Heart Evangelista brushes off rumor that she’s dating Sid Lucero

Heart Evangelista says she and Sid Lucero are just good friends. “It’s so funny kasi when you’re doing a soap and you’re with this person, right away, you’re romantically [linked]… But it’s nice kasi, at least, naniniwala sila sa acting," says Heart with a smile.


Itinanggi ni Heart Evangelista na may anumang namamagitan sa kanila ni Sid Lucero.

Magkasama sina Heart at Sid sa primetime series ng GMA-7 na Legacy. Dito sinasabing nagsimula ang magandang pagtititnginan ng dalawa.

May balita pa ngang inimbita raw ni Sid si Heart sa isang “family dinner” ng mga Eigenmann, kung saan ang iniimbita lamang ay ang bahagi ng kanilang pamilya o ang pinakamalalapit nilang kaibigan.

Pero mariin itong itinanggi ni Heart nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa “Save the Earth, Share Happy” event ng SM Supermarket at Unilever kaninang hapon, May 18, sa SM Megamall.

Aniya, “No, I but bumped into his family Mother’s Day when I was in Rockwell…yun lang yung [naiisip] ko…”

Matagal na rin daw niyang kakilala ang pamilya ni Sid.

“Actually, I’ve known his family for a while. And I’ve met Max [Maxine Eigenmann, Sid’s sister] a long time ago and…

“Sid and I are very good friends and we hang out a lot. So, uhm, nakilala ko na sila dati pa.

“But we’re really good friends. And it’s so funny kasi when you’re doing a soap and you’re with this person, right away, you’re romantically [linked]..."

Idinaan na nga lamang daw ni Heart sa biro ang isyu.

“But it’s nice kasi at least naniniwala sila sa acting,” sabi niya.

Sa kabila ng kanyang sagot, nilinaw pa rin ng press kay Heart kung lumalabas ba sila ni Sid.

“Oh, I go out with Sid all the time—not just with Sid alone but with groups. Uhm, we’re very close.

“Actually, the whole Legacy cast, we’re very, very close. So, yeah, we all go out," paliwanag niya.

Nang diretsang tanungin kung may namamagitan ba sa kanila ni Sid, paulit-ulit na “no, no, no…” ang nakangiti nitong sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GETTING TO KNOW NEW PEOPLE. Kamakailan ay nakumpirma ang pakikipaghiwalay ni Heart sa Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga matapos ang mahigit isang taong relasyon.

Nakikipag-date na ba siya ngayon?

“I wouldn’t really call it dating, but I have dinner with some friends. Or I get to know new people… ganyan.

“Kasi, you know, you’re single and it’s always nice to sneak what’s out there, waiting.”

Kumusta naman ang lagay ng puso niya ngayon?

“Puso ko? Okay na okay ang puso ko.

"I’m very inspired with my job, tuloy-tuloy… uhm, one soap after another.

“And then I have two movies coming up and endorsements.

"So, I’m good. I’m actually happy na ganito ang state ko kasi less complications, di ba?”

Hindi pa man natatapos ang Legacy, magsisimula na sa Lunes, May 21, ang isa pang teleserye ni Heart—ang Luna Blanca.

Makakasama niya rito ang tatlong henerasyon ng Kapuso stars na gaganap sa title characters. Sina Jillian Ward at Mona Louise Reyes sa unang kabanata; sina Bea Binene at Barbie Forteza sa ikalawang kabanata; at sina Heart at Bianca King sa ikatlong kabanata.

Sa kabila ng pagiging abala niya sa trabaho, nananatili raw bukas ang puso ni Heart.

“And then kung may mga nag-i-invite, e, di okay. Why not, di ba?” sabi ng aktres.

Bukas pa rin ba ang puso niya para kay Daniel?

“Well, I think I need my time away from that person…we both need our time away from that.

“Of course, a breakup is always, you know… goodbyes are, you know, always sad.

“But, then again, there’s a saying that some people come to your life for a reason, a season or a lifetime… so hindi ko pa nahahanap yun.

“So, dinner? Maybe not so soon yet," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung eco-friendly bags ang kanyang advocacy, naa-apply din ba nya sa lovelife ang recycling?

“Recycling when it comes to lovelife, that’s something that you really need to think about because, once it ends, it must end for a reason at ayaw mo na balikan yung reason na yun.

“So, hindi na siguro puwede,” sagot ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN