seafood mula sa Boracay, may iba ba siyang regalo kay Dennis noong birthday niya?

“Meron din. I won’t say na lang, hindi ko rin naman sinabi kung anong gift niya sa akin.

“Para may konting mystery naman.”

Wala bang clue kung ano iyon?

“Basta very practical, very practical siya, everyday niyang magagamit.”

Si Dennis na ba ang Mr. Right sa buhay niya?

“Maybe I’ll have an answer to that later on. Iyon.

“Kasi parang that’s so deep; it’s so deep for me right now na my career is just starting so I really want to focus on my career.

“At tsaka siya, sobrang excited siya para sa akin kasi paumpisa pa lang talaga yung totoong career ko bilang malaking artista sa GMA, so iyon muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong kay Bianca kung ilang months na silang may relasyon ni Dennis.

Tumawa muna si Bianca bago sumagot.

“I don’t answer questions like that,” at tumawa uli. “Sorry po.”

Nahingan si Bianca ng tatlong rason kung bakit hindi siya makasagot sa tanong tungkol sa kanila ni Dennis.

“First, it’s personal, second, because we’re here to talk about Luna Blanca and [third], because I want the fans to get to know me for my body of work.”

BONDING PROCESS. Nakasama lang sa video na ginawa ni Bianca si Heart, pero never pa niyang nakasama kahit sa anong soap opera.

“Never. Nagkakasama kami sa mga production number sa Party Pilipinas pero never pa kaming nagkaeksena.”

Masaya si Bianca dahil alam niyang mas lalo silang magba-bonding ni Heart sa taping ng Luna Blanca.

“Definitely! We’re friends, sobrang sweet niya na tao at magkasundo kami sa maraming bagay.

“We have a lot of things in common.

“Although hindi kami madalas nakakapag-usap, ‘pag magkausap naman kami magkasundo talaga kami, kaya excited kami na magkatrabaho.”

Bukod sa pagiging artista, isa ring director si Bianca–saan siya magko-concentrate, if ever?

“Ito muna, showbiz muna definitely, but ano e.

“May nakuha ulit akong offer na maging director for a production house so I’m gonna meet with them again and then it’s actually a job offer [in] the real world so…

“A director who is part of the production house approached me, so gusto nila akong ma-meet at makausap para maging in-house director ng isang production house.”

Bagong graduate lang si Bianca from college, may offer na bang trabaho sa kanya?

“I think so, nalaman siguro nila na naka-graduate na ako kaya may binigay silang job offer.”

Hindi ba mahahati ang atensyon niya between acting and directing pagdating ng panahon?

“Iyon nga po e, gusto kong malaman at gusto kong marinig sa kanila kung ano ba ang kailangan kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa ngayon yung focus ko muna talaga is sa Broken Vow, patapusin ko muna iyon.

“And then sa Luna Blanca, ‘tapos kung wala akong kasunod na show, tsaka ko tututukan talaga yung directing.”

Kung may sabay na dumating na parehong maganda, ano ang pipiliin niya?

“Acting. Acting pa rin kasi minsan lang naman ako magiging ganito kabata.

“Parang sa directing naman kahit sa pagtanda ko, puwede ko siyang gawin, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN