Coco Martin too busy to go courting—not even his movie co-star Angeline Quinto

Coco Martin just wrapped up filming Born To Love You for Star Cinema and Cinemedia. He is busy taping scenes for Walang Hanggan, his toprating teleserye on ABS-CBN, and shooting TV commercials and pictorials. The actor laments he has no time for love. “Darating at darating din naman yan. Ang sinasabi ko lang kasi ayokong aksayahin yung pagkakataon ngayon na ibinibigay sa akin e. Kasi kumbaga m


Puno ng paghanga sa isa’t isa sina Coco Martin at Angeline Quinto. Mas naging close pa nga raw sila nang gawin nila ang pelikulang Born To Love You under Star Cinema at Cinemedia, na ipalalabas na sa mga sinehan sa May 30.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coco sa grand presscon ng Born To Love You noong May 16 sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound, tinanong namin siya kung bakit hindi natutuloy na ligawan niya si Angeline sa kabila ng closeness nila ngayon?

Natawa muna si Coco bago sumagot. “Kasi yun nga yung sinasabi ko, medyo busy rin sa trabaho talaga. Kasi almost every day talaga akong nagtatrabaho. Depende na lang kung saan makakarating.”

Abala nga si Coco sa taping ng kanyang toprating teleserye sa ABS-CBN, ang Walang Hanggan. Idagdag pa ang shootings sa pelikula, endorsements, TV commercials at pictorials na kanyang ginagawa. So, no time for love ba muna siya ngayon?

“Darating at darating din naman yan. Ang sinasabi ko lang kasi ayokong aksayahin yung pagkakataon ngayon na ibinibigay sa akin e.

"Kasi kumbaga maganda yung blessings at trabahong ipinagkakaloob sa akin ngayon, gina-grab ko lang.”

GETTING CLOSER AND CLOSER. Puring-puri nga ni Angeline si Coco at sinabi pang bukod sa pagiging magaling na aktor ay yummy pa ito. Ano ang masasabi niya rito?

“Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung nagbibiro ba si Angeline o totoo yung sinasabi niya e.”

Kumusta naman ang pagtatrabaho at pagsasama nila sa movie?

“Masaya, kasi si Angeline ganun siya kakulit e. Talagang napapatawa niya ako nang sobra-sobra.”

Ano ang qualities na nagustuhan niya kay Angeline?

“Unang-una, dahil sobrang mapagmahal niya sa pamilya niya. Tapos mahilig siyang magsimba e, pareho kami na nagsisimba lagi sa Quiapo.

"Kumbaga, marunong sa buhay. Napakarami niyang good qualities bilang babae.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuluy-tuloy pa rin ba ang magiging closeness nila kahit na maipalabas na ang pelikula nila?

“Oo naman, sabi ko nga sana hindi matapos lahat dito sa pelikulang ito. At sabi ko nga, sana makagawa pa kami ng mas maraming pelikula.”

Marami ang nakakapansin na match silang dalawa lalo na’t pareho rin silang galing sa hirap bago naabot ang kasikatan nila ngayon.

“Oo nga e, sabi ko nga sa kanya, pareho tayo, pareho tayong jologs,” biro ni Coco.

Masarap daw kasama si Angeline talaga.

“Masaya, basta pag nagkukuwentuhan kami habang nagsu-shooting marami kaming napag-uusapan lalo na sa buhay-buhay.”

FULL SUPPORT. Dahil first movie ito at acting debut pa ni Angeline, paano tinulungan at inalalayan ng award-winning actor na si Coco ang kanyang leading lady?

“Lahat, sa lahat ng eksena basta’t makakatulong sa kanya. Sabi ko, kahit nga sinampal niya ako nang paulit-ulit, tiniis ko yun, umabot yata ng sampu.

"At talagang sampal ha, hindi peke a. Kailangan kasi sa eksena e. Actually, pag pinapanood ko sa trailer okay na. Sabi ko, para magawa niya lang nang tama yung trabaho niya.”

Masakit ba yung mga sampal ni Angeline?

“Sobra, mabigat yung kamay niya e,” natatawang sabi ni Coco.

“Hindi naman ako nagreklamo. Pero dumating na yung time na kakasampal niya sa akin, hindi ako dapat umiilag pero kusa nang umiilag yung mukha ko. Kailangang tiisin para sa ikagaganda ng mga eksena.”

Sabi rin ni Angeline, nagustuhan niya raw ang kissing scenes nila ni Coco. Ano ang komento ni Coco rito?

“Ginawa ko lang yung trabaho ko. Sabi ko nga, kung ano man yung meron basta sa trabaho gagawin ko.”

Bukod kina Coco at Angeline, kasama rin sa cast ng Born To Love You sina Albert Martinez, Eula Valdez, Tonton Gutierrez, Al Tantay, Malu de Guzman, Kiray Celis at Amy Nobleza. Sa direksyon ito ni Jerome Pobocan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN