Ogie Alcasid on Jessica Sanchez: “It’s an honor for all OPM singers na isang may dugong Pinoy na ang nakarating sa finale ng American Idol."

Ogie Alcasid, in character, as Boy Pick-up. The actor just wrapped up filming for Boy Pick-up: The Movie, and is finishing the musical, I Doo Bi Doo, Bi Doo, with Eugene Domingo and the APO Hiking Society. Aside from appearing weekly in four TV shows, he is also active as president of OPM (Organisasyon Ng Mga Pilipinong Mang-aawit).


Tila walang kapaguran si Ogie Alcasid dahil sa sunud-sunod na trabaho niya sa telebisyon at pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Mismong si Ogie ay nagugulat kung saan niya nakukuha ang kanyang lakas dahil aminado siyang hindi na siya bata para magpuyat at magpagod sa trabaho, pero hindi raw niya nararamdaman ang pagod dahil sa pagmamahal niya sa kanyang career.
Nag-last shooting day na nga last May 17 sa Forest Hills Subdivision, Antipolo City ang pinagbibidahan niyang Boy Pick-Up: The Movie ng Regal Entertainment at GMA Films.
Sunod naman niyang tatapusin ay ang musical na I Doo Bi Doo, Bi Doo with Eugene Domingo and the APO Hiking Society.
Sa TV ay bukod sa Party Pilipinas at Bubble Gang, meron siyang dalawang bagong shows, ang early primetime series na Daddy Dearest with Roxanne Guinoo at ang celebrity talk show na Pare & Pare with Michael V.
Aktibo rin si Ogie sa pagiging presidente niya ng OPM: Organisasyon Ng Mga Pilipinong Mang-aawit. Personal niyang inaasikaso ang mga projects at future events ng OPM. At isama pa rin ang mga shows na ginagawa niya here and abroad.
“Buhay pa naman ako, ‘di ba?” sabay tawa ni Ogie.
SOURCE OF STRENGTH. “Nakakagulat din kung saan nanggagaling ang kakaibang lakas natin sa trabaho.
“I admit na hindi na tayo bata at dapat medyo hinay-hinay na tayo sa puyat at stress. Pero hindi ko nararamdaman lahat ‘yan, e.
"Kapag inspired kang tao at meron kang mga tao na alam mong nandiyan parati to support you, doon ka humuhugot ng strength to go on with your everyday activities.
“Hindi madali ang buhay natin sa showbiz. Nandiyan ang stress sa intriga, stress sa trabaho at stress sa pag-iisip din.
"Pero all of that, mawawala basta alam mong may mga taong mahal ka,” ngiti niya.
Kabilang sa mga taong iyon ay ang kanyang misis na si Regine Velasquez-Alcasid at ang kanilang baby boy na si Nathaniel Jaime or mas kilala bilang Baby Nate.
“Tama nga ang sinabi nila na nawawala ang pagod mo kapag nakikita mo ang anak at asawa mo.
“Sometimes kasi I get home around 3 or 4 in the morning dahil sa mga big scenes ng Boy Pick-Up. Siyempre parang wala ka na sa tamang timpla, ‘di ba?
"Pero once na makita mo ang misis mo na gising pa para hintayin ka, hay, ang sarap ng pakiramdam.
“Tapos makikita mo ang anak mo na mahimbing na natutulog, mas masarap sa pakiramdam.
“Kasi yung mga pinagtrabahuan mo ng madaling-araw na iyon, alam mo na para sa kanila lahat iyon.
"Not just sa baby namin ni Regine kundi pati na rin sa dalawang anak ko na sila Leila at Sarah.
“Kahit na nasa malayo ang dalawang daughters ko, I can feel their love every day. Alam kong nami-miss na nila ako and I miss them as well.
"I will see them soon basta ready nang makabiyahe ang baby brother nila,” ayon kay Ogie.
ON JESSICA SANCHEZ. Natanong nga si Ogie tungkol sa pagkakapasok ng Pinay-Mexican na si Jessica Sanchez sa finale ng American Idol Season 11. Ang makakalaban sa finale ni Jessica ay si Phillip Phillips.
Sa naging huling performance ni Jessica ay inawit nito ang "I Don’t Wanna Miss A Thing" ng Aerosmith at kapansin-pansin na pareho ang naging hagod ni Jessica at ng rendition ni Regine Velasquez nang awitin niya rin ito may ilang taon nang nakakaraan.
Natuwa naman si Ogie dahil kung totoo ngang naging basehan ni Jessica ang style na pag-awit ng kanyang misis, isang malaking karangalan iyon para sa lahat ng mga OPM singers sa bansa.
“Meron nga rin daw si Jessica na YouTube video na kinakanta niya yung song na ‘Ikaw.’ Very Regine din daw ang pag-awit niya.
“Kung ang misis ko nga ang nagiging inspiration niya sa kanyang pag-awit ng mga songs na iyon, then we are very proud of that.
“Ilang singers na rin ang nagsasabi na paborito nila si Regine and her style of singing is something na gusto rin nilang magawa sa mga performances nila.
“It’s an honor for all OPM singers na isang may dugong Pinoy na ang nakarating sa finale ng American Idol.
"Kahit na hindi siya lumaki sa Pilipinas, makikita mo naman na nasa personality niya ang pagiging isang Pinoy.
"Just for that, very proud tayong lahat kay Jessica Sanchez.
“We all wish her luck and if Jessica wins the title of American Idol, isang malaking karangalan ‘yan para sa ating mga Pinoy.
“It only proves na ang talent ng Pinoy ay kakaiba at ang suporta na binibigay ng kapwa Pinoy natin kahit saang parte sa mundo ay sobrang lakas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN