Sarah Lahbati apologizes for pack-up incident in shooting of Boy Pick-up; says schedule fumble caused her delay

Sarah Lahbati is linked to two teen stars from different networks–Enrique Gil of ABS-CBN and Alden Richards of GMA-7. Whom does she feel closer to? “Kay Alden po. Kasi, matagal ko na siyang kilala. Before StarStruck pa. Palagi po kaming nakakapag-kuwentuhan,” she says.


Last shooting day na kahapon, May 17 ng Boy Pick-up The Movie.

Pero noong isang shooting day nila, naging cause of delay si Sarah Lahbati para mag-pack-up ang shooting.

Diumano’y nandoon na si Dennis Trillo sa location, ngunit si Sarah, na ang call time at 1 p.m. at dumating daw ng 8 p.m.

Simula nang mangyari ang pagka-pack-up ng shooting nila, kahapon pa lang muling magkikita sina Sarah at Dennis.

SCHEDULE BLUNDER. Pero ano nga ba ang nangyari at na-late siya ng napakahabang oras?

“Nagkagulo po kasi sa schedule. Pero ang totoo po niyan, galing po ako sa Calatagan [Batangas].

“Gumawa po kami ng cinema plug shoot para sa Makapiling Kang Muli.

“Tapos ang call time ko po ro’n, mga 8 a.m. pero ginawang 7 a.m. sa akin para mauna na raw po ako dahil nabanggit ko po at ng handler ko po na meron akong Boy Pick-up.

“So, okay na po. Kaso, parang nagkaroon po ng problema doon. Hindi ko po alam kung technical o kung anuman ang naging problema.

“Medyo na-late po ang shoot. Mga 4 p.m. po yata kami natapos. Eh, 1 p.m. ang call time tapos nasa Calatagan po ako noon.

“Ang layo-layo, mga three to four hours ang biyahe. Nakarating na po ako, 8 p.m.

“Ang gulo-gulo ng sked, kaya hiyang-hiya ako sa Boy Pick-up.

“Siyempre, na-pack-up ang shoot at isang malaking hassle yung ganoon.

“I have to apologize kay Kuya Dennis at sa staff din po, nakapag-apologize na rin ako.”

Natakot ba siya na masabihang unprofessional sa pangyayaring yun?

“Hindi naman po, kasi, sumusunod naman po ako sa mga call time.

“Hindi rin naman po maiiwasan ang mga ganitong pangyayari. I just have to apologize.”

Dugtong pa ni Sarah, “When I see him [Dennis], I will apologize.

“Siyempre, inisip ko rin kung ako rin yun, kawawa rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May body paint pa siya e, ang hirap at ang tagal ilagay noon. So, ang hassle talaga. I have to apologize.”

WISH GRANTED. Pero bilang isang leading man, mabait daw talaga si Dennis ayon kay Sarah.

“Super bait po ni Kuya Dennis–napaka-humble. Actually, yung first impression ko sa kanya, tahimik.

“Yung parang may sariling mundo. Pero kapag nakausap mo na siya, napakabait, walang kayabang-yabang and he’s very professional.”

Hindi ba siya nailang na may kissing scene sila ni Dennis sa Boy Pick-up?

“Wala naman, wala naman. First shooting day ko naganap ang kissing scene. I think, okay naman.”

Aminado si Sarah na isa si Dennis sa mga Kapuso actors na gusto niyang makasama o makapareha noon pa man.

“Nasa Switzerland pa lang ako, kilala ko na si Kuya Dennis.

“It’s a dream come true na maka-trabaho po siya.”

SECRET ADMIRERS. Among the Kapuso female stars, isa si Sarah sa masasabing nagbu-bloom at marami ang nagpapahayag ng admiration sa kanya.

Hindi lamang mga Kapuso actors kung hindi maging ilan sa mga Kapamilya stars.

“Naku, how do I say this? Natutuwa,” nahihiyang sabi naman niya.

“Natutuwa na malaman yung mga bagay na ‘yan. Yun po.”

Nag-e-entertain ba siya ng mga manliligaw at paano ba sila magpahiwatig?

“Actually, may mga natatanggap ako na mga flowers, pero hindi ko alam kung kanino galing.

“Yung isa may note lang na, ‘Burning of the night time, what is bloom?’” yun ang first note sa bouquet.

“Yung pangalawa, walang note, bouquet lang ulit.”

Kanino galing ang mga bulaklak?

“I have no idea. I’m clueless. As in.”

Paano niya natatanggap ang mga bulaklak?

“Sunday po yata yun, after ng Party P [Pilipinas], nag-church kami ni Mama ‘tapos, nag-movie.

“Pag-uwi ko sa bahay, sa kuwarto ko, nakalagay na roon yung bouquet. Tapos tinanong ko yung katulong namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Ate, saan ‘to galing?’ Tapos sabi niya, inakyat ng guard ‘tapos, iniabot sa kanya.

“Pero parang sinabi ng guard daw na pinaabot lang sa kanya noong nagbibigay.”

Ano naman ang reaksiyon niya na si John Prats ang isa sa nagpahayag na Kapamilya star na diumano’y crush siya?

“Marami nga po akong natatanggap na tweets, messages, sinabi nga raw po.

“Baka naman po Sarah G [Geronimo],” nakangiti niyang sabi.

“Thank you po kung sinasabi nila yun,” na tila nahihiya.

Actually, among the Kapamilya stars, si Enrique Gil ang maingay na nali-link sa kanya–ano nga ba?

“Friends.”

When she says friends, nandoon yung lumalabas sila?

“Ano lang po, we hangout with other friends, common friends. Pero ang tagal ko na rin po siyang hindi nakikita.

“Busy po ako sa work. Busy rin siya sa work. But yeah, we’re friends.”

Magkaiba sila ng network ni Enrique, pero posible bang mag-work-out o ma-develop ang anumang relationship?

“It depends. It depends on how you communicate at kung paano bina-balanse ang mga bagay-bagay.

“Pero kung nagwo-work sa iba, baka naman… I don’t know.”

Sa Kapuso, si Alden Richards naman ang nali-link sa kanya. Kanino siya mas close?

“Kay Alden po. Kasi, matagal ko na siyang kilala. Before StarStruck pa. Palagi po kaming nakakapag-kuwentuhan.”

Nakakalabas sila ni Enrique, sila ba ni Alden, may ganoon ding moments?

“Si Alden? Kailan ba kami huling [lumabas]–kapag may event o party. “

Sino ang masasabi niyang pinakamalapit sa puso niya?

“Wala… wala pa,” ang natatawang sabi niya.

Bukod sa Boy Pick-up, isa siya sa leading lady ni Richard Gutierrez sa Makapiling Kang Muli.

“Honestly, wala na po akong mahihiling pa. I’m very blessed. As in… umaapaw ang blessing.

“At yun nga, hindi pa rin ako makapaniwala na sunod-sunod ang mga blessing na binibigay ni God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I’m very, very grateful sa lahat ng nangyayari.”

Kumusta naman sila ni Richard?

“Super okay rin naman po. Nakarami na rin po ako sa taping ng Makapiling Kang Muli.

“So far, super saya sa taping kasi, ang dami namin.”

Si Richard bilang leading man?

“He’s very nice, he’s very professional.

“He’s cool. Maasikaso po siya sa lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN